Chapter 36
Third Person’s POV
Natuloy ang plano ng angkan na sakupin ang lugar na hinahawakan ng ama ng dalaga, ngunit kalahati lamang ng populasyon ang nasakop nila. Gamit ang mga makabagong teknolohiya na mga kagamitan na ginamit ng mga tao at sundalo para sa kaligtasan nila, ay nahirapan silang ipagpatuloy pa ang pagsakop upang lumaking muli ang kanilang angkan.
Pumasok bilang tagabantay ang magkakaibigan. Ang mapalapit sa dalaga ay kusang loob nilang ginawa upang maprotektahan ito sa kanilang mga kauri; mga bampira at aswang.
Hindi lingid sa kanilang kaalaman ang mga nasa isipan ng kanilang mga bagong kasamahan, kung kaya’t kailangan nilang bantayan ang dalaga. Walang ideya si Zanchi rito dahil ayaw nilang ipaalam na ang inaakala nitong balik normal na ang buhay nito. Nakapaligid ang mga hindi ordinaryong nilalang sa lugar nito.
Madaling nabura ni Frank sa isipan ang naging tagpo nila sa pamilya ng Yco; ang kauna-unahang gabi na nagtungo sila noon upang ipaalam ang kalagayan ng anak nila na si Zanchi. Suhestiyon iyon ni Niall na burahin ang memorya nila upang hindi maghinala ang mga magulang na sila ang tatlong nakipag-argumento noon tungkol sa planong pagbabalik muli ng kanilang anak sa kanilang mga kamay.
Maayos na ang lahat tungkol sa plano nila, ngunit may isang parte na hindi nila maunawaan.
Ang kondisyon na inilahad ni Aliyah na hindi nila makuha ang punto at hindi maintindihan.
Zanchi’s POV
Gabi na at tahimik ang buong kapaligiran. Hindi mahanap kung saan matatagpuan ang liwanag upang makita ang sagot sa mga katanungan na pilit sumisiksik sa aking isipan.
“Bakit mo ako nilalayuan?” ang maikling tanong sa akin ni Lucien, na hanggang ngayon ay hindi ko masagot-sagot man lang.
Kaagad akong umalis sa kinakatayuan nila at nagtungo sa aking kuwarto sa itaas. Hindi ko napansin na sumunod sa akin si Aliyah.
“Pasensya na. Hindi ko intensyon na isama siya rito, pero ang kulit kasi ni Lucien.”
“Naalog ba utak niya para hindi maintindihan na kailangan naming maghiwalay?” mahinang tanong ko.
Napahilamos ako ng mukha sa pagka-inis. Naghahalo ang emosyon sa aking sistema. Nang nakita ko siya, hindi ko maipaliwanag ngunit ang saya sa aking puso ay hindi ko mapigilan. May parte sa utak ko na sinasabi na dapat ko siyang layuan para sa kaniyang kapakanan, ngunit nang nakita ko ang pares ng mata niya, nakalimutan ko ang kondisyon na ako mismo ang nagsabi.
“Hindi naman kasi madali 'yang pabor mo. Mahal ka ng tao kaya—”
“Mahal ko rin siya, pero ayaw kong masayang ang buhay niya nang dahil sa akin. Gusto ko pa siyang mabuhay nang matagal.”
Gusto kong kalimutan na ako ni Lucien. Ayaw ko nang gumawa ng kilos para mapalapit kami sa isa’t isa. Hindi ko ilalapit ang sarili ko para hindi na siya masaktan; tatanggapin ko na ako na lang ang magdusa. Iyon lamang ang naisip ko para hindi na manggulo pa si Raelle sa buhay ko.
“Natatakot ka ba?’’ Napalingon ako kay Aliyah. Hinawi niya ang ilang hibla ng aking buhok na siyang tumakip nang bahagya sa aking mukha.
“Naniniwala ka na sa akin? Nandito si Raelle. Nakita ko na naman siya kagabi. Pinagbantaan na niya muli ako na kapag lumapit akong muli kay Lucien—hindi ko na alam ang gagawin ko, ang tanging paraan lang ay ang layuan ko siya.”
“Sige, susuportahan kita pero dapat may gawin tayo. Do you trust me?” Napakunot ang aking noo sa narinig kong sinabi niya. Napahinga na lamang ako nang malalim at marahang tumango dahil alam kong siya lang ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat.
BINABASA MO ANG
Warning: She is Mine. [COMPLETED]
VampireHe's covering up something, he is hiding things, but you don't know what it is and you have got no thought what it could. A knife? A bomb? A sword? A gun? Anything that will end your life. "No one else will know if I end up killing you." R18 | Nov...