Nakatingin lang ako ng diretso kay Rukawa habang inaantay ang kanyang sasabihin, naririnig ko ang tibok ng puso ko, Huminga sya ng malalim at lumapit saakin habang hindi naalis lang tingin nya sa mga mata ko
"Gusto kita Miki" seryosong sabi nya saakin nagugulat naman akong napatingin sa kanya bigla ko naramdaman ang pag init ng gilid ng mata ko
Natandaan ko lahat ng paghihirap ko sa training at pangbubully saakin ni Miya hindi yun naging hadlang para hindi ipush ang pangarap ko,
Natandaan ko din ang bawat pagtakas ko sa bahay namin para mapanood ang laban nya kahit hindi nya ako kilala gusto ko maramdaman nya na nakasupporta ako sakanya lalo ko pinag igihan ang pag aaral ng basketball hindi ako nadalian sa training ko sa Amerika mas lalong mahirap doon nabully din ako dahil sa katawan ko hindi mababagay bilang isang player. Pero pinagpatuloy ko kahit mahirap nakasupporta sila Lolo, at mommy saakin hindi rin naging hadlang ang paglayo ko para maalis ang feelings ko sakanya hanggang ginagawa ko ang best ko sa pagpapapractice lalo akong nahuhulog kay Rukawa kahit hindi ko sya nakita sa loob ng 2 na taon.Hindi ko inaasahan magugustuhan nya ako, eto naba ang balik saakin para sa lahat ng paghihirap ko?
"Sa loob ng limang hindi naging madali saakin mahalin ka ng malayo, hindi rin madali saakin ang pagtakas para mapanood ng laro mo pero worth it lahat ng naranasan ko para maging better para mapansin mo Rukawa, salamat dahil magustuhan mo ako" naiiyak na sabi ko sakanya, hinaplos naman nya ang pisngi ko habang nakatingin sa mga mata ko
"Ako naman ang magmamahal sayo, ako naman maghihirap para sayo Miki" madamdamin nyang sabi nya saakin, hinawakan ko ang kamay nya nakahawak saakin at ngumiti sa kanya
"Rukawa" tumulo ang luha ko ng dumapo sa palad ko ang malambot nyang pisngi at hinaplos ito
"Nung makuha mo ang atensyon ko nag nalito pa ako dahil buong buhay ko nasa basketball ang atensyon ko ang pangarap ko maging number one sa lahat pero nung dumating ka kagaya mo pinangarap na rin kita, natuwa ako dahil matagal kana pala may gusto saakin at pinasok mo ang mundo ko naghirap ka paghihirap din kita at ibibigay ko lahat para sayo" mahabang sabi nya, ngayon lang sya naging madaldal at saakin pa, hinawakan nya ang bewang ko at niyakap ako, yinakap ko rin sa pabalik nakasubsob ako sa kanyang dibdib naramdaman ko nalang ang labi nya sa noo ko, napatingala naman ako at sumalubong saakin ang halik nya saaking labi, yumakap ako sa leeg nya at gumanti sa halik nya.
----
Naging masaya ang bakasyon namin sa Okinawa, matapos ng gabi pag anim ni Rukawa nasundan yun isa pang gabi doon kami sa tabing dagat tumatambay at nagkekekwentuhan nag kwento sya saakin at ganon din ako marami akong nalaman sa kanya, mas lalo akong napalapit sa kanya at mas lalong tumindi ang nararamdaman ko
Mag au-autumn ilang buwan bago kami bumalik sa school para tapusin ang lahat para sa makausad na kami sa 2nd year.
BINABASA MO ANG
ALL ABOUT HIM (COMPLETED)
FanfictionSlamdunk Series #1 - RUKAWA I have been in love with Kaede Rukawa for 4 years. Will i finally noticed by him? (Kaede Rukawa From Slamdunk Fanfiction) The picture used on the cover of this book is from 'Pinterest'