Sneak Peek 1

134 12 0
                                    



"Lesley!" Sigaw ni Kuya. Irita ko naman tinakpan ang mukha ko gamit ang unan. Late ako natulog kagabi dahil sa kakanood ng isang teleserye. Lunes na lunes ay inaantok pa ako. Kanina pa sumisigaw si Kuya hays.




"Bubuhusan kita ng mainit na tubig pag hindi ka pa bumangon dyan!" Sigaw nya pa. Nakasimangot akong bumangon. Wala na ako magawa. Dumiretso na ako sa banyo para maligo. Tiningnan ko ang orasan pagkatapos ko magbihis 7am palang. 8am ang pasok ko. Inaayos ko ang necktie ko habang bumaba ako. Naabutan ko si Kuya na kausap ang isang kaibigan nya. Madalas syang andito. Hindi ko inaalam ang pangalan nya at hindi ko rin masyado mamukaan dahil sa kawalan ko ng pake. Dumiretso na ako sa hapag at naupo. Kumagat ako ng tinapay habang nanonood ng Tv. Humigop pa ako ng kape habang nanonood. Naramdaman ko ang presensya ni Kuya sa tabi ko. Kakatapos lang nya ata makipag usap doon sa kaibigan nya. Tumingin ako sa oras at tinapos ang pagkain ko.




"Kuya aalis na ako!" Sigaw ko bago buksan ang pintuan at naglakad papuntang school.
Nagpapasalamat ako hindi ako late dahil ma mi-minus ako ng grade sa attendance.




"Wow, himala hindi ka late?nadala kana?" Bungad saakin ni Aya. Inismiran ko lang sya at dumiretso sa desk ko. Naupo ako at nilabas ang gamit ko. Ilang minuto ay magsisimula na ang klase. Naupo naman si Aya sa harapan ko. Hindi ko sya pinansin dahil inaayos ko ang desk ko.




"Hoy!nood tayo basketball mamaya!pasok na sa semi finals ang team natin!" Pang aaya nya saakin. Pinatong ko naman ang braso ko sa desk. Inisip ko kung may practice kami. Dancer ako sa school na toh. Kasama ako sa isang dance troupe. Lumalaban kami sa ibat ibang school. So far sa sayaw lang nanalo ang Shohoku sa kainan. Masyado silang pokus sa Basketball kaya sa mga larangan na ganon ay mahina sila. Basketball is life nga naman.




"Sige. Wala naman kaming practice ata. Wala namang laban ngayong buwan ata" nakita ko naman ang ngiti nya. Umayos na kami ng magsimula ang klase.




"Hoy!Tara na!" Sigaw nya mula sa corridor. Inayos ko muna ang gamit ko bago sumunod sakanya. Malapit lang kami sa gym so ilang lakad lang sya. Hindi pa naman kamu nalalapit sa pinto ay ang dami nang nakaabang. Dahil kasama ko si Aya pinilit nya makapasok.




"Ang daming tao ah?" Sabi ko. Habang nililibot ko ang tingin ko sa buong gym.




"Syempre! Ngayong nakapasok sa Semi Finals ang Team. Kaya maraming su-suporta dyan." Tumango tango nalang. Ito ang unang beses manonood ako. Dati kase wala kaming pakealam dahil walang ganap dahil hindi nga sila nanalo sa bigatin sa team dito sa District.




Nakita ko pa ang sikat na babae ngayon sa school si Miki Anzai. Ang apo ng Coach ng team ng basketball. Balita ko magaling sya mag basketball. Gulat din ako makita si Angelisha. Sya ang pinakasikat na singer ng school. Napakinggan ko na sya masasabi kong magaling at maganda talaga ng boses. Bagay na bagay sakanya ang pangalan nya.




Nakita ko pa ang sigaw ng Captain nilang si Akagi. Hudyat na simula na ng practice nila. Maraming humihiyaw ng pangalan ni Rukawa. Sikat talaga sya. Dahil maraming babae ang nagkakagusto sakanya.




Napatingin ako sa naglalaro. Namukhaan ko ang isang doon.
Kinalabit ko si Aya. Napalingon naman ito saakin.




"Sino yon?" Turo sa lalakeng kulay Dark Blue na buhok at may red na kneepad.




"Ah si Hisashi Mitsui. Ang dating MVP ng Takeishi Junior High." Sabi nya. Tumango naman ako pinag masdan ito maiigi. Sya ang madalas na pumupunta sa bahay para kay Kuya Tetsuo. Kasamahan nya kase ito dati sa bakbakan nila buhay. Humiwalay na sya kay Kuya dahil nga pinili ang Basketball. It seems na magaling talaga sya. Hindi pumapalya ang tres na tira nya mula sa malayo.




Eh kaya naman pala MVP mabangis kung maglaro.




Hindi na kami nag tagal doon at umalis na din kami dahil patapos na ang Break namin.




Naglalakad ako sa hallway ng may biglang tumawag saakin. Napalingon naman ako sa likuran ko. Nagulat pa ako na si Mitsui ang tumawag saakin. Lumingon muna ako sa paligid ko. Wala namang tao maliban saakin. Uwian na kase. At medyo late pa ako nakalabas ng classroom. Nauna na si Aya saakin. Kulay orange na din ang langit meaning pagabi na. Tsk.




"Ako ba?" Turo ko sa sarili ko.




"Malamang, sino paba tao dito?" Pang babara nya.




"Malay ko bang may nakikita kang hindi ko nakikita" pang gagaya ko pa sa boses nya. Ngumisi pa sya saakin.




"Sabay daw tayo uwi" sabi nya ng diretso saakin at nilagpasan ako. Humabol naman ako sakanya




"Bakit? May gusto ka saakin no? Alam mo ganto kase ya---"




"Tss, sabi ng kuya mo. Assumera ka pala no? Hindi kita type" maangas na sabi nya, tinadyakan ko naman sya mula sa likod. Muntik pa sya masubsob buti hindi natuloy. Sinamaan naman nya ako ng tingin.




"Kapal mo, bungi" sabi ko at inunahan sya maglakad.




"Anong sabi mo!Tomboy" sigaw nya pa saakin. Huminto ako sa paglalakad at hindi makapaniwalang tumingin sakanya.




"Anong sabi mo?Tomboy ako?HAH!" Hindi makapaniwalang sabi ko.




"Totoo naman" barumbado pa nyang sabi.




"Ulol" tanging sabi ko at naglakad ulit. Hindi ko na sya kinausap dahil naiirita ako sakanya.





----





"Oh bat nakasimangot ka?" Bungad saakin ni Kuya.




"Akala nya crush ko sya e, nung sinabi ko sabay kaming uuwi HAHAHA" pamamahiya pa ni Mitsui. Kumunot noo naman si Kuya saakin. Nag iwas ako ng tingin at naghubad ng  Sapatos. Dumiretso ako sa sala at pabagsak naupo sa couch. Inismiran ko si Mitsui nang maupo sya sa harapan ko. Kanina pa sya nakangiti. Malamang ay nang aasar.




"Hindi mo yan titigilan?ihahampas ko sayo ang vase na katabi ko" gigil na sabi ko sakanya pero tinawanan ako ng tarantado




"Wag Crush" pang aasar nya pa. Inis ko syang binato nang unan.  Inis na inis akong tumayo narinig ko pa ang halakhak nya bago ako nakaakyat sa kwarto ko. Pabagsak ko hiniga ang sarili ko sa kama at inis na sumigaw sa unan ko.




"Sa susunod na bwisitin mo ako Mitsui. Papakyuhin kita ng bente animal ka!" Sigaw ko sa unan ko.




Wala akong ibang maramdaman kundi Asar, Pikon. Irita, bwiset sa punyetang MR MVP na yon.




"Gaganti din ako sayo Mitsui. Antayin mo lang. Nakakagigil ka." Inis na bulong ko sa sarili ko.





Slamdunk Series #4:
The Dance of Love.

ALL ABOUT HIM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon