Requested Chapter

204 17 0
                                    

This is a Side Story of my Series because someone requested for this ship.



Haruko's Secret Love For Kaede Rukawa.




Matagal na akong may gusto kay Rukawa. Alam yun nga mga Kaibigan ko. At nung nakilala ko si Sakuragi. Nalaman nya at nakilala nya agad si Rukawa. Nahiya ako dahil nahalata nya agad na may gusto ako kay Rukawa. Tuwang tuwa ako nang malaman na sumali si Sakuragi sa Team. Nalaman ko din at natuwa ako lalo dahil sumali din si Rukawa. Buong araw ko kinulit si Kuya para don. Nagpapasalamat ako na hindi nya nahalata na gusto ko si Rukawa. May pagmanhid kase si Kuya eh. Napabalita na darating ang Apo ni Coach Anzai. Kami nila Ayako at Kuya ang unang nakaalam dito. Galing daw itong Amerika. Nakwento saamin na Magaling ito sa Basketball. Female Version daw ni Sendoh at Maki. Kaya pala ganon dahil Magkakaibigan pala sila.





Napahanga ako nang makita at makilala ko si Miki Anzai. Napakaganda nya at Mabait. Tinukso sya nila Miyagi na mag sample. Napahanga naman kami sa pinakita nya. Pero hindi nakatakas sa paningin ko ang tingin ni Rukawa at kay Miki.





Interesado sya kay Miki?





Kung tutuusin tama sila. Dream na kung tawagin si Miki. Siguro type sya ni Rukawa. Dahil panigurado magkakasundo sila. Magaling si Miki at Magaling din si Rukawa. Hindi ko maiwasan malungkot





"Hoy!kanina kapa nakasimangot ah?" Napalingon ako sa tumapik saakin. Kasama ko ang dalawang bestfriend ko
sila Fujii and Matsui. Kakaklase ko din sila.





"Napakaganda pala talaga ni Miki no?" Napalingon naman ako sa tinitingnan nila. Naglalakad sa hallway si Miki. Lahat ng madaanan nya ay napapaliko ang mata sakanya. Totoo ang sinabi nya. Sadyang napakaganda ni Miki mahirap syang abutin at pantayan.





"Kasama sya sa Women's Basketball diba?" Tanong ni Matsui. Tahimik naman akong nakikinig sakanila. Inikot ikot ko ng tinidor ang pasta na nasa harapan ko at nakapalumbaba.





"Oo. sya ata ng super rookie ng women's" tumango tango sakanya si Fujii habang umiinom ng Juice nya. Bigla naman nila tinapik at tinuro ang nasa labas. Napaayos ako ng upo nang makita dadaan si Rukawa sa Corridor namin.





"Grabe ka!kanina nakasimangot ka. Ngayon dadaan lang nakangiti kana." Pang aasar ni Matsui. Nakanguso naman ako.





Grabe kaya epekto saakin ni Rukawa!





"Ang bilis nya magbago ng mood pagdating kay Rukawa e" pag sang ayon ni Fujii kay Matsui na kumakain ng Chips na baon ko. Hindi ko na yun pinansin at napangiti tumingin sa labas.





Kelan mo ba ako mapapansin Rukawa?ilang taon na din ako may gusto sayo. Hanggang tili lang ata ako para sayo. Silent cheer. Hindi ganon kalakas loob ko pumasok sa Basketball. Nakailang practice na din ako pero palpak ako kaya impossible makapasok sa Team. Hindi ako kagaya ni Miki.





Nararamdaman ko na din ang paghanga kay Miki at Selos.






------






Lumipas ang mga araw. Nalaman ko na nakasali na si Miki sa Women's Basketball. At napapansin ko din na araw araw syang nasa gym para manood ng practice. Minsan nakukuha ni Rukawa ang atensyon ko pero mas napapansin ko si Miki na tinititigan si Rukawa. Hindi nya inaalis ang tingin dito. Minsan namumula pa sya pag inaasar sya ng kaibigan nya. At mas lalo bumibigat ang dibdib ko nang makita ko si Rukawa pinagmamasdan din si Miki.





ALL ABOUT HIM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon