Nakapalumbaba ako nakatingin sa labas ng Coffee shop. Halos isang oras na ako andito pero wala parin sya. Ano nanaman bang balak nya at inaya nya ako bigla. Ang bilis masyado ng pangyayari sa buhay ko. Nung nakaraan Crush na Crush ko si Maki. Ngayon naging Fake Girlfriend na nya ako Argh!
----
Galit ako tumayo at sinamaan ng tingin si Daddy. Nasa isang Resturant kami. May 'Family Dinner' matagal na akong nag re-rebelde sa magulang ko. Dahil gustong gusto nila mag Lawyer ako. Wala akong interest doon. Ni hindi nga ako magaling sa debate.
"Yvaine!maging useful ka naman!malapit kana mag college!mag law ka. Marami akong koneksyon don. Magiging top ka agad" desperadong sabi nya. Napairap naman ako. Pinipilit nila ang gusto nila. Nag iisa akong anak nila. Dapat sinundan nalang nila ako. Para hindi lahat ng pressure ay nasa saakin. Hindi ko naging 'Perfect' na anak sakanila. Masyadong mataas ang expectation nila saakin. Lagi din nila pinag ku-kumpara ng bestfriend kong si Miki. Kesyo matalino si Miki. Perfect si Miki. Kahit ako hindi sya mapapantayan. Perfect din ako in my own way kaso hindi yun nakikita ng parents ko.
"No. Daddy, ayoko. Sana ito na ang last na mapag uusapan natin yan. Mauuna na ako sainyo." Nag bow pa ako sakanila bago tumalikod. Nakayuko ako habang naglalakad palabas dahil ayoko makita ng mga tao umiiyak ako. Hahawakan ko na sana ang Pinto ay may humawak sa braso ko. Gulat naman ako ng napatingin. Hindi ko inaasahan ma me-meet ko sya sa gantong lugar.
"Hindi ba ikaw si Maria?yung laging kasama ni Miki?" Tanong nya. Tumango naman ako sakanya. "Come with me" bigla nya akong hinatak papunta sa isang table. Huminto kami sa isang pamilya na gulat na gulat na tumingin saakin.
"Maki?" Tawag ng isang babae sakanya. Pusta ko eto ang mommy nya.
"Mom, Dad. This is Maria. My Girlfriend" natigilan naman ako sa sinabi nya at kumunot ang noo ko.
Pucha, nagpunta ako dito para sa family dinner. Hindi ko inaasahan ma le-legal ako nang wala sa oras. At sa hindi ko pa inaasahang tao.
"Ha?" Tanging sabi ko. Halos tumalon amg puso ko nang hawakan nya ang kamay ko.
"Go with the flow" bulong nya saakin at ngumiti sa magulang nya. Pilit na rin akong ngumiti.
"Ah..have a seat iha." Sabi ng mommy. Inalalayan nya pa akong naupo. Naiilang naman akong tumingin sakanila.
"So.. ikaw pala ang girlfriend ni Maki.. dapat ay ipapakilala ko na sya sa isang sa anak ng mga kumare ko pero hindi ko inaasahan may girlfriend sya" mahinahong sabi nya.
Ako din ho. Hindi ko akalain girlfriend pala ako ng anak nyo hehe.
"Ah..opo" naiilang na sabi ko at pinag dilatan ng mata si Maki.
"Mommy. Sabi ko sayo i have a girlfriend. No need mag hanap. I'm good with Maria, Right Babe?" Nakangiting sabi nya saakin. Nag aalangan pa akong tumango sakanya at tumingin sa parents nya.
"Opo..Selosa po ako. Ayaw ko may ibang babae si Maki" pakikisabay ko sa Trip ni Maki.
"Oh..sorry Dear. Hindi na mauulit" Sinserong sabi ng Mommy nya. Ilang oras kami nagtagal sa pag uusap. Kung ano anong kaplastikan ang pinagsasabi namin. Sa wakas at natapos din. Parehas kaming nakatanaw sa papalayonh kotse ng magulang nya. Walang nagsasalita saamin. Tatalikod sana ako nang magsalita sya
BINABASA MO ANG
ALL ABOUT HIM (COMPLETED)
FanfictionSlamdunk Series #1 - RUKAWA I have been in love with Kaede Rukawa for 4 years. Will i finally noticed by him? (Kaede Rukawa From Slamdunk Fanfiction) The picture used on the cover of this book is from 'Pinterest'