Chapter 13

281 25 2
                                    



Ngayong Araw ang Exam namin sa Math At Physics kaya kanina pa ako abala sa pagrereview pati si Maria nakapagdesisyunan namin wag na manood ng Practice kaya oras ng Break ay nagrereview kami





Lumapit saakin ang mga lalake kong kakaklase para magtanong sa exam sinasagot ko naman ito, nagtuturo ako sa isa sa mga kakaklase ko ng bigla umingay sa hallway





Napatingin naman ako, napatalon ako unti sa gulat ng makita ko si Rukawa sa Corridor namin hindi sya saakin nakatingin kundi sa Katabi kong lalake sobrang sama ng tingin nya kaya umalis ang katabi ko





"Oh si Loverboy nandito may kasama pang killer eye seloso Miki ha" tukso ni Maria ngumuso naman ako at tumayo pinuntahan si Rukawa na pinagtitingnan ngayon ng mga babae





"Ang cute nya no?"



"Sobrang tangkad pala talaga ni Rukawa"



"Hala totoo bang nagdadate sila?"



"Tingnan mo sinusundo ata sya ni Rukawa"





Napatingala naman ako kay Rukawa na kanina pa ata ako tinitingnan





"Ah anong ginawa mo dito Rukawa?tapos na practice nyo?" Tanong ko sakanya





"Samahan mo ako kumain" sabi nya nagulat naman ako





"Ah osige" bumalik ako sa loob at kinuha ang lunch ko nagtataka pa tumingin saakin si Maria





"Saan ka pupunta?diba nagrereview ka?" Pahabol nyang tanong





"Niyaya ako kumain eh mamaya nalang siguro" yun lang at lumabas na ako ng room at lumapit kay Rukawa, umakyat kami sa Rooftop at naupo sa sahig.





Inayos ko ang Kakainin namin ng bigla mahiga si Rukawa sa Hita ko, nagulat naman akong tumingin sakanya





"Inaantok ako, pahiga saglit" maikling sabi nya tumango naman ako at namumula





"Sige matulog kalang may practice ata kayo mamaya dahil may laban kayo sa sabado"





"Let me close my eyes and know you're by my side" napatingin ako sa kanya matapos nyang sabihin iyon





Totoo kaya sinabi nya ba talaga iyon?narerelax ba sya pag alam nyang kasama nya ako?





Nakatulog na sya at kumakain lang ako habang nakatingin sa magandang tanawin mula sa rooftop





Sampung minuto ang lumipas bago sya nagising kumain na din sya paggising nya at nakapagdesisyunan bumaba





"Sa sabado sumama ka ulit saakin" sabi nya napalingon naman ako sa kanya





Kasama ko ng araw na iyon ay si Sendoh paano ito





"Ah sige, sasama ako" ngumiti ako sakanya pero lumapit sya saakin napatingala naman ako lumapit sya sa tenga ko at bumulong





"Iwasan mo lumapit sayo ang ibang lalake, baka mapaaway ako" yun lang at bumaba na sya naiwan nanaman akong tulala sa sinabi nya





Nagseselos ba sya?nagseselos si Rukawa?impossible





---





Sa mga nagdaang araw ganon ang ginagawa ni Rukawa lagi nya ako dinadaanan sa Room para sabayan sya kumain pero natutulog lang naman sya





Wala ng lumalapit saaking lalake lahat kay Maria dumidiretso dahil sabi ni Maria takot sila kay Rukawa, kalat na sa Floor namin na nagdadate daw kami kaya minsan inaaway ako ng jologs girls ni Rukawa





---





Dumating ang araw ng sabado
Tumawag sa telepono si Sendoh na hihintayin nalang nya ako Gym ng pagdadausan ng Laban





Kasalukuyan kami nasa Train at si Rukawa natutulog sa balikat ko tinutukso naman nila ako at hindi maiwasan mag asaran dahil kay Sakuragi.





Nang makarating kami ay dumiretso na kami sa Gym, natanawan ko na si Sendoh nag aantay at mukhang nakita nya ako at naglakad palapit saakin pero napatingin sya sa Katabi ko





"Oh Sendoh manonood ka?" Tanong ni Lolo





"Opo Coach Anzai inaantay ko lang si Miki" ngumiti sya kay lolo at napatingin saakin





"Papanoorin mo ang henyo nato?bumilib kana ba saakin?HAHAHA" tawa ni Sakuragi na agad binatukan ni Akagi





"Teka magkakilala kayo ni Miki?" Tanong ni Ayako





"Oo kaibigan ko sya, sabay kase namin papanoorin si Maki" sabi nya





"KAIBIGAN MO SI MAKI AT SENDOH MIKS?" Tanong ni Sakuragi





"Ahh..Oo" nahihiyang sabi ko dahil hindi natatanggal tingin ni Rukawa kay Sendoh





"Oh kawawa ka naman pala Rukawa may Sendoh na si Miki HAHAHA" pang aasar ni Sakuragi na hindi pinansin ni Rukawa





"Tara na Miki" hinila ako ni Sendoh pero humawak sa kamay ko si Rukawa, napatingin ako sakanya





"Saakin sya sasama Sendoh" maikling sabi ni Rukawa habang masama ang tingin sa kamay ni Sendoh nasa braso ko





"Ako ang nauna magyaya sa kanya Rukawa" sabi ni Sendoh at hinila ako ng kaunti





"Pag nasaktan sya sa paghila mo ibabato ko sayo ang bola hawak ni Sakuragi, Sendoh" medyo naiinis na sabi ni Rukawa, binitawan naman ako ni Sendoh





"Pag sya nasaktan sayo Rukawa kaming dalawa ni Maki makakalaban mo, mahalaga saamin ang babaeng inaangkin mo" galit na sabi ni Sendoh ngumiti sya saakin at sumama nalang sa Team nya at nauna pumasok sa loob ng gym





"Ang ganda mo naman Miki" tukso ni Ayako at naglakad na kami papasok ng hindi natatanggal ang kamay naming magkahawak ni Rukawa.





---





Nakaupo na kami sa Bench habang sila nagwawarm up nakita ko naman palapit si Maki saamin





"Miki" tawag nya saakin lumapit naman ako sakanya nakatingin nanaman si Rukawa
saamin





"Bat andito ka?akala ko kay Sendoh ka sasama?"





"Ah ano kase si Lolo e nagpasama dito hehe, galingan mo manonood ako" tumango naman sya saakin





"Nextweek birthday mo na diba?magdedebut kana pala may balak ka?"





"Oo, uuwi sila mommy umatend kayo ah?"





"Syempre naman kasama kami sa 18 roses mo" ngumiti sya saakin at naglakad pabalik sa team nya nakita ko nanaman ang Killer eye ni Rukawa at kay Maki naman





"Ang Akala ko si Sakuragi lang may Killer eye pati pala si Rukawa" sabi ni Ayako saakin ngumuso naman ako





"Asahan mo magpapakitang gilas si Rukawa, Miki"





"Para sa Team syempre Ayako, gusto nila makapasok sa interhigh" nakangiting sabi ko at tumingin kay rukawa na sya may hawak ng bola





"At para narin sayo Miki" nakangiting sabi saakin ni Ayako at nakatingin din kay Rukawa





Para saakin?

ALL ABOUT HIM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon