Warning: 25

1.6K 46 4
                                    

Chapter 25

Zanchi's POV

Nakatatawa, gusto kong mahiga sa sobrang tawa ko at may paghawak pa sa tiyan. Iyong tipong may paghampas-hampas pa sa ere. Nagpapatawa ba siya?

Sa tingin ko seryoso naman siya e. Seryoso pa sa salitang seryoso, pero sasabihin niya sa akin na gusto niya ako? Matapos niyang sabihin na may maitim siyang plano sa akin?

Gusto ko mang kiligin e hindi ko magawa!

Goosebumps! Gusto niya ako? Ano, lapain!? Wakwakan ang katawan!? Higupin ang dugo at kainin ang laman!?

Joker ka pala, Lucien! Ang dami kong tawa! Psh!

Don't me. Okay!?

Isang ordinaryo at normal na pamilihan. Katulad ng kung ano'ng mayroon sa palengke at hitsura nito. May mga establishments, stalls, at sidewalk vendors. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Na-miss ko tuloy si Aliyah, siya ang unang tao na nagdala sa akin sa wet market noon.

Kumusta na kaya siya?

Hinahanap niya rin ba ako? Sana nasa maayos talaga siya. Strong iyon kaya may tiwala akong nasa maayos siyang kalagayan.

Nasa may gilid ako ng convenience store. Kailangan pa kasing ipabantay ni Lucien iyong kabayo sa kakilala niya rito, kaya tamang hintay lang sa kaniya rito sa may gilid. Saan kaya may telephone rito? Kung may pera lang ako bibili ako ng cellphone at nang matawagan ko ang mga pulis, at siyempre si Aliyah-okay, sina papa at mama.

Gusto kong makatakas bago pa gawin ni Lucien ang balak niya. Sabihin man niya na wala akong utang na loob, pero kung buhay ko ang kapalit-hays! Hindi ko alam, sobrang stress na ako rito.

May humawak sa kanang palad ko at in-intertwined ang mga daliri namin. Nagsisimula na namang kumalabog ang puso ko. Magkakaroon pa yata ako ng heart attack dito.

"Maraming tao, baka mawala ka," sabi niya at inilapit ako sa katawan niya. Gusto ko man na magtiwala sa kaniya, pero may kaakibat itong ibang kahulugan.

Baka mawala ka at hindi kita mapakinabangan, iyan ang dating sa isip ko. Double meaning ba, kahit na sa totoo ay wala naman at talagang concern lang siya. Iba talaga ang meaning para sa akin.

--

Inabutan ako ng pagkain ni Niall. Tumabi kaagad si Ruce sa akin kaya sinamahan siya ng tingin ni Lucien nang pasimple. Nahuli ko naman ang pagkakadugtong ng magkabilang kilay niya, aba! Attitude nga! Anyway, nasa tapat ko naman si Niall na siyang katabi ni Lucien.

"Ano pang gusto mo? O-order ako," tanong ni Niall.

"Fried chicken?" kaagad kong sagot. Natigilan ako at sabay pa kaming napalingon ni Niall kay Lucien nang malakas nitong tawagin ang waitress.

"May fried chicken na kayo? O kaya ihanda niyo lahat ng nasa menu." May kinuha itong wallet sa pantalon nito at naglabas ng malulutong na dalawang libo.

Ang moody nito. Kinakabahan pa rin ako kapag nagbabasa siya ng mga kung ano'ng nasa isip ko.

Inabutan ko kaagad ng tubig si Ruce na nasa gilid ko dahil sa inasta ng kaibigan nila. Tanging pancit canton lang kasi ang in-order namin kanina.

"Sabi ko sa 'yo may lagnat 'yan e," bulong ko kay Ruce.

Napaayos ako ng upo naang magsalita si Lucien, "May sinsabi ka, babae? Lakasan mo, hindi ko marinig." Seryoso siyang nakatingin sa akin.

Warning: She is Mine. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon