Chapter 10

309 22 3
                                    

Ilang oras ang nilaan nila para magpractice, nagpaalam kami na babalik na sa klase at mamaya babalik hindi ko na nakausap si Rukawa dahil nagmamadali kami bumalik sa klase.





Nang matapos ang klase inayos ko na ang gamit ko para magpunta sa gym dahil may practice kami ni Rukawa





"Mauuna na ako Maria!See you bukass!" tinapik ko si Maria at kumaway





"Aysus kilig na kilig, ingat ka Miki!" sabi nya tumango ako sakanya at ngumiti at naglakad pababa sa gym





---






Pagbaba ko sa gym ay naglilinis na sila, dumiretso naman ako kay lolo na nakaupo sa sulok





"Lolo hindi po ako kakasabay pauwi sa inyo may practice po kami ni Rukawa" namumulang sabi ko sayo tumingin naman sya saakin





"Nakapagpaalam na saakin si Rukawa apo, ihahatid ka daw after Practice ninyo, don lang naman kayo magpapapractice sa court sa isang kanto natin malapit lang din si Rukawa doon"





"Salamat lolo" yumakap ako sa braso ni lolo at ngumiti





"Wag mo alalalahin ang mga sinabi sayo ni Miya, alam ko ang hirap mo hindi yun totoo" tumango naman ako at napangiti sa sinabi ni lolo alam ni lolo ang lahat saakin.





Mula sa pinasok ko ang mundo ng Basketball para sundan si Rukawa at mapansin nya.





"Tara na?" Nag angat ako ng tingin sa nagsalita nakita ko si Rukawa na ito tumayo na ako at nagpaalam na kami kay lolo.





Habang naglalakad kami ay walang nagsasalita saamin ako nakayuko lang





"Malayo pa yun, gusto mo sumakay sa bike?" Tanong nya saakin tumingin naman ako sakanya ngayon ko lang napansin may hawak syang bike sa isang gilid nya





"Kaya mo ba ako iangkas?" Tanong ko sakanya





"Walang backsit" sumakay sya ng bike at hinila ako paupo sa harapan napatingin sya sa hita ko at hinubad ang suot nyang uniform at tinakpan ang hita ko at nagpidal





Namumula ako nakakulong ako sa kanyang bisig at yung uniform nya hawak ko nakasuot nalang sya ngayon ng white tshirt





Hanggang sa nakarating kami sa Court inalalayan nya ako makababa at kinuha nya ang bag ko para itabi,





"May dala kang bola?" Tanong ko sakanya tumango naman sya at nilabas ang bola sa kanyang bag at naglakad palapit sa ring





"Kaya mo ba magthree point shoot?" Lumingon sya saakin agad akong umiling





Hindi ako marunong ng three point shoot, puro lay up nakakagawa ko puro rin guard ang naaassign saakin pero masasabi kong magaling ako kumuha ng rebound





"Yun ang ituturo ko sayo tara dito" lumapit ako sakanya at puwesto sya sa likod ko at inangat ang kanang kamay ko pinahawak saakin ang bola hawak nya ang palad ko may hawak ng bola





"Ganyan ang paghawak ng bola, kailangan mo ibuwelo ang braso mo at kamay siguraduhin mo din papasok itry mo" puwesto ako at tumalon at ginawa ang sinabi nya sa unang subok ay pumasok ang bola





"Magaling, nakukuha mo agad ang sinabi ko isa pa" nakailang try ako hanggang nasanay na ako tuwang tuwa ako dahil dati ko pa tinatry pero palpak hindi naman ako maturuan ni lolo dahil busy sya





"Nakuha ko na din yes!" Natutuwang sabi ko at lumingon kay Rukawa na diretso nanamang nakatingin saakin parang kanina nya pa tinitingnan ang pagsasaya ko





Lumapit sya saakin at kinuha ang bola at pinaikot gamit ang daliri nya nakatingin lamang ako don ng bigla nyang ilipat sa kabila hindi ko din inaasahan lalapat ang labi nya saakin, nanlaki ang mata ko at nararamdaman ko hinahalikan nya parin ako ng humiwalay sya saakin diretso syang nakatingin sa mata ko at dinidriblle ang bola at tumakbo para magshoot ako naiwan nakatunganga





Segway kiss?First kiss ko.



Bakit nya ako hinalikan?






Napatingin ako sakanya at ayun nanaman ang tingin nya tumatagos maski sa kaluluwa ko lumapit sya saakin at hinaplos pa ang pang ibabang labi ko





"Tara practice na tayo"

ALL ABOUT HIM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon