Isang linggo ang lumipas at isang linggo din akong absent sa school dahil sa injury ko.
Yung sinabi ni Rukawa totoo kaya yon?
Ngayong Araw ako babalik sa School dahil nakakalakad na ulit ako bumaba ako sa kusina at nakita ko ang aking lola nagluluto ng almusal wala na si lolo dahil maaga pumupunta yun sa school para tingnan ang team nya
"Good Morning Aza!kumain kana, magaling kana ba?" Tanong ni lola ng makalapit ako sa lamesa nilapag nya saaking harapan ang aking almusal
"Opo lola, salamat sa pag aalaga" ngumiti naman sya saakin at pinisil ang aking pisngi, kumain na agad ako dahil malalate ako sa school ng matapos ako kumain humalik na ako sa aking lola at umalis na papuntang school
---
"MIKIIIIII!" sigaw ni Maria ng makapasok ako sa classroom yumakap sya saakin at nag alala akong tingnan
"Ayos kana ba?,namiss kitaaaa!" Yumakap pa sya saakin bago ako ihatid sa upuan ko
"Nako ang sama pala talaga ng ugali ng Miya na yun!maganda sya kaso masama ugali!" Asik nya saakin
"Nga pala nood tayo ng practice nila Rukawa lalaban na daw sila sa Kainan nextweek"
Lalaban na sila kila Maki?mananalo kaya sila?ang balita ko wala pang nakakatalo sa team nila pero nanalangin ako manalo sila
Tumango ako sakanya, ilang oras din ay nagsimula na ang klase kahit papano nakahabol ako sa lessons ng mag recess bumaba na kami sa gym para manood.
Nadatnan namin maraming babae sa labas sigurado ako na kay Rukawa fangirls ito
"Excuse me" hatak hatak ako ni Maria hanggang makapasok kami sa gym
Nagsisimula na sila ng maabutan namin halatang seryoso sila
"Seryoso sila magpractice ngayon marahil makakalaban nila ang team na walang katalo talo manlang sayang nextyear pa tayo papasok sa interhigh" sabi ni Maria nakikinig ako sakanya pero na kay Rukawa ako nakatingin
Naalala nya paba?hay
"Hoy baka naman matunaw, oh bat ang sama ng tingin sayo ng mga jologs nayan?" Sabi nya habang nakaturo sinundan ko naman ito at tama sya ang sama ng tingin saakin dahil siguro sa pagbuhat saakin ni Rukawa nagtataka pa ako dahil nagkalakad sila palapit saakin
"Hoy Miki!hindi porket apo ka ni Coach Anzai ay nagpapabuhat ka kay Rukawa!" Reklamo saakin ni Jgirl 1 inshort for jologs
"ANO?NAGPABUHAT?" nagugulat pang tingin saakin ni Maria namula naman ako
"Maganda ka!OO!at magaling din pero nauna kami kay Rukawa matuto kang lumugar!" Sabi ni Jgirl 2
Nauna ako sainyo ng taon, 6 na taon ko nayang crush hay...
"Oo nga!lumayo ka ah" sabi ni Jgirl 3
"HOY!MGA JOLOGS ANG IINGAY NYO NA NGA INAAWAY NYO PA SI MIKI UMALIS NGA KAYO DITO" sigaw ni Sakuragi sakanila sinamaan naman nila ito ng tingin
"GUNGGONG!" sabay sabay nilang sigaw kay sakuragi at nagwalk out
"JOLOGS!" Sigaw nya ulit at napatingin saakin "Ayos kalang Miki?" Tumango naman ako sakanya at napatingin sa likuran nya bumilis ang tibok ang puso ko ng si Rukawa iyon
"Tabi Gunggong" sabi nya kay Sakuragi lumingon naman sakanya ito
"Ano naman ginagawa mo dito?lalandiin mo nanaman si Miki?HOY RUKA---" hindi natapos si Sakuragi sa sinasabi nya ng itulak sya ni Rukawa palabas at napatingin saakin
"Mamaya pagkatapos ko dito practice tayo" yun lang at tumalikod na sya saakin, natulala naman ako at late na tumango
"HOY MIKI!late na ata ako Chismis ah?ano nangyari ha?" Inalog alog ako ni Maria hanggang bumalik ako sa katinuan at napatingin sa kanya
"Ha?ano kase sabi nya sabay kami magpapapractice nagkausap kase kami" namumulang sabi ko sakanya tumaas naman kilay nya
"Nagdadate na ba kayo?nililigawan ka nya?" Tanong nya agad agad naman ako umiling ng sunod sunod
"Nagkausap lang kami at niyaya nya ako sabay kami magpractice yun lang wala ng ibang meaning" sabi ko sakanya tumango naman sya
"Panigurado dyan kayo magsisimula pustahan hindi na ako magugulat mababalitaan ko nagdadate na kayo" tumango tango pa sya parang sigurado syang magkakatotoo ang sinasabi nya hindi naman ako nagsalita.
Dahil deep inside umaasa ako sa sinabi ni Maria at mali iyon ayoko maghangad ng kahit ano sakanya ayoko masaktan ako ng dahil sakanya ayoko umayaw sakanya ng dahil lang nasaktan nya ako.. okay na ako sa gantong estado namin
Pero mali talaga ito kahit anong pilit ko sa sarili ko.
Umaasa ako hindi lang ito ang mabibigay nya saakin..
BINABASA MO ANG
ALL ABOUT HIM (COMPLETED)
FanfictionSlamdunk Series #1 - RUKAWA I have been in love with Kaede Rukawa for 4 years. Will i finally noticed by him? (Kaede Rukawa From Slamdunk Fanfiction) The picture used on the cover of this book is from 'Pinterest'