Ilang linggo naging ganon si Rukawa. Lagi ko syang naabutan na malalim ang iniisip gusto ko syang kausapin at maayos dahil 1st anniversary namin ngayong araw.
Naabutan ko sya naghahanda papasok lumapit ako sakanya at kinalabit sya at ayun nanaman ang tingin nya saakin parang ayaw nya akong makita
"Pwede ba kitang makausap?" Nakatingin ako sakanyang seryoso at ganon din sya saakin pero nilagpasan lang nya ako, ganon din ang ginawa nya saakin ilang linggo na iniiwasan nya ako
Hinabol ko sya at hinawakan ang braso nya, napalingon naman sya saakin
"Ano bang problema?ayusin nanatin Rukawa, special ang araw na ito" sabi ko sya nararamdaman ko naman ang luha tutulo
Nasasaktan na ako sa ginagawa nya hinayaan ko sya dahil akala ko ioopen up nya saakin
"Wala tayong dapat pag usapan Miki" malamig na sabi nya saakin at marahas na tinanggal ang pagkakahawak ko sa braso nya
"Rukawa" tumulo na ang luha na pinipigilan ko kanina pa
"Pag uwi, ayoko ko nang makikita kita dito" sabi nya na nagtaka naman ako at napatingala sakanya
"Bakit?" Kunot noong tanong ko sakanya naguguluhan ako sa inaakto nya saakin wala naman kaming away para magkaganito sya
"Maghiwalay na tayo" malamig na sabi nya saakin, nanlamig ako bigla sa kinatatayuan ko at napapaluhang tumingin ulit sakanya
"Anong sabi mo?paki ulit" naiiyak akong tanong ko sakanya humawak ako sa kamay nya nanginginig ako ng ginawa ko yun
"Itigil nanatin to,ayoko ko na" marahas nyang tinanggal ang kamay ko nakahawak sa kanya
"Bakit?, bakit biglaan?hindi tayo nag away bakit mo ako iiwanan?" Nanginginig ako at humihikbi
Ano bang sinasabi nya?bakit sya makikipaghiwalay?may nagawa ba ako?
"Akala ko sobrang mahal kita para hindi ko piliin ang pangarap ko, pero nagkamali ako hindi pala kita ganon kamahal para isuko ang pangarap ko makapunta sa amerika, hindi ka ganon kahalaga Miki para isuko ko ng dahil sayo ang pangarap ko, babae kalang maraming mas magaling pa sayo sa amerika" sabi nya saakin
Naupo ako sa sahig sunod sunod na tumulo ang mga luha ko naramdaman ko pag alis nya at doon ako umiyak ng umiyak
"Hindi paba sapat lahat ng pinagdaanan ko, hindi ba sapat lahat ng hirap ko?" Nahihirapan kong sabi sa sarili ko
Sa mga pinagdaanan ko walang naging madali, lahat yun mahirap lahat yun masakit hindi sang ayon lagi saakin ang tadhana habang tinitingnan kita sa malayo ay nasasaktan ako habang pinapangarap kita nasasaktan ako hindi ka naging madali abutin hindi rin madali saakin ang makaahon na mas mahal mo ang pangarap mo kesa saakin. Ibig sabihin hindi ako ganon kahalaga.
"Inshort hindi ka importante, hindi ka ganon ka importante para igive up ang pangarap nya"
Ganon ba ako ka walang kwenta?ganon ba ang halaga ko?
"Pangako after High School papakasalan na kita"
Naiyak ako lalo ng maalala ko ang tanging pinangako nya saakin
"Siguro naman uuwi sya dito kase anniversary namin e" pinunasan ako ang luha ko at tumayo nag umpisa maghanda para kay Rukawa
Naglinis ako, namili ng iluluto ako nagdesign din ako hindi ako pumasok dahil masyado itong importante para hindi ko gawan ng effort. Nagtatampo lang si Rukawa hindi ko alam ang kasalanan ko pero susuyuin ko sya.
6:00pm. Natapos ko na lahat romantic dinner ang hinanda ko ang design ay mga pictures namin nakasabit ito sa kisame at may mga ballons pa na nakalagay ay I'm Sorry.
"Susunduin ko sya" naghanda ako at umalis ng apartment nya nagmamadali pumunta sa school, halos takbuhin ko ang pagpunta sa gym pagbukas ko sya nagtitipon sila at parang hinhintay ako dumating. Lumapit ako sakanila at nanghihina tumingin
"Wala si Rukawa, Miki nung Lunch ay nagmamadali syang umalis" sabi ni Kogure saakin
"Hindi naging maganda ang pinakita nya ngayon, may problema ba kayo?" Tanong ni Ayako saakin umiling lang ako at tumulo ang mga luha ko
Iniwan nya ba ako?hindi, baka prank lang iyon at may hinanda sya para saakin
"Miki?ayos kalang?bakit ka umiiyak?" Nag aalala tanong ni Mito saakin pinunasan ko agad ito
"Wala wala ito, mauuna na ako Anniversary kase namin, baka may pinuntahan lang sya, mauuna na ako guys" natatarantang sabi ko at tumakbo palabas narinig ko pa ang pagtawag nila saakin pero tinakbo ko ang pag uwi sa apartment sya, nagmamadali akong binuksan ang pinto pero walang tao kung paano ko sya iniwan ganon parin pagbalik ko.
"Babalik sya alam ko, mahal nya ako e" naiiyak na sabi ko at naupo tiningnan ko sa lamesa ang mga hinanda ko, kanina ko pa ito niluto at panigurado malamig na
Natulala lang ako at hindi ko namalayan ang oras pagtingin ko sa orasan ay 12:51 na.
8mins nalang tapos na ang araw na ito.
Nagulat ako ng bumukas ang pinto. Dali dali akong lumapit doon pero si Sendoh ang naabutan ko
"Umalis na si Rukawa kaninang 9am umalis na syang papuntang Amerika, nag iwan sya message kay coach at tinawagan ako na sunduin kana dito" naupo ako sa sahig at nagsimula humagulgol agad naman lumapit saakin si Sendoh at niyakap ako, umiyak ako ng umiyak sa dibdib nya
"Iniwanan na nya ako, hindi nya ako mahal, wala akong kwenta Sendoh" nahihirapan sabi ko at yumakap ng mahigpit sakanya
Natapos ang araw na iyon na puro sakit at puro iyak ang ginawa ko para icelebrate ang unang taon ng pagmamahalan namin. Ang akala ko napakasaya araw ay napalitan ng napakasakit na pangyayari ang araw na hindi ko malilimutan ng dahil sa saya ay napalitan ng sakit na hindi ko alam kung deserved ko ba.
Ang araw na pinakahihintay namin dalawa ay naging hindi makakalimutan na pangyayari saakin.
BINABASA MO ANG
ALL ABOUT HIM (COMPLETED)
FanfictionSlamdunk Series #1 - RUKAWA I have been in love with Kaede Rukawa for 4 years. Will i finally noticed by him? (Kaede Rukawa From Slamdunk Fanfiction) The picture used on the cover of this book is from 'Pinterest'