EPILOGUE
Minsan akala natin na ang mga taong pinili natin ay siya na ang makakasama natin habang buhay. Ang mga taong pinili nating ipaglaban dahil sa mahal natin sila ay hindi rin magtatagal. Akala ko noon na kapag mahal mo ang isang tao, kahit ano’ng mangyari mananatili kayo hanggang dulo. Kahit na ano’ng higpit ng pagkakahawak ko sa kamay niya hindi ko inaasahan na bibitaw siya. Ang pag-ibig na ipinaglaban ko, isinuko na niya at kinalimutan ako.
“Bakit hindi mo ako hinintay, Raelle?”
Ang tanging tanong ko noon mula nang nalaman ko na siya ang kusang sumanib sa ama ko. Ang tanggapin ang isang bagay na ayaw ko; ang buhay bilang isang hindi ordinaryo. Nangako ako sa sarili ko na pagkatapos ko siyang iligtas ay mamumuhay kami nang normal; normal bilang isang tao; malayo sa totoong ako upang makalayo sa gulo.
“Minahal mo ba ako dahil alam mong mahal kita?”
Hindi ako nag-alinlangan noong sabihin mong mahal mo ako. Ang tanging alam ko ay minahal kita dahil ikaw lang ang tanging tinanggap ako sa kabila ng katangian ko. Marahil mahal nga natin ang isa’t isa, pero sinabi lang pala natin iyon.
Ang pagmamahal natin sa isa’t isa ay siya ring nagpahiwalay sa ating dalawa. Sa sobrang pagmamahal ay nabulag na tayo at hindi na nakita pa ang dating tayo. Kung hindi dahil sa pagmamahal ko sa 'yo hindi ka makukulong sa kaharian, at ang tanging kasama lamang ay kadiliman. Kung hindi dahil sa akin marahil nasa mabuting kalagayan ka ngayon at namumuhay nang normal.
Kasalanan ko kung bakit ka nag-iba; kasalanan ko kung bakit wala ka na ngayon sa tabi ko.
Gusto kong malaman mo na hindi ako tumigil sa paggawa ng paraan upang iligtas ka, ngunit sa kabila ng mga oras na nag-iisip ako kung paano kita maililigtas sa kamay ng aking ama ay siyang paggawa mo sa isang bagay na hindi ko kayang matanggap.
Tinanggap mo ang itim na kapangyarihan para iligtas ako at doon ka nagkamali. Ang kapangyarihan na hawak mo ay siyang kikitil sa buhay mo. Gusto ko man na kausapin ka kung bakit mo ginawa ang bagay na iyon, pero hindi ko na nagawa. Bakas na bakas sa mukha mo kung gaano ka binago ng itim na kapangyarihan na ngayon ay bumabalot sa iyo. Unti-unting nawawala lahat ng mga bagay na minahal ko sa iyo, ikaw mismo.
“Pilit kong iniintindi ang lahat. Nagawa mo iyon dahil gusto mo rin akong iligtas at makasama akong muli?”
Sinusubukan kong kausapin ka. Noong gabing nagpunta ako sa kaharian ng amang hari, ngunit hindi ko mahanap ang Raelle, ang babaeng ipinaglaban ko noon. Nagawa mong pumatay para sa akin; pumatay ng mga inosenteng tao para sa akin. Hindi na kita makilala. Hindi na ikaw si Raelle na mahal ko.
Month later.
I was blinded by the sunlight outside the window. I lifted my left hand to cover my eyes. Tila nawawalan ako ng paningin sa sobrang liwanag. Madalas kong maramdaman ang pagkawala ng aking paningin kapag nasa maliwanag ako kung kaya’t pinipili kong manatili sa loob ng bahay. Gusto ko man na makatulong sa kaniya, pero ipinapaalala niya na kailangan ko munang magpagaling.
Noon, maayos lang sa akin kung magkasugat ako dahil alam kong gagaling din kaagad ito dahil nga hindi ako ordinaryong nilalang, ngunit sa mga nangyari na insidente, tila nagbago na ang lahat. Nagpapasalamat ako dahil sa kabila ng lahat ay nasa tabi ko pa rin siya.
Ngayong araw ay naghanda ng mga pagkain si Zanchi at Aliyah. Na-discharge na si Ruce at maging ang magulang ni Zanchi mula sa hospital; hinihintay na namin silang dumating. Si Niall at Frank ang nagsundo sa kanila. Laking pasasalamat namin at nakaligtas siya. Katulad ng mga magulang ni Zanchi, ay nasa mabuting kalagayan na ang mga it
Ang gabing iyon ay hindi ko na gustong mangyari pa. Nakaplano na ang lahat pero hindi namin inaasahan ang pag-atake na inihanda ni Raelle. Gamit ang kapangyarihan nito ay nagawa niyang ipasok kami sa isang ilusyon. May mga katulad naming nilalang ang sumapi sa kaniyang misyon kung kaya’t nagulat kami sa aksyon nila. Nakausap na ni Aliyah si Siwon, at gamit ang kakayahan nito bilang kasama ito sa militar, nakakuha kami ng kasama na may mga armas at kagamitan para sa laban.
Hindi naging madali ang lahat. Napuruhan si Ruce. Naiwan na mag-isa si Zanchi. Pilit kaming kumakawala sa ilusyon kung saan kami nakakulong na magkakaibigan. Tila makakapal na ulap na kulay itim ang tanging nakikita namin. Hanggang sa hindi ko inaasahan na makikita kong muli si Raelle.
Walang pagdadalawang-isip akong kumilos, nilapitan siya at tinapos ang lahat. At naramdaman ko na lang ang mabigat na pakiramdam na bumalot sa akin. Hindi ko lubos maisip na sa sarili kong kamay mamamatay ang taong minsan kong minahal.
--
Hindi ko alam kung kailan malalaman kung para sa isa’t isa ang dalawang tao. Wala akong ideya kung paano malalaman kung siya na ang taong nakatakda para sa iyo. Akala ko basta mahal mo, siya na. Hindi lang pala dapat pagmamahal ang paiiralin sa pagitan niyong dalawa.
I just realized that when I met her, inaamin ko noon na ginamit ko lang siya para maging pain ko sa magulang ko para mapakawalan si Raelle. Sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. The more I protect her, hindi ko na naprotektahan ang sarili ko na mahulog sa katulad niya. Kahit ilang beses ko na iparamdam na hindi ko dapat pansinin siya, natatalo pa rin ako ng emosyon ko sa loob ng sistema ko. Nagising na lang ako isang araw na higit pa sa pagprotekta ko sa kaniya ang gusto kong gawin sa katulad niya. Ang takot sa mga mata niya ang nagbukas sa kamalayan ko na hindi ko siya gustong saktan.
“Saan ba ako haharap?” tanong ko kay Zanchi.
Abala ito sa aking tabi, may hawak itong touch screen na cellphone at nakalagay sa isang tripod. Nakalapag ito sa maliit na mesa rito sa kaniyang sala. Madalas niya itong gawin, nahihiya naman akong tanungin syia baka sabihin niya ang kulit ko. Sadyang inosente lang talaga ako.
“I’m documenting. Parang vlog, mga tipong gano’n. I want to record this day at kahit na ano’ng araw pa, hangga’t kasama kita,” paliwanag niya at hinarap ako.
Ang aliwalas ng mukha niya. Nagpapasalamat ako at naging maayos na ang lahat. Sana magtagal ang ganitong pakiramdam. Walang iniisip na iba, basta masaya lang.
“I knew that this life we’re living is not normal at all, but then again, I’m grateful na kasama kita; ang mga kaibigan mo at kaibigan ko. Alam ko na mahirap tanggapin ang lahat ng nangyari. Ang nais kong malaman mo ay mananatiling nandito ako, Lucien. Pangako 'yan.”
Marahan kong hinaplos ang pisngi niya na tuluyan nang binabasa ng nakapapaso niyang luha na kumawala kaagad sa pares ng kaniyang mata.
“Kainis! Dapat happy lang tayo rito! Bakit ba ang emotional ko—” I stopped her from talking by kissing her forehead.
“I love you.”
Napangiti siya at gumanti rin ng halik sa aking noo. “I knew that you already have an idea that our different world are connected now. All I can do now is to fight for you even if it would take my own life.”
Napalingon ako sa camera ng cellphone na naka-set sa harapan namin. “Naka-record na ba 'yan?” tanong ko, kaaagad naman siyang tumango bilang tugon.
“I’m Lucien, warning you all. Don’t cross the line between Zanchi and me.
You’ve been warned
she's mine.”
#
He's Day6 Leader. Park Sungjin.
Thank you guys for reading po!
I'll will do revision with this story,soon.Alam ko maraming grammatical errors and placing of comma and such. And I'm sorry with that.
But then again thank you parin! Parang kailan lang nang makakita ako ng talahiban papuntang university ahha. Doon nagsimula lahat. At kita mo naman ngayon nasa epilogue na. *Stop the drama* tsar.
Keep fighting po! Stay safe always. God bless < 3
BINABASA MO ANG
Warning: She is Mine. [COMPLETED]
VampireHe's covering up something, he is hiding things, but you don't know what it is and you have got no thought what it could. A knife? A bomb? A sword? A gun? Anything that will end your life. "No one else will know if I end up killing you." R18 | Nov...