Chapter 21

253 19 0
                                    



Ngayong araw ang finals namin, nakatingin ako sa bintana nag uumpisa na nagsosnow na labas, nagbabalak ako isama si Rukawa sa Pasko kasama sila Mommy, busy kase si Mommy sa bussiness namin na foodchains and hotels na soon ako ang papalit na CEO oras na makagraduate ako ng College.





"Ang hirap ng Physics grabe, nakakadugo ng utak ikaw ba?" Tanong ni Maria habang nakapalumbaba sa desk sapo ang kanyang sentido





"Sa Math ako nahirapan, hindi kase ako nakapagreview" nakangiwing sabi ko naalala ko nanaman at nag iinit pisngi ko matapos ng gabi na iyon ay hindi na maiwasan maulit sa totoo ay nauulit yun tuwing gabi dahil nawiwili na si Rukawa





"Hindi na ako magtataka pag graduate natin ay May laman na yan" turo nya sa tyan ko agad naman akong umiling sakanya nag iwas ng tingin.





Possible iyon, wala kaming ginagamit.






"Punta na tayo sa Gym tara ilang weeks nalang interhigh na" tumango ako sakanya at inayos ang gamit ko bago sumunod sa kanya baba sa gym





----





Maaga nagpaalam saakin si Rukawa na pupunta sya sa bahay nila Lolo at kakausapin nya ito sasama sana ako pero maglilinis pala ako ng apartment nya at madedesign para sana sa Christmas plano namin isama ang buong team ng Shohoku, magsisilbi christmas party na din iyon ng Team.





Hapon na nakauwi si Rukawa humalik lang sya sa noo ko at dumiretso sa kwarto, nagpatuloy lang ako sa paglilinis at pagluluto ng hapunan





Pagod ata sya





Nang matapos ako sa gawain ko at nakahanda na ang hapunan pinuntahan ko sya kwarto nadatnan ko natutulog sya lumapit naman ako sakanya at hinaplos ang pisngi nya, sinuklay ang kanyang buhok gamit ang daliri ko, nagmulat sya at tumingin saakin





"Gabi na, nakahanda na ang hapunan" malambing na sabi ko sakanya at binigay sya ng magaan na halik sa labi, pero seryoso lang sya tumingin saakin at hinila ako payakap sakanya mahigpit syang nakayakap saakin at panay halik sa mukha ko, panay din sya sabi ng I love you saakin





"May nangyari ba?bakit nagkakaganyan ka?" Tanong ko sakanya, inalalayan naman nya ako maupo at bumangon naman sya





"Wala..tara kumain na tayo, napagod kaba?sorry kung hindi kita nasamahan" sabi nya saakin habang naglalakad kami papunta sa kusina





Parang may problema sya.





Ilang araw nagkaganon sya alam ko tahimik sya pero lalo nadagdagan minsan lang din nya ako pansinin kahit magkasama kami palagi. Parang wala sya sa sarili nya at ang laki ng iniisip sa gabi mahigpit syang nakayakap saakin at panay i love you.





Anong nangyayari sayo Rukawa




----







"Gusto ko po sana pumunta ng Amerika" sabi ni Rukawa kay Coach Anzai, nagpaalam sya kay Miki na may bibilhin lang pero ang balak nya talaga ay pumunta sa Bahay ni Coach Anzai para makausap ito dahil nagtatalo ang isipan nya kung itutuloy nya ba o hindi dahil kung sakali pipiliin nya ay may maiiwan sya.





"Amerika?" Tanong ni Coach Anzai nagtandaan nito ang nakaraang estudyante nya namatay ng dahil sa depression ng magpunta ito sa amerika pero naiisip din ni Coach ang balak ni Rukawa pero paano na ang kanyang apo






"Gusto ko po sana lalo mahasa sa basketball, dun ko na rin balak may college" diretso nakatingin si Rukawa kay Coach Anzai, bigla pumasok sa isipan ni Rukawa si Miki bigla nya naramdaman ang lungkot na kung sakali itutuloy nya maiiwan nya si Miki.





Matagal ko nang pangarap iyon gusto ko magaling para matalo ko si Sendoh






Yan ang nasa isipan ni Rukawa





"Bakit hindi mo unahin maging number one sa sarili mong bansa?" Tanong ni Coach Anzai




"Dati ko pa pong balak mag amerika para maiadvance ang nalalaman ko"





"Dapat dito muna, sa tingin ko tinatakasan mo lang si Sendoh" seryoso sabi ni Coach Anzai na nagpatahimik kay Rukawa





Ganon ba yun?kahit mag ibang bansa ako hindi ko parin sya matatalo?





"At tsaka" napatingin si Rukawa kay Coach na seryoso nakatingin sakanya kinakabahan si Rukawa sa sasabihin nito.





"Paano si Miki?alam nya ba ito balak mo?" Natigilan si Rukawa at tumabok ang isip nya sa mga nangyari nung nakaraan, hindi nya pa sinasabi kay Miki ang balak nya





"Pangako sabay natin tutuparin ang pangarap natin, walang iwanan"





Natigilan si Rukawa nang maalala ang pangako nila ni Miki sa isat isa, pero eto sya mag isa nangangarap.





"Hindi nya alam na balak mong umalis?" Umiling sya kay Coach at tumayo magpapaalam na sana syang umuwi nang magsalita si Coach





"Kailangan mo pag isipan ang gagawin mo Rukawa, baka magkamali ka" huling paalala sakanya ni Coach, naglakad na palabas ng bahay nito at walang sa sarili nag lalakad, tumingala sya sa langit at huminto para huminga ng malalim





"Nakapagdesisyon na ako" sabi nya pero ang nasa isipan nya ang magandang ngiti sakanya ng kanyang pinakamamahal na babae.





I'm sorry...

ALL ABOUT HIM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon