Chapter 3

7.5K 552 90
                                    

Cray

Napabuntong-hininga na lang ako habang tinatanaw mula sa labas yung kabuuan ng building na pag-aari ni Ate L. Napakataas niyon at bahagya pang nakakasilaw dahil sa tama ng sinag ng araw. Yung tipong kahit kailan ay di ko papangarapin na puntahan.

Like a place that reminds me how different it is for the likes of me.

No. She's your Momma now, Cray. You would soon inherit all of these. Sooner or later, you will have to pay their kindness.

"Is that Cray, Mommy?"

Napatuon yung pansin ko sa tumawag ng pangalan ko.

Just a few meters away, stands a cute little boy that's probably seven or eight years old na nakakapit sa damit ng Mama nito.

Mabilis naman itong nilayo ng Mama nito bago pa makalapit para titigan ako ng mabuti. Pinagalitan pa nga nito yung anak nito at sinabihan na imposibleng maging ako yung sikat na tennis player na iyon.

A small smile crept my face.

Yeah, I probably wasn't that person. I will never become a legendary icon just like Mom's.

Kumaway na lang ako sa bata na kahit halos kaladkarin na ng nanay nito palayo ay nakahabol pa din ng tingin sakin. He is most probably a fan of tennis. Lalo pa at mukhang naging uso talaga iyon dahil sa mga pagkilala na nakuha dati ni Mommy Alli.

Even up until now, she still remains the undefeated legend. Na kahit ako na anak nito ay itinuturing na isa sa mga kumukuha pa din ng credits sa paggamit sa pangalan nito. Just by merely using the name Cray Parker-Calvry, I can have the endless connections and VIP treatment all over the places around the globe.

That's too much for being just an adopted child. I am really too lucky gaya ng mga naririnig ko na sinasabi ng mga tao sa tuwing malalaman nila na ampon ako ng sikat na si Alliston Parker at Louella Calvry.

Naiiling na pumasok na ako sa loob ng building na pag-aari ni Ate L. No, it should be Momma. It's been a week since she and Mom had returned from their trip in Australia. After niyon ay pinapabisita ako ng mga ito dahil may sasabihin daw sila. Pero ngayon lang talaga ako nagkaroon ng oras para puntahan ito matapos akong sabihan ng doktor namin na kailangan ko muna ng mahabang pahinga habang nagrerecover ang mga binti ko dahil sa tinamo kong injury kamakailan lang habang nasa training camp ako. Ilang buwan din ang inirekomenda sakin na huwag muna magpractice at ipahinga ng husto yung mga binti ko kung ayaw kong tuluyang mabali iyon.

Although in-expect ko na sasabihin lang ni Momma Louella na mas maigi pa na tumulong ako sa negosyo namin habang kanselado pa lahat ng laro ko sa ngayon. A perfect shade to hide her real intention to divert my attention para hindi ko masyadong ikadepress yung sitwasyon ko sa ngayon.

"Hi Ms. Cray. I am Kaori. I am assigned by your mother to usher you in her office." Agad akong sinalubong ng isa sa mga assistant ni Ate L at iginiya papasok sa lobby.

Pilit kong tinago yung pagkailang ko matapos makita yung suot ng mga tao kumpara sa plain na suot ko. I am just sporting a white short shorts and a plain yellow T-shirt. Kagagaling ko lang kasi sa training camp para hakutin pansamantala yung mga gamit ko habang hindi pa ako pwede magpractice. Pagkatapos nga ay dumiretso na ako dito.

Siguradong kung nakikita ako ni Mommy Alli sa ngayon ay tiyak na mapapagalitan na naman ako. She's good at reprimanding me about the proper etiquette and dress codes. I should act up my name para daw walang masabi yung mga tao sa paraan ng pananamit at pananalita ko.

"You can take the private elevator, Miss Cray. Dito po."

"Don't I have to fall in line just to get passes like other people do?" Kaswal na tanong ko sa babaeng kaharap ko na tila natutulala pa habang nakatingin sakin.

MamihlapinatapaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon