Chapter 24

6.1K 525 51
                                    

Cray

This is the first time I've ever felt suffocated with the deafening silence inside my parent's home. Samantalang noon ay hinihiling ko lang palagi ay magkaroon ng katahimikihan dito. Lalo pa at maingay talaga si Elle na palagi na lang nakasunod at nakabuntot sakin while growing up.

Akala ko nga kanina ay sa malapit na coffee shop lang sa hospital kami mag-uusap. Pero mas minabuti ni Momma na umuwi kami ng bahay para makapag usap ng maayos. Si Elle daw kasi ay inihatid na muna ng mga ito kina Tita Aria.

Why? Are they afraid that I might do something to Elle? Ngayon na nalaman ng mga ito yung sakit ko?

"In my private office." Pautos na pagkakasabi ni Momma bago ako tiningnan at si Mommy Alli na nakasunod pa din samin. Hawak hawak ni Mommy yung kamay ko at marahang tinatapik sa braso na para bang in-aassure ako na magiging maayos din ang lahat.

Though a little bit hesistant, I found myself taking the way to her private office. Akala ko nga ay magpapaiwan na si Mommy dahil binitiwan nito yung kamay ko bagamat ay kasunod ko pa din.

"Get out of here, Alli."

I could feel my mother's heavy breathing beside me and that penetrating stares of my other Mom.

"No, Pooper. Let's talk about it like a fami---"

"Get out!" itinuro ni Momma yung pinto.

Natigilan naman si Mommy.

"L-Louella."

"Get out." walang emosyong ulit lang ni Momma kahit tila maiiyak na si Mommy sa coldness na ipinapakita nito. "Let me deal with my daughter, alone."

"She's my daughter too, Lou. You can't rob me my rights to be there as you castiga-"

"Then, fuck you!" Malakas na sigaw ni Momma L na tuluyang ikinaiyak ni Mommy. Halatang hindi ito sanay na pinagtataasan ng boses ni Momma. "For once naman Alliston, give me the space I am asking from you! This ain't just always about you and the way you're handling things! Talk ain't always necessary!" marahas na minasahe pa ni Momma yung sentido nito. Marahil ay para pigilan yung pag-alpas ng galit nito at maiwasan na mapagtaasan ulit ng boses si Mommy. "Let me reprimand my daughter at least, for once. I'm her mother too, Alliston. Let me be one." Halos pabulong pang dagdag nito.

Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin. Hindi ko kayang tingnan yung itsura ni Mommy ngayon.

Sa tinagal ko na kasama sila, ngayon ko lang nakita na ganito si Momma. She might be always firm and strict, but her voice always sounds so sweet and comforting. Kahit nga pag nag-uutos ito samin ni Elle, palaging akala mo nakikiusap. She's always so sweet to Mom too.

Umiiyak na tumalikod si Mommy at halos patakbong lumabas ng kwarto. Naawa naman akong sinundan ito ng tingin. Kung hindi dahil sa akin ay hindi mag-aaway ang mga ito ng ganito.

Yeah. It's all my fault.

"Cray.."

Napalunok na lang ako nang marinig yung pangalan ko na bigkasin ni Momma. Seryoso yung mukha nito at halos tunawin ako sa paraan nito ng pagtitig na para bang pati kaluluwa ko ay binabasa na nito.

"Mom.." I answered back as I bowed my head in shame.

How could you brought them shame, Cray? They've given you name and fame, all the wealth, a roof above your head, fancy expensive clothes and dresses. So how could you?

"Sit here beside me." Tinapik pa ni Momma yung bakanteng pwesto sa tabi nito. Sa mahabang sofa na kaharap lang ng mahogany table nito.

Kahit kinakabahan ay unti-unti akong lumapit at umupo sa tabi nito. Careful enough not to create a sound. I don't want to annoy her even more.

MamihlapinatapaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon