Chapter 35

7.7K 562 223
                                    

Cray

"What do you need?"

Mula sa mga pinipirmahang papeles ay umangat yung tingin sakin ni Ate Grant. I was greeted by the same lifeless, coal eyes. Same as my wife's.

Kasalukuyan akong nasa building na pag-aari ng mga ito. Sumabay ako kay Momma kanina dahil may board meeting ito dito sa kumpanya nila Ate Grant. Iniwan ko lang ito saglit dahil may mga ibibilin daw ito kay Ember na nandito din na sumabay lang kay Ate Grant. Sa isla pa din kasi ito nag-i-stay. Ako naman ay nandito sa Manila.

"I need to go back to the island, Cray. Sabihin mo na agad yung ipinunta mo dito."

Totoo iyon. Pinipirmahan lang nito lahat ng dokumento na kailangan para malipat yung posisyon nito kay Ember. The board finally agreed to give Ember the position she's been eyeing for a long time. Kaya nga nandito kaming lahat ngayon.

While I, on the other hand, is still busy with my practice for the incoming summer tournament. Sumaglit lang talaga din ako para suportahan at makita si Ember.

"Just tell it straight, Cray. What do you need from me?" ibinaba nito yung gold-plated fountain pen na hawak nito bago itinuon yung buong atensyon sakin.

Kinakabahan man, ay buo na yung loob ko ngayon. I already asked my parent's opinion about this and they both had given me their support.

Well, wala na din naman din sila magagawa dahil nagawa ko na yung gusto ko bago ko pa man sabihin sa kanila.

"I'll ask Ember to move in here with me."

Tumalim yung tingin sakin ni Ate Grant. Sinalubong ko lang iyon. Inaasahan ko na kasi na tututol ito.

Pagkabalik pa lang kasi namin ng Manila ay sinabihan na ako nito agad ng kundisyon nito bago ito pumayag na tuluyang ibigay sakin yung panganay nya. Akala ko ay tututol doon si Ember pero wala naman itong ginawa. Kaya hayun, halos dalawang buwan din kaming hindi magkasama sa bahay dahil sumama ito pabalik sa mga magulang nito. Bagamat ay araw araw naman kaming magkausap. Madalas ay ito ang tumatawag sakin tuwing umaga at ako naman ang tatawag dito bago yung bedtime nito. Pag weekends naman ay pumupunta ito sa unit nito dito sa Manila at sinasamahan ako sa check-up ko.

"You know my rules, Cray. Unless you have successfully completed all of it, that's the only time I'll allow you to take my daughter away from me."

"I've already bought a house and land." Tumango ako dito at ngumiti. "You can visit it whenever you're available. Si Ember na lang yung kulang ko doon."

Umangat yung sulok ng labi nito na hindi naniniwala. "By your mother's money?"

Gaya ng inaasahan ko ay iyon nga yung sinabi nito. Kaya naman kinuha ko yung passbook sa bag ko pati na din yung mga dokumento ng mga kontratang pinirmahan ko para kumita ng pera.

I know Ate Grant wants an independent woman who can provide for her daughter. Hindi ba at iyon din ang kundisyon nito noon kay Rainey na hindi magawa nung huli?

"I've signed modelling and advertisement contracts. Pati endorsements which tied me for the next five years of my life. So, give my wife back."

Kinuha iyon ni Ate Grant at masusing pinag-aralan isa-isa. Sinisigurado na hindi iyon gawa-gawa lang.

"That does not include my hard-earned money by being a professional tennis player, Ate Grant. I can provide for my wife. I'll make sure she'll be living in luxury for the rest of her life." dugtong ko pa.

Ibinaba nito yung mga dokumento sa ibabaw ng lamesa nito." I can provide for my kids, Cray. Just not for you."

That seems fair. Wala din naman akong pakialam sa pera ng mga ito. Kahit pa sabihin na alam kong madaming undeclared assets ang mga Silvas, sigurado naman ako na hindi din naman masyadong malayo yung agwat namin sa kanila. My parents are Calvry's and Parker's. Just my name is enough to make her agree of us.

MamihlapinatapaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon