Chapter 06

331 25 10
                                    




Lumipas ang ilang araw matapos ang laban ng Shohoku sa Ryonan ay nag sisimula na ulit sila magpractice para sa Interhigh





Habang kami naman nagpapapractice dahil may laban kami sa kabilang school practice game sabi ni coach





"Anong School pa daw?" rinig kong tanong kateammates ko





"Kainan women's basketball, himala nga daw pumayag daw sa practice game ang mga yun diba mayayabang yun?"






Kainan?sila Miya?panigurado pumayag sya dahil alam nya dito ako nag aaral hanggang ngayon hindi nya parin nakakalimutan ang nangyari sa nakaraan.





"Team nila Miya Matsumoto?yung magaling maglaro sa kainan?" Tanong ni Maria saakin tumango naman ako sakanya






"Oo, isa rin si Miya ang nagpahirap saakin noon" kwento ko sakanya naalala ko lahat ng ginawa nya saakin nung junior high





"Bakit naman?" Huminga ako ng malalim at nagkekwento sakanya habang papunta kaming canteen






"Nung training ko dati sa basketball sya ang nangbubully saakin dahil sya ay magaling na ay ako mahina pa lamang kaya siguro ako tinawag na mahina kase yung katawan ko noon sobrang namayat at mahina pa resistensya ko lagi nila akong binubully noon hanggang dumating si Maki sya ang nagtanggol saakin sya rin tumulong saakin" kwento ko sakanya nagningning naman ang mata ni Maria






"Bakit?" Namumula naman syang tumingin saakin nagtataka akong tumingin sakanya






"May gusto ako kay Maki, Miki" pag amin nya







"Talaga?sabagay mabait naman si Maki" ngumiti ako sakanya






"Kaclassmate kase nya si kuya ang talino daw ni Maki at magaling talaga maglaro lagi nyang kinikwento saakin at may mga videos din nya araw araw kong pinapanood kaya nahulog ako sa galing nya mag aral" ngumiti ako sakanya at hinaplos ang likod nya






"Makikita mo si Maki in person malay mo sa susunod na araw diba?" Sabi ko sakanya tumango tango naman sya







Tinapos lang namin ang pagkain bumalik na kami sa gym at nagpractice ulit hanggang maggabi







---







"Yun lang ngayong araw girls, ang galing ng pinakita nyo ihanda nyo ang sarili nyo para bukas kainan iyon, sa gym ng shohoku tayo hiling ni coach anzai para makita maglaro si miki salamat at magpahinga na kayo" tumango kami at nagsimula magligpit





"Ibig sabihin mapapanood ni Rukawa laro mo?yieee" tukso ni Maria bigla naman akong kinabahan






---







Natapos kami magligpit nag siuiwian na sila ako nalang ang naiwan dahil baka andun pa si lolo sa gym nagpunta ako papunta don at binuksan ang pinto.





Wala akong nadatnan na tao dahil nakaligpit na lahat bigla naman pumasok sa isip ko ang sinabi ni Maria na mapapanood ni Rukawa ang laro ko.






"Try kong magpractice, mapapanood nya ako at andun si Miya" kumuha ako ng bola at nagsimula magpractice mga isang oras ata tinagal ko don huling ginawa ko ay ipasok ang bola sa ring at tumayo sa tapat nun naghabol ng hininga





"Ano nalang kaya sasabihin ni Miya saakin kung ganon padin ako maglaro sa ugali nun hindi nakakapagtaka mamangha sya" sabi ko sa sarili ko hinanap ko ang bola tumingin ako sa likod ko at nanlaki ang mata ko kung sino pa ang tao bukod saakin sa gym






"R-rukawa?kanina kapa andito?" Tanong ko sakanya naghuhurimintado ang puso ko sa tingin nya saakin





"Oo simula nung nagpractice ka, bumili lang ako ng tubig sa labas pagpasok ko nagpapapractice ka pinanood lang kita" diretsong sabi nya habang nakadiretso nakatingin saakin





"May laban kayo bukas sa Kainan diba?" Tanong nya saakin tumango naman ako sakanya hindi ako makasagot dahil nakatayo lang nya harapan ko at nakatingin pa saakin





"Paano mo nalaman?" Tanong ko sakanya





"Nung mapadaan ako sa gym nyo nakita kita nagpapapractice kayo, don ko lang nalaman na naglalaro ka ng basketball" sabi nya habang dinidribble ang bola





"Dito sa gym nyo kami maglalaro" sabi ko sakanya habang kinakabahan parin hindi lang ako makapaniwala nag uusap kami!





"Oo nasabi kanina ni Coach, manonood kami" sabi nya saakin ng maipasok nya ang bola sa ring





"Manonood ka?" Biglang tanong ko napatingin naman sya saakin at lumapit saakin nakatayo sya sa harap ko





"Oo papanoorin kita" sagot nya saakin habang diretso nakatingin saakin bigla nya nilahad saakin ang bola nagtataka ako tumingin sakanya





"Sabay tayo magpractice" sabi nya na nagpalakas ng tibok ng puso  ko, tumango naman ako sakanya





---





Nang gabi yun sabay kami nagpractice ng Rukawa dalawang oras nilaan namin sa practice nakaupo sa sahig habang nagpupunas ng mukha ng bilang naupo si Rukawa sa tabi ko at inabutan ako ng tubig namumula ko itong kinuha at ininom





"Magaling ka maglaro" biglang sabi nya muntik pa ako mabulunan sa sinabi nya





Nag init ang gilid mga mata ko sa mga sinabi nya lahat ng hirap ko sa paglalaro hanggang gumaling ako sabi nila parang worth it dahil sa wakas napansin na nya.





"Salamat Rukawa" ngumiti ako sakanya diretso naman syang tumingin saakin at tumayo nilahad ang kamay saakin





"Ihahatid na kita, tara umuwi na tayo" ayun nanaman ang puso ko, inabot ko ang kamay nya at tumayo nag ayos kami ng gamit at nilinis ang gym at sabay lumabas ng school at naglakad papunta sa bahay ni lolo habang naglalakad kami ay tahimik lang sya at ako ang lakas parin ng tibok ng puso ko nagkababa lang ako ng tingin hanggang makarating kami sa bahay





"Salamat Rukawa, Magpahinga pag uwi mo" ngumiti ako sakanya





"Goodluck sa laro mo bukas" yun lang at nagsimula na sya maglakad palayo andun lang ako sa gate namin habang nakatingin ako sakanya hanggang nawala sya sa paningin ko.





Tumingin ako sa langit na madalim at madaming stars at napangiti dahil sa nangyari ngayong araw





"Gagalingan ko para sayo Rukawa"





Dahil naman sayo lahat ng ito at Worth it

ALL ABOUT HIM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon