Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa Train station pauwi ng makasabay namin sa byahe ang mga taga Ryonan
"Miki" tawag saakin ni Sendoh agad naman akong lumapit sa kanya
"Sendoh akala ko nakaalis na kayo kanina pa?" Nagtataka akong nakatingin sakanya.
"Matagal ang Train kaya eto ayaw mo ba sabay tayong uuwi ulit gusto mo ba gumala tayo?" tanong nya agad naman ako nag isip wala naman akong gagawin kaya pwede siguro
"Wala naman akong gagawin kaya sige Sendoh" agad naman syang ngumiti sakanya
Nang dumating ang train agad kaming sumakay nakatabi ko si Rukawa at sendoh bale nasa gitna nila ako at yun dahil dun nagwawala ang sistema ko lalo na magkatabi kami
"Oh Miki okay kalang?" tanong saakin ni Sendoh agad naman akong tumango habang pinagpapawisan
"Sama ng tingin Rukawa ah?" napatingin naman ako kay Rukawa na Nakapikit.
"Mukha ba akong nakatingin sainyo?" malamig na saad nya kay Sendoh nag iwas na ako ng tingin at nag aassume
Masama ang tingin nya dahil katabi ko si Sendoh?
Hindi hindi assuming ka Miki bakit ka naman nya titingnan?
Umiling iling ako para maalis yun sa isipan ko. Hindi. Impossible.
"Ayos kalang?may pailing iling ka?" namutla naman ako at ngumiti sa kanya
"Ayos lang ako Sendoh hehe" at napatingin sa katabi ko ayun nanaman ang tingin nya pero kay Sendoh sya nakatingin na may Death Glare?
Tumingin muna sya saakin bago pumikit nilihis ko na ang paningin ko sakanya dahil baka himatayin ako dahil ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko
"Arogante at mayabang talaga yan wag mo ng pansinin" tumango na lamang ako dahil totoo naman yun talaga ang ugali ni Rukawa pero napakagaling nya kaya naging Captain sya noon ng kanilang team hindi ko maitatanggi napakagaling nya talaga balewala ang ugali nya pero para saakin ay napakacool nya.
----
Kitang kita ko panay tingin si Rukawa kila Miki at Sendoh
Simula ng dumating si Miki panay tingin na sya dito lalo na pag naglalaro sya hindi pwede hindi sya napapatingin kay Miki
Siguro naattract sya kay Miki dahil maganda naman talaga yun Maputi, Tama lang ang Tangkad, Maganda ang Mata, May Dimples at Balita ko ay Matalino Dream girl kung tatawagin kaya hindi ko masisi si Rukawa kung nakuha ni Miki ang Atensyon nya siguro lalo sya maattract kung malalaman nya si Miki ay naglalaro din ng Basketball
Bibihira ako makakita ng babae mahilig sa basketball minsan ang mga babae tagacheer lang pero may babae pa pala may lakas ng loob pasukin ang mundo ng baskeball hindi bibihira ang training ng mga babae kaya nasisiguro si Miki ay magaling na manlalaro
Hindi napapansin ni Miki ang mga masasamang tingin ni Rukawa kay Sendoh magkatunggali na nga sila sa Basketball pati ba naman sa Babae
Alam ko may nararamdaman na rin si Rukawa parang Love at First Sight pero mas nanaig sakanya ang Basketball dun umikot mundo nya kaya wala pa siguro sa isip nya ang pag ibig
Kung sakali magkakatuluyan sila ang kalaban ni Miki sakanya ay ang Basketball sa nakikita ko kay Rukawa mas gusto nya muna mas gumaling sa paglalaro lalo na papasok na sila sa Interhigh
Binalik ko ang tingin ko kay Rukawa halatang naiinis sya kahit nakapikit
Rukawa pagseselos yang nararamdaman mo.
BINABASA MO ANG
ALL ABOUT HIM (COMPLETED)
FanfictionSlamdunk Series #1 - RUKAWA I have been in love with Kaede Rukawa for 4 years. Will i finally noticed by him? (Kaede Rukawa From Slamdunk Fanfiction) The picture used on the cover of this book is from 'Pinterest'