"NICE ONE JIN!NAPAKAGALING MO TALAGA PRE!" Sigaw saakin ni Kiyota. Tumakbo sya palapit saakin para tapikin ang balikat ko.
"Salamat" kalmadong sabi ko. At tiningnan ang Scoreboard.
Lamang na lamang kami sa Shohoku. Mananalo kami.
----
"Jin" napalingon ako sa tumawag saakin. Tumayo ako ng maayos para salubungin sila.
"Congrats nga pala!pasok nanaman tayo sa Interhigh!" Masayang sabi ni Ryan saakin. Sya ang kaibigan ko magkababata kami at Magkakaklase din kami. Parehas kaming 2nd year.
"Nga pala, nagkasalubong kami ni Amelia. Pinasabi nya 'Congrats daw sayo' hindi ka daw nya mababati. Marami daw syang ginagawa" dugtong nya. Mahina naman ako tumawa. Si Amelia ang bunso kong kapatid. Magkapatid kami sa Tatay. Ayaw nya gamitin ang apelyido ni Daddy kaya. Apelyido ng mommy nya ang gamit. Takahashi.
Nag uusap kami ni Ryan tungkol sa mga nangyari sa laban hindi kase sya nakanood. Dahil may emergency. Naiintindihan ko naman.
"Kamusta na ang panaginip mo?yung babae parin ba?" Tanong nya saakin nang makapasok kami sa Room. Dumiretso kami sa mga upuan namin.
"Sya parin talaga. Iba na ang nangyayari sa panaginip ko pero sya parin ang kasama ko. Pang apat na beses na kagabi." Nanaginip ako pero iisang babae ang kasama ko sa bawat panaganip ko. Hindi ito nagsasalita. Pero namumukhaan ko sya. Sobrang detailed ng mukha nya.
"Walang sinabing pangalan?malay mo!destiny mo na yan!" Natatawang pang sabi nya at tila nag iimagine pa.
"Impossible. Babae lang siguro sya mula sa panaginip. Hindi sya totoong Tao."
"Paano mo naman nasabi?"
"Walang babae ganon kaganda masyado. Daig pa anghel." Napapangiting sabi ko. At inisip ang babaeng laging laman ng panaginip ko.
----
"According to the 19th century psychologist Dr. Karl Gustav Jung , females represent the emotional - sensitive side of a person . When females appear in men’s dreams , these are identified as “ Anima” According to Jung, this female persona represents the ideal woman or archetypal ( characteristics of females) you have and wish for in your female companion. Now, if you are a female dreaming of a woman , it May Be your desire to be romantically with the traits you dreamt of." Mahabang sabi ni Amelia. Tahimik naman ako nakikinig sakanya. Nasa sala kami. Hindi naman umuuwi ang daddy dito. Lagi syang busy.
"Sabihin mo nga may nagugustuhan kaba na babae?" Tanong nya saakin habang nagbabasa ng libro
"Wala" pag amin ko. Wala naman talaga. Tumango tango naman sya sa sinabi ko
"Dreaming of encountering a girl usually represents a positive and unexpected upcoming event. In particular, it is possible that some unexpected occurrence will please you and you would tremendously enjoy it." Basa nya mula sa libro. Sinara nya ito at tumingin saakin.
" Soulmate." Tanging sabi nya at nag paalam na umakyat sa kwarto nya.
----
BINABASA MO ANG
ALL ABOUT HIM (COMPLETED)
FanfictionSlamdunk Series #1 - RUKAWA I have been in love with Kaede Rukawa for 4 years. Will i finally noticed by him? (Kaede Rukawa From Slamdunk Fanfiction) The picture used on the cover of this book is from 'Pinterest'