Chapter 26

6.7K 508 31
                                    

Cray

"I'm sorry."

Tahimik na tinitigan ko lang si Ember. Kagaya ko ay napaupo na lang din ito sa buhanginan matapos tanawin ang malawak na karagatan.

There's no way out. No aircraft. No boat. Nothing can get us away from here.

"I swear this is not my plan, Cray." natatarantang paliwanag pa nito. "I won't do this to you, swear." dagdag pa ulit nito.

She kept saying that kahit hindi ko naman ito sinisisi. Wala naman akong sinabi na kahit ano para mag isip ito na sinisisi ko ito sa sitwasyon namin ngayon.

Kanina lang ay halos magkasunod pa kaming nagising sa isa sa mga kwarto sa mansyon ng mga ito matapos naming marinig yung engine ng papalayong aircraft.

I am pretty sure that it was the last one. Dahil kahit ang mga bantay dito sa Isla nila ay tila nawalang parang bula. Kung dati ay puno ng mga armadong bantay ang lugar na ito, ngayon naman ay tanging ako at si Ember na lang yata ang naiwan.

Is this your plan, Mom? Aren't you afraid that I might hurt Ember in this process? Do you really think by prolonging my exposure in this place could heal me in an instant?

That's ridiculous.

"I'll try to contact anyone for help. If Eris can just receive any of my emergency call, for sure, gagawa iyon ng paraan para tulungan tayo." Tumayo na si Ember. Palakad lakad habang nag-iisip ng solusyon. "O pwede naman si Cariette. She could help us too. She could steal her mother's yacht and fetch us. Right. That's the best option for n-"

"It's okay." Sumusukong napatayo na lang din ako sa buhanginan at pinagpag yung ilang buhangin na dumikit sa suot kong pants. "You really had no idea? We're stuck in here."

Maybe our situation hasn't sinking into Ember yet. O marahil nga ako lang ang may alam kung bakit kaming dalawa lang ang nandito ngayon.

"Maybe it's our fate after all."

Maang na nilingon lang ako ni Ember. "Hey, I told you, I didn't plan any of the-"

"I know." Pinilit kong ngumiti kahit nakakaramdam na naman ako ng takot sa lugar na ito. Lalo pa at nagsisimula na din dumilim. Nayakap ko na lang din ang sarili ko nang umihip ang malakas na pangdapit hapon na hangin na sinabayan pa ng malakas na hampas ng alon sa dalampasigan. "I know it by now. We just have to survive and live here for the meantime, right?" I glance once more at the dimming sky.

Right, Cray. Convince yourself. This place is haunted. This was once a bloodbath. How would you ever find peace here?

Naramdaman ko yung paglapit sakin ni Ember. Those longing stares that are speaking those emotions she couldn't put into words.

I matched it with a gentle smile.

"I'm sorry."

"Don't be." I shook my head. "Let's go. I won't be happy seeing you catching coughs and colds." Nagsimula akong maglakad pabalik sa bahay ng mga ito. If there's any safe place that I can trust as I stay here, sa loob iyon ng bahay nila Ember. Away from any harm that's lurking in this forsaken place.

It's okay, Cray. It's all done. The monsters are all gone. Long ago. They're dead. You've seen it with your two eyes.

Halos marahas na itinago ko yung mga kamay kong nanginginig pagkaalala na tanging kami lang ang naiwan dito.

"Okay lang sayo na manatili dito?" nananantyang tanong ni Ember.

Hindi ako sumagot. Pero dinig ko yung mga yabag ni Ember na sumusunod sa akin pabalik sa pinaggalingan namin kanina. Sa bahay. Pasimpleng pinadaan nito ng daliri yung buhok nitong nagulo na ng malakas na panghapong hangin.

MamihlapinatapaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon