Chapter 25

6.6K 503 58
                                    

Ember

"Have you watched all the tapes?"

Patuloy lang ako sa pagliligpit ng gamit ko. Ang sabi kasi ni Mommy ay kukunin lang namin yung gamit at damit ko para madala na namin sa isla. Pati yung mga gamit din daw ni Cray ay ayusin ko na dahil pumayag na ito na manatili na muna kami doon. Yung mga naiwan tuloy na gamit ni Cray dito sa unit yung mga kinukuha ko na lang.

Sila Mom naman at Essex ay nagpaiwan sa hospital dahil aasikasuhin daw ng mga ito yung paglabas ni Eris. Para sabay sabay daw kaming uuwi mamaya.

"Hindi pa lahat, Mom." Isinalansan ko sa bag yung mga damit ni Cray. "Pumayag talaga si Cray na sa isla na muna kami?"

"Why? Hindi ka naniniwala sakin?"

"Hindi naman sa ganoon, Mom. Kaya lang alam ko na hindi kumportable si Cray sa lugar na malayo sa madaming tao at kabihasnan. Sanay kasi iyon na pag may kailangan sya ay mabilis syang makakahanap kung saan."

"Oh, you had no idea."

Mula sa pagtitiklop ay natigilan ako. Napaangat yung tingin ko dito. Pakiramdam ko ay may hindi ito sinasabi sakin.

"Mommy?"

"Hmm?"

Pasimpleng sinulyapan ko ito at pinag-aralan yung kilos nito. Nakasandal lang ito sa pinto at kalmanteng nakacrossed arm lang habang pinagmamasdan ako na nag aayos.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng pagkabahala.

"What's with Cray? Ayaw mo ba talaga sa kanya dahil ampon lang sya?"

Tumawa lang si Mommy bago bahagyang napailing iling na tila ba nakakatawa yung itinanong ko dito.

But she can't blame me. Mula pa noon ay laging sinasabi nito na ayaw nito kay Cray at iwasan kong maging malapit dito. Kahit pa nga alam nito na tanging si Cray lang ang madalas na kasama ko noon matapos akong ma-accelerate sa school.

Mabait naman si Cray at magalang. Wala akong matandaan na kahit anong instances na binastos nito si Mommy o kahit sino sa pamilya ko. Pag nakikita nga nito noon si Mommy sa mga gatherings ay lalapit pa ito at hahalik sa pisngi ni Mom. Maybe because Cray grew up in my mother's orphanage before Tita Louella at Tita Alli adopted her. It's her way of acknowledging my mother's kindness.

"Cray's a nice kid." Komento ni Mommy na bahagya pang napatango. "But I don't like her for you. You and her are not a perfect match."

"But she already told me that she loves me." I insisted.

Ngumiti lang ito. A lopsided grin that I am accustomed to. "Or she might just grew tired running away. Haven't you think na baka pinagbibigyan ka na lang nya ngayon para matapos ka na kakahabol sa kanya?"

I still remember the first time na nagkita kami ni Cray noon nung nagkaroon ng friendly gathering si Mommy at yung mga kaibigan nito. Essex and Eris weren't born that time yet. I was probably five turning six that time. Cray is the only person who didn't talk to me. Lagi lang itong nakadikit noon kay Elle at Rainey.

When everyone's trying to get my attention, it was only her who doesn't want it. And when I managed to approach her, she just shrugged her shoulders and left me without saying anything. Just that blank stare. It was a first for me.

Naalala ko noon na nagselos pa ako dahil tumakbo ito palapit noon kay Mommy at humalik sa pisngi nito. Nginitian pa ito ni Mommy at kinumusta yung pagpapraktis nito ng tennis. I was so damned jealous that time because Mom didn't even asked me how I was doing in school. Pero sya, out of nowhere, managed to get my mother's attention and affection.

MamihlapinatapaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon