Chapter 20

7.5K 568 170
                                    

Cray

"This ain't romantic, okay?" pauna ko na bago pa mamis-interpret na naman ni Ember.

Tumawa lang ito bago sunod-sunod na umiling. "Of course, this ain't romantic."

But I couldn't hide the smile that's forming my lips when I saw how her lifeless eyes lit like fire. Mirroring the fireworks that's lighting up a night sky.

Her dream date.

We were watching the fireworks display, holding each other's hand, standing side by side, wearing same style and color of shirts. But no, this ain't romantic.

Obviously not.

Hinubad ko yung suot kong jacket at ipinatong sa balikat nito habang pareho pa din kaming nakatingala sa langit at pinapanood yung fireworks display. Ramdam ko na lalong dinikit ni Ember yung katawan niya sa gilid ko. Siguro ay para hindi din ako lamigin masyado. Nang marahil ay naramdaman nito na hindi naman ako tumutol, ay tuluyan na nito akong hinatak at niyakap. Sinandal pa nga nito yung baba nito sa balikat ko habang nakayakap pa din at nakapwesto sa likod ko.

"This feels better. Comfty and warm." Dagdag pa nito.

I couldn't contradict that statement. It really is comfty and warm. To be this close.

"Thank you." She whispered enough for me to hear. I could even feel the way her voice trembled.

Natatawang umangat yung mukha ko dito. This is so like us. Ganito kami dati noon. Hindi nag-aaway. Hindi nagtatalo. We just find comfort at each other that's why we stay together.

"We're not yet done. Letter F pa lang tayo." I reminded her before giving her a sincere smile. "We still have a long night ahead of us."

We are running an alphabet dating. Kanina ay nagpunta na kami sa Aquarium, namili ng mga libro nito sa bookstores, nagcoffee sa pinakamalapit na coffee shop, nagdinner sa banchetto at pumunta sa exhibit para lang magdonate sa mga artist doon. Ngayon nga ay naghanap pa kami ng may fireworks display dahil ito yung pinili nya.

Pasimpleng sinulyapan ko yung relo nito. Masyado pang maaga para umuwi kami. Saka pareho naman kaming walang lakad bukas. At sa mga susunod na araw. Ewan ko lang kung magsisimula na ba ito magtrabaho sa kumpanya. Ember ain't letting me know her plans.

"Throw me the easiest question, Ember. Para ako naman pipili ng sunod na pupuntahan natin."

I felt her shoulders moving. She's chuckling. Siguro ay pinagtatawanan ako nito dahil lahat ng tanong ko ay nasasagot nito ng tama samantalang yung mga riddles nito ay wala pa akong nasagot kahit isa. Ang ending tuloy ay ito lagi ang pumipili ng destinasyon namin mula pa kanina. Napakamadaya.

"Cray."

"Hmm?"

Humigpit yung pagkakakapit ng kamay nito sa bewang ko. "What is that you ought to keep after you give it to somebody else?"

Natigilan naman ako. "Is that the riddle?"

"Uh-uhm." Ember nods her head.

Halos pigain ko na yung utak ko pero wala akong maisip na tamang isagot doon. "What is that you're giving away that you still have to keep?" ganting tanong ko dito.

"Suko ka na?" kaswal na tanong nito na dinikit lang yung pisngi sa pisngi ko habang yakap pa din ako mula sa likuran. "Think harder."

"A secret." Sagot ko dito. "If I tell you a secret, you have to keep it."

Sandali itong nag-isip bago umiling. "Then, it's no longer a secret if you tell it to me. You gave your secret away so you can no longer keep it."

Napangiwi naman ako. "Mali na naman?"

MamihlapinatapaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon