Dumating ang umaga, nagmamadali akong pumasok sa school para maaga ako makapagpractice alam ko wala pa si coach ng gantong oras kaya pwede pa ako magpractice ngayong umaga
Maganda ang mood ko dahil sa nangyari kagabi saamin ni Rukawa atleast nagkakausap na kami pero yung puso ko naghuhurimintado pag nakatingin sya saakin o kinakausap nya ako
Sana maging madali lang saakin ang araw na to, ayoko ko may masabi nanaman saakin si Miya hanggang ngayon ayoko, malakas ang epekto saakin ng mga salita nya
Sa totoo lang natatakot ako sakanya dahil grabe talaga sya magsalita yung mga sinabi nya saakin noon tumatak saakin, kaya dahil don naging determinado ako magsanay
---
Pagkarating ko nang school naabutan ko si Maria nagdidribble ng bola
"Oh ang aga mo ah? Kabado?" Bungad nya saakin tumango naman ako at dumiretso sa locker nilagay ang gamit ko at nagpalit ng Jersey namin pagkatapos ko ay dumiretso ako kay Maria at kumuha ng bola at nagdribble
"Kinakabahan ako baka kase ipahiya nanaman ako ni Miya, diba sinabi ko sayo yung dahilan kung bakit ako natatakot sa kanya?" Lumingon ako sakanya at tumango naman sya sakin at hinawakan ang kanang kamay ko
"It's okay to feel down sometimes I'll always be here to support and encourage you Miki" ngumiti sya saakin yumakap naman ako sakanya dahil alam ko maiiyak ako at ayoko makita nya yun
"Thank you Maria, just promise me that you are always here for me okay?" Nakangiting sabi ko sakanya at tumango naman saakin at nagsimula na kami magpractice hanggang nagsidatingan si coach at ibang kateammates namin
"Alright girls, let's start by 8am andito na ang Kainan, galingan ninyo naniniwala ako sainyo kaya natin to!" Pagmomotivate saamin ni coach ngumiti kami sa kanya at nagsimula magpractice
---
Halos dalawang oras ang ginugol namin sa practice, nang sinabi ni coach na sa gym na nila lolo ang kainan ay nag ayos na kami at nagpunta doon.
Pagpasok namin napakadaming tao at iba don ay ang mga taga kainan habang naglalakad kami nakita ko sila lolo sa gilid sa may bench at nakita ko nakatingin nanaman saakin si Rukawa nag iwas ako ng tingin para hindi nya makita ang pamumula ko
"GOOOO!SHOHOKU GIRLS!"
"MIKIIIIII"
"ABBBY"
"AYAAA"
Yan ang mga sigaw ang ilan sa mga kakaklase ko ngumiti naman ako sakanila, nang makalapit kami sa kainan nakipagkamay kami sa coach at sa members nito hindi ko inaasahan matatapatan ko si Miya nakangisi na agad sya at halatang nagyayabang
"Hi Miki" plastic syang ngumiti saakin at nakipagkamay tumango na lamang ako sakanya
"Galingan mo ha" hindi yun nakaalis sa pandinig ko kahit napakahina lang ng sinabi nya saakin kinabahan agad ako natatakot ako mapahiya nanaman nya
Naglakad na kami papunta sa bench namin at nasama ako sa napili sa first 5 ng team nag wawarm up kami ng lumapit saamin si coach
BINABASA MO ANG
ALL ABOUT HIM (COMPLETED)
FanfictionSlamdunk Series #1 - RUKAWA I have been in love with Kaede Rukawa for 4 years. Will i finally noticed by him? (Kaede Rukawa From Slamdunk Fanfiction) The picture used on the cover of this book is from 'Pinterest'