°Third Person Pov°
"Are you still sleeping?"
"She's so beautiful."
Sumisilip ang sinag ng haring araw sa maaliwalas na kwarto ng mag-asawa. Malayang ang pagpasok ng sariwang hangin mula sa hardin. Maririnig na rin ang mga huni ng ibon na masayang lumilipad sa himpapawid kasama ng ilang mga tuyong dahon dahil sa pag-ihip ng preskong hangin sa labas.
"Pag-gising po ba ni baby, susunod tayo kay mommy sa restaurant?"
Inayos ng batang lalaki ang kumot ng isang batang babae na mahimbing na natutulog. Umayos ng upo si Lucien at kinarga ang apat na taong gulang na batang lalaki. Maingat sa pagkilos si Lucien upang hindi magising sa pagkakatulog ang munti nilang prinsesa.
"We can't go there. Sinabi ni mommy na tuwing weekends lang tayo pupunta roon. Kailangan nating bantayan ang si baby dito sa bahay." Paliwanag ni Lucien sa kanyang anak.
"But I want to play. Lagi nalang si Baby Zyrine ang binabantayan mo." Bahagyang natawa si Lucien dahil sa pagtatampo ng kanyang panganay na anak.
"You are a big boy na diba? Kuya Rheinlander should take care of baby Zyrine." Napayuko ang batang lalaki. Hinaplos ni Lucien ang pisngi ng kanyang anak at hinarap ito sa kanya.
"Mommy's birthday is today." Kaagad na napangiti si Rheinlander sa narinig mula sa kanyang ama.
"I know that! I already told her your plan, daddy! Pupunta tayo sa beach this weekend, hindi pwede ngayon kasi may trabaho pa si mommy." Tila nahulog sa sahig ang panga ni Lucien sa narinig mula sa kanyang anak.
Paano niya nalaman?
"You know my plan?" Nagtatakang tanong nito.
"Narinig ko pong sinabi niyo." Agad namang tugon ng bata.
"Wala akong sinabi. It's a secret, because I want to surprise Mommy Zanchi." Hinawakan niya ang kanyang anak sa magkabilang balikat nito upang matitigan niya ito ng diretso sa kanyang mata.
Gustong kumpirmahin ni Lucien ang kanyang hinala, imposibleng malaman ng bata ang kung anong nasa isip nito, maliban nalang kung. . .
What is my favorite food?
Nanatiling nakatikom ang bibig ni Lucien at kahit gustuhing lumabas ng mga letra sa kanyang bibig upang bigkasin ang mga salita ay pinigilan niya ang kanyang sarili.
"Nilgang kamote na may konting manok."
Napalunok na lamang ng sariling laway si Lucien dahil sa narinig. Mukhang hindi na surprise ang mangyayari ngayon sa birthday ng kanyang asawa na si Zanchi.
My son can do mind reading.
***
Nakalatag sa sahig ang isang mat kung saan nakakalat ang mga laruan ni Rheinlander at ni Zyrine. Nasa gitna ang maliit na mesa at ilang gamit sa paggawa ng cookies para sa miryenda ng dalawang bata.
"I will teach you how to make soft cookies. Kailangan matuto ka para ikaw na ang magluluto sa susunod para kay baby Zyrine."
Hindi naman ito pinansin ni Rheinlander dahil abala siya sa pagbabantay kay Zyrine, nakaupo rin ito sa mat habang napapalibutan ng mga unan sa magkabilang gilid nito. Ilang beses na nitong inilalayo ang laruan na kotse na isinusubo nito sa kanyang bibig. Iniabot na lamang ni Rheinlander ang ilang stuffed toys sa kanyang kapatid.
BINABASA MO ANG
Warning: She is Mine. [COMPLETED]
VampireHe's covering up something, he is hiding things, but you don't know what it is and you have got no thought what it could. A knife? A bomb? A sword? A gun? Anything that will end your life. "No one else will know if I end up killing you." R18 | Nov...