Chapter 04

372 26 0
                                    




Ngayong Araw ang Laban ng Shohoku sa Ryonan pero hindi pa kami makakapunta malalate ata ako makakapunta dun kasama si Maria dahil may klase kami pagkakataon na din para makita ko ulit si Sendoh





Kamusta na kaya ang tao na yun?ilang taon na din ng makita ko sya gumaling na kaya sya sa pagbabasketball?





Nang Matapos ang Klase namin napagdesisyunan namin na pumunta sa kinaooraan ng Laban nila mahigit isang oras ang nilaan namin sa byahe nang makapasok kami punong puno ng Tao ang Gym





"Mukhang madaming nanood ah?" sabi ni maria habang nalilibot ang kanyang mata sa gym





"Mula ata ng nanalo sila sa Kainan naging interesado ang tao sakanila dahil maganda ang pinakita nila" dagdag ni Maria makaupo kami sa malapit tumingin ako sa Score Lamang ang Ryonan sa mga oras na to napangiti ako ng makita ko si Sendoh





Mas Tumangkad sya at pumuti at naging sikat dahil sya ang sinisigaw sa buong gym ibig sabihin maganda ang laro nya





"Ang gwapo ni Sendoh no?Miki?" sabi ni Maria napatingin naman sakanya at sumang ayon





"Oo mas lalong lumakas dating nya dahil maganda sya maglaro" tumingin ako kay Sendoh na binabantayan ni Rukawa lumakas ang tibok ng puso ko ng makita ko sya nakikipagtitigan sya kay Sendoh





Mukhang nagkakainitan sila
kung ako tatanongin parehas silang Ace player dahil sa galing nila maglaro





"Wag mong sabihin may gusto ka kay Sendoh Maria?" natatawang sabi ko mamula naman sya binalik ko ang tingin ko kila Rukawa na kasalukuyan may hawak ng bola





Namiss ko syang panoorin maglaro ng ganto lalo kase syang gumagaling maglaro pag magaling din ang nagbabantay sa kanya sa pagkakaobserba ko ay hilig ni Rukawa makipagkumpetensya sa laro talagang hindi sya nagpapalamang pag nakaputos kailangan sya din





Nakatingin lamang ako sakanya pero nakikilala ko sya minsan nahuhuli ko sya noon sa rooftop natutulog antukin sya dahil sa gabi sya nagpapapractice kaya sa umaga at tulog sya matindi din ang problema nya sa Academics dahil nakatuon lang sya sa Basketball ng minsan napadaan ako sa room nila noon nakita kong pinapagalitan sya dahil natutulog sya sa klase





Sabi din nila ay mahilig sya sa away lalo na kung iistorbuhin mo ang tulog nya magagalit talaga sya Cold din syang magsalita at sabi nila Mayabang pero may ibubuga habang lumilipas ang Taon lalo syang gumagaling lalong hirap abutin





"OH NAKAPUTOS NANAMIN SI RUKAWA"



"ANG GALING TALAGA NG NUMBER 11 NAYAN"



"RUKAWAAA L-O-V-E"





Yan ang mga naririnig sa loob ng gym nakakatawa man pero naiinggit ako sa Fans ni Rukawa na Babae dahil naisisigaw nila ang pangalan nya hindi ko yun nagawa dahil nahihiya ako sakanya





"Bat ayaw mo magcheer Miki?" Tanong saakin ni Maria. Tumingin naman ako sa mga babaeng nagche-cheer sakanya. Nag iwas ako ng tingin. Hindi ko kaya yun. Wala akong lakas ng loob.





"Nahihiya kase ako sabihin pangalan nya e" sabi ko habang pinapanood si Rukawa pumuntos





---





Sa Huli nanalo ang Team namin sa Ryonan kay tutuloy na sila sa Interhigh





"Tara bumaba tayo" sumang ayon ako sa sinabi ni Maria kaya bumaba kami kila Lolo ng makababa kami





"Miki?Ikaw bayan?" nag angat ako ng tingin sa nagsalita sa harapan ko nagulat ako ng si Sendoh ang makita ko agad ko syang niyakap ng mahigpit at ganon din sya saakin





"Sendoh, namiss kita kamusta kana?" ngumiti ako sakanya





"Okay lang naman sa Shohoku kana diba?bukas labas tayo ha?"  Masayang sabi nya habang nakatingin saakin.





"Oo tawagan mo nalang bukas nalang" nakangiting saad ko sakanya.





"Oo susunduin kita byee" humalik muna sya sa pisngi ko bago umalis walang malisya yun saakin dahil magkaibigan naman kami





"Ano yun paghalik ah?" pang aasar ni Maria saakin umiling nalang ako at dumiretso na kami papasok sa kwarto ng Shohoku





"Aba Miki nakita mo ba galing ng henyo na to?" sabi ni Sakuragi saakin tumango naman ako





"Oo ang galing mo sa rebound Sakuragi"  pamumuri ko kay Hanamichi. Totoo naman maganda ang pinakita nya sa game nila kanina





"Kita nyo apo pa ni tatang nagsabi HAHAHAHA" pag yayabang ni Sakuragi sa mga kasamahan nya agad naman nilang tiningnan ng masama





Tumingin ako kay Rukawa na nakatalikod sa gawi ko





Gusto sabihin sakanya ng harapan na ang galing nya kaso nahihiya ako ang lapit lang nya kaso pinanghihinaan ako ng loob





"Congrats ang galing mo Rukawa" Bulong ko habang lihim ako nakatingin sakanya





Biglang tumibok ang puso ko ng lumingon sya saakin at nagsalita





"Thanks" yun lang at lumabas na sya ng kwarto





At naiwan akong tulala ang bilis ng tibok ng puso ko sobra parang gusto nya lumabas





Hindi ako makapaniwala, Narinig nya?

ALL ABOUT HIM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon