Andito parin ako sa clinic, nakatingin sa bintana, umalis si Rukawa bumili ng pagkain dahil nagugutom daw sya.
"Kailangan mo ng lumabas dito sa clinic" bungad saakin ni Rukawa habang may dalang plastic bag
"Talaga?may wheelchair daw ba?" Tanong ko sakanya ng makalapit sya saakin
"Wala daw sabi ng Nurse, bubuhatin nalang kita" maikling sabi nya at naupo
"Ahh bubuhati---ANO?" gulat kong sabi ko sakanya tumango naman sya dahil ngumunguya
"Nakakahiya naman" nag init pisngi ko nag iimagine ako na buhat nya ako kyahhh
"Tingin ko magaan kalang naman siguro" sabi nya at inabutan ako ng tubig agad ko naman ininom
"Ah hindi na kailangan kaya ko naman siguro maglakad hehe" sabi ko sakanya at napatingin ako sakanya nung kuhain nya ang tubig na inuman ko at tinungga, bigla nag init pisngi ko sa ginawa nya
"Teka Rukawa, ininuman ko nayan e bat dyan ka uminom?" Namumulang tanong ko sakanya napatingin naman sya saakin at sa bote
"Eh isa lang nabili ko, wala ka naman siguro virus diba?" Tumayo sya at nagtapon ng basura
Wala akong Virus pero Indirect kiss yun!
Huminga ako ng malalim bago ko sya tingnan ulit lumapit sya saakin at binuhat ako napatili naman ako at humawak sa leeg nya
"Hindi ba talaga nakakahiya?" Nakayukong sabi ko
Hindi ako makatingin!ANG LAPIT NG MUKHA NYA SAAKIN!
"Magaan kalang naman" maikling sabi nya habang naglalakad papunta sa gym nila nakayuko lang ako dahil nakatingin saakin ang mga schoolmates namin nakita ko naman ang jologs trio na masama tingin saakin ng makapasok kami sa gym
"AHA!kita mo tatang inaahas ni Rukawa ang apo nyo!" Sabi ni Sakuragi kay lolo na tumatawa sakanya nilapag naman ako ni Rukawa sa tabi nito
"Gunggong ka talaga" matapos nya akong nilapag umalis sya para magpalit para sa practice nila
"Salamat Rukawa, sumali kana sa practice" Sabi ni lolo kay Rukawa at tumango naman ito
"Okay kana ba Miki?" Tanong saakin ni Ayako ng maupo sya sa tabi ko
"Medyo namamanhid ayako" chineck naman nya ang pasa ko at tumingin ako kay lolo na nakatingin din saakin
"Anong sasabihin ng mommy mo pag nalaman yan?" siguradong magagalit yun over protective si mommy saakin
"Wag nyo nalang sabihin kay mommy lolo please?" Tumango naman sya at ngumiti saakin
"Paniguradong isang linggo kasa bahay kailangan mo ng matinding pahinga kailangan ka ng team mo"
"Opo Lolo"
"Si Miya hindi parin sya nagbabago" bigla sabi ni lolo tumango naman ako sakanya
"Malaki ang inggit nya sayo at galit na din dahil iniwanan sila ng daddy mo yun ang tama dahil nagkamali lang naman ang daddy mo pero hindi mababago na pinahiya ka nya" napailing si lolo nalungkot naman ako half sister ko si Miya sa father side nung pinagbubuntis pa ako ni Mommy nalaman nya na may nabuntis si Daddy ang laki ng agwat ng ginawa ng panloloko ni daddy kaya hindi ako masyadong close sa kanya dahil may close sila ni Miya may gusto nya si Miya kesa saakin at dun ako nalulungkot
"Hayaan mo na Lolo, ako dapat mainggit dahil mas mahal sya ni Daddy kesa saakin" ginulo naman ni lolo ang buhok ko
"Sapat na siguro ang pagmamahal ng mommy mo para punan ang pagkukulang ng daddy mo" tumango ako sa sinabi nya at naisip lahat ng sakripisyo ni Mommy para saakin, si mommy ay isa sa mga may pinakamalaki shares sa school ng Kainan at dito sa Shohoku at isa rin sya sa mga directors dito
"Team tara na magpractice" sigaw ni Akagi sa team
"Oo!" Sabay sabay nilang sabi at nag practice napangiti naman ako ng naglaro sila pero mas lalo akong napangiti nung nakita ko si Rukawa ganado maglaro kaya panay cheer sakanya ng mga jologs dahil ginagalingan nya
Balang araw Rukawa, makakalaro din kita..
BINABASA MO ANG
ALL ABOUT HIM (COMPLETED)
FanfictionSlamdunk Series #1 - RUKAWA I have been in love with Kaede Rukawa for 4 years. Will i finally noticed by him? (Kaede Rukawa From Slamdunk Fanfiction) The picture used on the cover of this book is from 'Pinterest'