Chapter 36

8.3K 539 87
                                    

Ember

I was frowning the whole time while sitting in the corner, staring at my wife as she greets all of her guests.

Flashes of cameras are everywhere. Big names and personalities are crowding Cray just to congratulate her after winning her latest game in a not-so-massive way. She beats her opponent with just an unexpected back spin dropshot after her failed attempt of ending it with a top highspin backhand which was returned to her side of the net. At dahil malayo yung kalaban nito at halatang pagod na pagod na para makatakbo pa ng mabilis at masalo yung biglang pag-iiba ng trajectory ng tira ni Cray, that ends their rally when she choose to resort in that shot.

Clever. As always.

Napatingin ako sa relo ko. Halos magdadalawang oras na itong nasa gitna ng kasiyahan pero hindi pa din ako nito nilalapitan. Nakailang glasses na nga din ito ng inumin pero ni isa wala itong ibinibigay sakin. Hindi pa nga ako nito tinatanong kung nakakain na ba ako o hindi pa. Malapit na talaga akong mainis dito.

Nagsisimula na din akong mairita ng lapitan pa ito ng isa sa mga kasama daw nito sa training camp at panay pa ang bulong dito. Tapos sinasabayan pa iyon ng mga nagkakaingayang press na panay ang kuha ng litrato. Siguradong laman ito ng magazines, newspapers, at kung ano-anong articles bukas. Nangangati na din talaga akong hatakin ito palayo sa bruhildang kadikit nito ngayon.

Maganda ba yon?

Hindi ko kasi masyadong maaninag yung mukha ng babaeng kaharutan ni Cray dahil medyo malayo ang mga ito sa pwesto ko.

"Tara, Ate Ember. Uwi na tayo?" yaya sakin ni Elle na umupo sa kaharap kong upuan. Kagaya ko ay halatang ayaw din nito dito. Kanina nga ay hindi ito sumama sa stage nang tinawag ito ni Cray dahil kumpleto yung buong pamilya ng mga ito doon sa platform kanina. Halatang proud na proud dito si Tita Alli at Tita Lou.

I am so happy that she's truly happy.

"It's so crowded here. Why is it so hard to live with a family that's almost a celebrity?" reklamo pa ni Elle.

Paano naman kasi sikat na sikat din ang Mommy Alli nito kahit hanggang ngayon, hindi lang yung ate nito. Bukod pa sa kilala din yung Momma nito dahil sa sunod sunod na business expansion ng mga ito sa kung saan saang bansa.

Just almost a celebrity? Elle must be kidding me.

"It's even harder to actually date one." I admit.

Yung kahit gustuhin ko man na halikan na agad si Cray kanina pagdating ko ay kelangan ko pa din magpigil at dumistansya.

Sumimsim na lang ako sa hawak kong baso ng alak. This is actually my third. Pagkatapos nito ay titigil na ako. I am not into drinking. Isa kasi ito sa mga hindi itinuro samin ni Mommy. Nasanay lang ako noon para makasabay kay Rainey kahit papaano.

"Ate's drunk. Hindi mo pa ba sya susunduin?" Naghihikab na tanong pa ni Elle. Nakasimangot na nga din ito habang nakatingin sa ate ito na halatang medyo lasing na nga. "Why is she even allowing that woman near her? That one has a huge crush on her. She must be truly drunk."

Maingay na kasi si Cray at hinahayaan lang yung babaeng katabi nito na hapitin pa ito lalo. Napaangat pa nga yung kilay ko ng makitang hindi na bulong lang yung ginagawa dito nung isa. Kissing one's earlobe is no longer whispering right?

"Tibay mo nga." Natatawang kantyaw pa sakin ni Elle.

"I'm sorry?" Takang binalingan ko ito. Nakatingin na nga din ito sa tinitingnan ko kanina. Inginuso pa nga nito ang mga iyon.

MamihlapinatapaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon