Lumipas ang ilang buwan matapos ang Summer, Autumn na ngayon at mag fa-finals na, Maaga akong pumasok dahil sabi maglilinis ng room at pati ng gym namin
Pagkarating ko sa gym nadatnan ko si Maria nagmamap ng sahig
"Goodmorning Maria" bati ko sakanya at kumuha ng map at naglampaso
"Kamusta summer mo?" Tanong nya saakin bigla ako napangiti nung naaala ko ang nangyari sa Okinawa simula ng araw na yun sabi ni Rukawa liligawan nya ako sino ako para humindi matagal ko na yun pinapangarap sa loob ng 2 months na summer hindi lumipas ang araw na hindi kami nagkikita sabay kami nagpapapractice at nagkukukwentuhan tungkol sa bagay bagay hindi rin lumilipas ang araw na yun na hindi sya naglalambing saakin, para syang pusa na naghihintay amuhin ng amo nya.
"Oh?tinatanong lang kita kung ano nangyari napangiti kana" napalingon naman ako sakanya at namula pisngi ko dahil nakatayo lang ako at ngumingiti mag isa
"Ah, ano masaya ang summer namin sa okinawa ikaw ba?" Tanong ko sakanya at naglampaso ng sahig
"Alam mo ba nung may activity sila kuya kasama si Maki, tapos nagbigay ako sakanya ng loveletter grabe sobrang bait ni Maki!" Kinikilig nyang sabi, nakatayo sya at nakatingin sa taas at napapangiti
"Sa aming tatlo nila Sendoh si Maki ang pinakamabait at si Sendoh ang makulit, kaya siguro maraming naiinlove kay Maki dahil mabait sya at napakagaling pa sa basketball" nakangiting sabi ko sakanya
"Tama ka dyan! hihihihi" natawa naman ako at tinapos namin ang paglalampaso, ilang oras din ay nagsidatingan na ang ibang naming team mates, nagpractice kami dahil next summer papasok na kami sa regional tournament
"Sa summer ay papasok na tayo sa tournament at katulad ng Men's basketball mahigpit nyo din kalaban ang Kainan hindi rin sila naalis sa interhigh lagi silang pasok don at sila ang makakalaban nyo sa finals ng tournament kaya galingan nyo!" Sabi ni coach tumango naman kami lahat at bumalik sa practice
----
"Tara punta tayo sa practice ng Rukawa mo" tukso nya saakin, kakatapos lang ng practice namin nagpunas ako ng mukha at nag ayos, lumabas ako ng locker at naghihintay saakin si Maria
"Taray, nakaayos ah?" Lumapit pa sya saakin at inamoy pa ako "at ang bago ayunnn!" Tinukso nya pa ako habang naglalakad kami papunta sa Gym nila Lolo
Hindi kami tuluyan nakakapasok ay naririnig na namin ang sigawan
"KYAAHHH RUKAWAAA"
"ANG GALING MO TALAGA RUKAWA!!!
"L-O-V-E RUKAWA!"
Yan ang ang rinig naming sigawan sa loob ng makapasok kami mukhang magkalaban ang seniors sa freshmens
"Mukhang maganda pinapakita ng Rukawa mo ah?" Tukso nanaman sya saakin at may pa sundot pa sa bewang ko, sinamaan ko naman sya ng tingin
"Maria ah!" Ngumuso ako at tumingin sa court kasalukuyan si Rukawa ang may hawak ng bola ag binabantayan sya ni Miyagi bigla sya nag fake at ng slamdunk sa ring, nakangiti naman ako ng tumama ang paningin nya saakin, ngumiti rin sya saakin at tumakbo pabalik
"Tama ba nakita ko?NGUMITI SAYO SI RUKAWA?" Nanlalaki ang mata nyang tumingin saakin namula naman ako at nag iwas ng tingin
"MAY NAAMOY AKO MAY SOMETHING NA KAYO NO?HOY AKO BESTFRIEND MO MIKI!" Naiinis nyang reklamo saakin napailing naman ako
"Nililigawan na nya ako" sabi ko sakanya nanlaki mata nya saakin
"CONGRATS NAGBUNGA ANG ANIM NA TAON" tapik nya saakin sa balikat kinukwento ko naman lahat ng nangyari saamin ni Rukawa kilig na kilig naman sya
"M,U pala kayo?yieee!ang ganda mo at kinacrusk back ka sana ako din ganyan, ang sweet ni Rukawa pala no?" Sabi nya at napatingin kay Rukawa pumupuntos nanaman napangiti naman ako
"Para syang pusa" sabi ko habang nakatitig kay Rukawa
"Na sayo lang umaamo yieee!" Kiniliti nya ako sa bewang at nagtawanan kami habang nanonood
"Miki" napalingon kami sa tumawag saakin napangiti naman ako si Rukawa yon, kinurot pa ako ni Maria sa bewang sinamaan ko naman sya ng tingin
"Kumain kana?" Tanong nya saakin habang nagpupunas ng pawis
"Oo ikaw ba?" Umiling sya saakin gusto ko sana syang pagalitan kaso narinig ko ang mga bulungan tungkol saamin
"Bakit hindi?puro tubig kalang?" Tanong ko sakanya napatingin naman sya sa iniinom nya at tumango
"Bukas gagawa ako ng lunch natin" mahina sabi ko sakanya ngumiti naman sya saakin
"Sige, balik na ako" hindi ko inaasahan nilalapit nya mukha nya saakin at hahalik sa pisngi ko nagulat akong tumingin sakanya bigla umingay ang paligid
"KYAHHHHH" sigaw ni Maria at nagtatalon pa kasama sila Mito
"HALAAA CONFIRM NGA MAY RELASYON SILA"
"MANG AAGAW KA MIKI, HUMANDA KA SAAMIN" sigaw ng tatlong jologs
"BAGAY NAMAN SILA"
"MAGANDA SI MIKI AT MAGALING DIN SA BASKETBALL IDEAL GIRL ATA NI RUKAWA"
"So inaantay nalang namin pag amin nyo" sabi ni Maria ng makalapit sila saamin
"Anong score nyo Rukawa?" Tanong ni Mito
"Nililigawan ko palang" maikling sabi nya at nilapit ang labi nya sa tenga ko
"Pagkatapos ko dito magdate tayo" bulong saakin agad agad naman akong tumango at umalis na sya harap ko para bumalik sa practice, tinutukso naman ako nila Maria napangiti nalang ako.
BINABASA MO ANG
ALL ABOUT HIM (COMPLETED)
FanfictionSlamdunk Series #1 - RUKAWA I have been in love with Kaede Rukawa for 4 years. Will i finally noticed by him? (Kaede Rukawa From Slamdunk Fanfiction) The picture used on the cover of this book is from 'Pinterest'