Kaede Rukawa 1

270 19 2
                                    



"Rukawa, tara na may practice pa tayo" dinig kong sabi saakin ni Miyagi, tinapik pa nya ako sa balikat bago lumabas ng locker room. Nagpupunas ako ng ulo habang naglalakad pabalik sa Court. Napaangat ang tingin ko pagpasok ng loob ng may nakita akong babaeng nadi-dribble ng bola. Nakatingin lang ako sakanya. Magaling sya humawak ng bola at halatang sanay. Maya maya at tumalon ito at mukhang isho-shoot ang bola. Sabi ko sa isipan ko ay sasablay. Pero nashoot nya.





Nashoot?na kaya ng babae yun?may babae pa palang hindi puro tili ang alam.





"Miki!ang galing mo naman!grabe tong apo mo tatang!maganda na magaling pa!" Dinig kong pang uuto ni Kalbo si Sakuragi kay Coach, naupo naman ako sa isang gilid umiinom ng tubig.





Nakatingin lang ako sa babaeng nakatayo kasama sila Sakuragi. Unang tingin palang malalaman mo nang galing sa mayamang pamilya kahit simple ang suot nya makikita mong anak mayaman. Buti hindi sya nakatingin habang pinag aaralan ko sya. Ngumingiti ito sa pang uuto ni Sakuragi





Maputi ang kanyang balat. Mahaba ang itim na buhok hanggang bewang ang hula kong haba nun. Maganda ang mukha. Minsan lang ako mamuri ng babae pero sya ang una. Nakuha ang interest ko dahil may alam sya sa Basketball. Hindi dahil maganda sya. Unang tingin ko sa kanyang mukha ay hula ko mabait ito dahil maamo ang features nya. At palangiti.





"Si Miki ay magaling magbasketball since junior high ay nagbabasketball na sya. Pumunta sa amerika para lalong matuto" napahinto ako sa pag inom ng marinig ko ang sinabi ni Coach.





So bihasa sya?kesa saakin?hindi ko aakalain na may babaeng palang may gusto ng gantong sports. Alam ko may women's basketball pero ngayon lang ako nagkainterest.





Akala ko puro tili at cheering ang alam ng babae dahil ganon ang nakikita ko. May babae pa palang may lakas ng loob at gusto matuto nito.





"Magaling ka din pala sa Academics?grabe dream girl!" Dinig kong sabi ni Miyagi, napatingin ako sakanila. Nahihiya naman ngumiti ang babae, hindi sya pahumble or pabebe. Sa itsura nya nahihiya syang pinupuri sya. Na secret lang dapat ang achievements nya.





"So bakit mo nagustuhan pasukin ang sports na toh Miki?" Tanong ni Captain, nag angat naman ng tingin sa kanyang babae. Sasagot na sana sya ng magsalita ang babaeng katabi nya





"Sabi nya kanina don, kaya nya nagustuhan dahil may crush sya na gusto ang basketball. At pinag aralan nya toh para baka mapansin sya!" Sabi nung katabi nya, nakita ko naman ang pagpula ng kanyang pisngi at napayuko.





Pinasok nya dahil gusto nya mapansin sya ng lalakeng gusto nya?grabe ang effort nayan.





"TAKEN KANA PALA MIKI HUHUHU" madramang sabi ni Sakuragi akmang aakbayan ang babae ng bigla syang batukan ni Akagi. Inasar naman sya nila Miyagi. Tumayo na ako sa lumapit sakanila.





"Oh, eto na pala si Rukawa" sabi ni Ayako, napatingin naman sila saakin. Nasalubong ko ang tingin ng babae. Habang nakatingin ako sakanya naramdaman ko ang pagtibok ng puso ko. Normal naman kanina ang tibok nito pero nagkatinginan lang kami nag iba bigla.





Ano toh?bat ganto nararamdaman ko?





"Eto ang super rookie namin Miki, si Kaede Rukawa" pagpapakilala ni Ayako. Nanatili naman ang tingin ko sakanya ayun parin ang tibok ng puso ko. Nakita ko ang pagpula ng pisngi nya ulit at nag iwas ng tingin saakin





ALL ABOUT HIM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon