Chapter 14

298 23 3
                                    

Ilang oras ang lumipas at second half na maganda ang pinapakita ng dalawang team na injured pa si Captain Akagi at pumalit na si Kogure ng matapos ang first half sa second half ay bumalik si Captain Akagi.




Kasalukuyan kong katabi si Rukawa maganda ang pinakita nya sa laban kaya mas maraming humanga sakanya naubos na nya ang kanyang lakas kaya nasa bench nalang sya ngayon at nagpapahinga.




Inabutan ko sya ng tubig at agad naman nya ininom, pinunasan ko ang pisngi agad naman akong natigilan ng lumingon sya namumula naman akong nagbaba ng tingin ibaba ko sana ang kamay ko ng hawakan nya ito at sya na mismo nagpunas sa pisngi pero gamit ang kamay ko




"GOOOO!LOVE MITSUI!!!!!" Napatingin ako sa sumigaw mula sa audience napatingin din si Mitsui at mukhang naiinis




"Hanggang dito nasundan sya" napailing si ayako tumingin ulit ako babaeng sumisigaw ng pangalan ni Mitsui maganda ang katawan, mahaba ang buhok at maputi at maganda




Aha, sya yung babae nakatingin lagi kay Mitsui at panay sunod araw araw syang nasa practice at nanonood




"Kakaklase sya ni Mitsui, sya si Lesley patay na patay sakanya ang babae nayan" kwento ni Ayako tumango tango naman ako at napatingin kay Rukawa na hawak ang kamay ko at nanonood namumula naman ako nagbaba ng tingin dahil sa nanunuksong tingin ni Ayako saakin




----




Sa Huli ay nanalo si Maki, tumingin ako sakanila nakita ko lahat sila hindi matanggap ang pagkatalo tumingin ako kay Rukawa nakatayo sa harap ko at mukhang hindi makapaniwala, malungkot ang lahat habang naglalakad palabas ng gym




"MIKI!" Lumingon ako sa tumawag saakin nakita ko sila Maki at Sendoh napatingin naman sila agad sa katabi ko nawala ang ngiti nilang dalawa




"Bat kayo magkasama?" Tanong ni Maki habang nakatingin kay Rukawa nakatingin din sakanya si Rukawa at nagsusukatan ng tingin tumingin ako sa mga kasama namin na nauna saamin palabas




"Ah, Maki sinamahan ko lang sya" sagot ko para nawala ang tensyon sa pagitan ng tatlo





"Pinasama ko sya saakin" maikling sabi ni Rukawa




"Kanina pa sila magkasama, baka naman pwede na bawiin si Miki, Rukawa" inis na sabi ni Sendoh masama ang tingin kay Rukawa at ganon din ang isa




"Sige, basta ingatan nyo sya" malamig na sabi ni Rukawa hinaplos pa ang palad ko napatingin naman ang dalawa at sinamaan sya ng tingin




"May relasyon ba kayo?" Tanong ni Maki, nilakihan ko naman sya ng mata at umiling kaso.




"Malapit na" tumingin saakin si Rukawa matapos nyang sabihin iyon at hinaplos ang pisngi ko at naglakad palayo saamin, eto nanaman ako Tulala.




"Tara na Miki" bumalik ako katinuan ng hilahin ako ni Maki




"Congrats, Maki hindi ko alam kung matutuwa ba o malulungkot" sabi ko habang kumakain kami nasa isang fastfood kaming tatlo cinicelebrate ang panalo ni Maki




"Nextweek birthday mo na, anong plano?" Tanong ni Sendoh na kumakain ng Cheese Burger




"Debut ko iyon, sabi saakin ni lolo ay uuwi ang parents ko at pagpapaplanuhan ang event actually aayusin nalang ang place meron ng invitation sa lunes ko ipapahatid sa inyo" ngiti ko sakanila




ALL ABOUT HIM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon