Chapter 35
Zanchi’s POV
Marahan niya akong itinayo. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko dahil hindi ko alam kung ano’ng gagawin kong kilos ngayon.
“Kanina ka pa hinihintay sa may baba for breakfast. Pinuntahan na kita rito kaya....”
“Is this real?” tanong ko, nahuli ko siyang ngumiti nang bahagya.
“Well, promise is a promise.”
Napakapit ako sa braso niya dahil hindi ako makapaniwala. Alam kong may tiwala ako sa kaniya, pero hindi pa kayang tanggapin ito ng isip ko.
Nasaksihan ko kung paano bumaon ang manipis pero matulis na salamin sa kaniyang tyan, at ang pagkalat ng mapula at malapot na dugo sa kaniyang katawan hanggang sa lumuwa na rin ang sariling dugo niya sa kaniyang bibig.
Wala akong ideya sa mga nangyari sa kanila. Kahit si Aliyah ay hindi nagkukwento sa akin. Kaya laking gulat ko na lang na nakita si Lucien noong nakaraan. Inisip ko na lang na mas maganda kung ako mismo ang makakita sa kanila sa personal, maliban na lang kay Raelle.
“I want to explain everything to you, kaso naisip kong sa susunod na araw na lang. I know you want time for your family ngayon na nasa tabi mo na sila. Busy ka rin naman kasi kagabi for your dad’s birthday kaya ayaw kong dumagdag,” explain niya.
Bumaba na kami sa may dining area. Nakita ko sina mama at papa na nakaupo na at hindi pa rin kumakain, mukhang hinintay talaga nila ako.
“Mukhang napagod ang aking anak? Kumusta ang tulog mo?” sunod-sunod na tanong ni mama. Niyakap niya ako at inayos ang buhok ko kahit na nagsuklay naman na ako.
“Good morning anak ko!” bati naman ni papa at niyakap din ako. Nginitian ko lamamg sila at naupo na. “Hindi ko nga pala nasabi na may bago kang personal bodyguard, pasensya na.”
“Ayos lang, 'Pa, salamat.”
“Sa tingin ko nakapagpakilala ka na sa anak ko?” tanong ni mama sa katabi ko. Nakatayo ito sa gilid ko, mukha nga siyang bodyguard dahil sa black formal suit at puting long sleeve sa panloob naman. Though, sanay naman akong may nakabantay sa akin kung saan man ako magpunta noon, pero iba na ngayon; ibang nilalang ang nagbabantay sa akin.
“Ah. Opo, ma'am,” kaagad naman niyang sagot.
“Nga pala, hindi pa ba darating ang dalawang kasama mo? Akala ko magsisimula na silang magtrabaho ngayon?” Napakunot ako ng noo sa narinig kong pagtatanong ni papa.
“Sila Ruce at Frank po? Nag-text na po sila sa akin kahapon. Nasa biyahe pa po sila galing probinsya, baka po mamayang hapon ay nandito na sila.”
Lalong lumakas ang pagkalabog ng puso ko sa narinig. Napakapit ako sa babasaging baso na nasa tapat ko. Gusto kong uminom dahil sa panunuyo ng aking lalamunan sa mga nalaman.
“Mabuti naman kung gano’n, Niall. Siguraduhin ninyong magagampanan ninyo ang pagbabantay sa aking prinsesa.”
Napalingon ako sa aking gilid at tumingala upang tagpuin ang pares ng mata ni Niall. Hindi ako nabigo dahil nagtama ang paningin namin at nakangiti pa siya sa akin.
--
Nakatingin lamang ako sa damuhan sa aming harapan. Hinahayaan kong yakapin ako ng preskong hangin, at mainitan ang aking balat mula sa sinag ng araw ngayon sa aming hardin sa harapan ng aming tirahan.
“Sa galit at pagkamuhi niya, hindi niya napigilan at tuluyan na siyang nilamon ng kadiliman. Nakalulungkot lang sabihin na dahil sa kaniyang kakayahan at matinding poot ay nagawa niyang saktan lahat ng nasa palasyo. Ayaw kong ipaalam ito sa 'yo dahil alam kong gusto mo nang makalimutan ang lahat. Wala na ang ama at ina ni Lucien, maging ang buong kaharian ay naglaho na sa kadiliman. Ginawa ni Lucien ang lahat upang pigilan niya si Raelle, ngunit maging siya ay hindi nakalampas sa kalupitan ng dating kasintahan. Napuruhan ang kaliwang mata ni Lucien. Muntik na siyang mabulag kung hindi namin kaagad naagapan ang malalim na sugat nito. Ang alam namin ay patay na si Raelle. Matapos ng away nila ay bigla na lamang itong naglaho at hindi mahanap sa dilim. Maraming taon na ang lumipas, ngunit wala na kaming nakita at nakuhang balita tungkol sa babaeng iyon kaya ang alam namin ay tuluyan na siyang namatay.”
“Kung patay na siya. Bakit ko...” naguguluhan kong sabi sa aking sarili matapos kong marinig ang paliwanag ni Niall.
“May problema ba?” kaagad na tanong ni Niall sa akin. Nilingon ko siya at bakas na bakas ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.
“Ayos lang. Ang mahalaga nandito na kayo sa tabi ko. May tiwala ako, at alam kong hindi ninyo ako pababayaan,” nasabi ko at muling tumingin sa malawak na hardin sa tapat namin.
“Magiging maayos na ang lahat. Teka nga muna...hindi ko maintindihan ang kondisyon na nabanggit sa akin ni Aliyah noong nakaraan.”
“Aling kondisyon?” kaagad kong tanong.
“Ang kondisyon tungkol sa inyong dalawa ni Lucien?”
Muntik na akong kapusin ng hininga sa pagkakasubsob ng aking mukha sa dibdib ni Ruce. Nakarating na sila sa bahay namin ngayong hapon. Hindi nito mapigilan ang kaniyang emosyon kaya walang sabi niya akong ikinulong sa kaniyang mainit na bisig. Gusto mang awatin ni Niall ang kaibigan ay hinayaan naman niya ito. Si Frank naman ay seryoso kung makatingin sa akin, ngunit ang mga mata nito ay nagsasabi na masaya pa rin ito sa pagtatagpo naming muling magkakaibigan.
“Akala ko hindi na kita makikita—” Napahinto sa pagdadrama si Ruce nang sikuhin siya ni Niall.
“Ang nega mo! Umayos ka baka magtaka ang mga tao rito. Hindi pa tayo nakapagtatrabaho ay sibak na kaagad tayo,” nag-aalala naman na sabad ni Frank.
Kaagad kong napansin ang kanilang kasuotan. Kung hindi ko lang sila kilala aakalain kong mula sila sa Korea dahil sa pormahan nila.
“Masaya rin akong makita kayong muli,” nakangiti kong sabi sa kanilang tatlo. Kung wala lang kami rito sa bahay nila papa ay niyakap ko na sila isa-isa.
“Alam niyo...nakasasakit kayo ng damdamin.” Narinig ko ang isang boses ng lalaki.
Nagtataka akong lumingon sa pinanggalingan nito upang tagpuin kung kanino galing iyon.
Napahawak ako sa aking dibdib upang pakalmahin ang aking puso dahil nag-uumpisa na naman itong tumibok nang hindi normal. Hindi ko mapigilan ang kagustuhan nitong kumawala sa aking dibdib.
“Lucien.”*
35*
Lucien on your screen : ) siya po ang sinasabihan na baliw daw?!! beri wrong guysiee ahah. Cute cute kaya!
Sungjin of Day6 everyone!
Thank you for reading! :>
BINABASA MO ANG
Warning: She is Mine. [COMPLETED]
VampireHe's covering up something, he is hiding things, but you don't know what it is and you have got no thought what it could. A knife? A bomb? A sword? A gun? Anything that will end your life. "No one else will know if I end up killing you." R18 | Nov...