CHAPTER 8
Third Person's POV
Sa dulo ng bangin sila ay magkatabing nakaupo. Pinagmamasdan ni Lucien ang pagsikat ng haring araw; ang liwanag ng sinag nito ay nagbibigay ng kulay sa buong karagatan. Ang maninipis na ulap sa ibaiba nito kasabay ng paglipad ng mga ibon sa himpapawid, ay tila nagpaparating ng bagong pag-asa sa lahat. Bumalot ang sariwang hangin sa mga katawan nila. Napatingin si Lucien kay Raelle na mahimbing na natutulog sa balikat niya. Nakasandal ito kung kaya't maingat sa pagkilos si Lucien upang hindi ito magising.
Pumasok sa isip niya ang mga bagay na haharapin niya ngayong may kinakasama siyang tao. Isang paglabag ito sa kanilang pamilya, ngunit kailan ba natin kayang pigilan ang ating nararamdaman?
Isa sa nasyon niya na kapag mahal mo ay kaya mo siyang ipaglaban, magkamatayan man.
"Ipaglalaban kita, Raelle. Maniwala ka lang sa akin at ibibigay ko ang lahat ng akin para sa 'yo," mahinang sabi niya at humalik nang marahan sa noo ng dalaga.
Isang estudyante pa lang sa kolehiyo si Lucien nang nakilala niya si Raelle na isang estudyante rin sa pinapasukan na unibersidad. Dahil sa kagustuhan na mapalapit sa dalaga ay hindi na nagdalawang isip ang binata na ligawan ito at hindi naman tumanggi si Raelle sa tinuran ng bintana.
Sino ba naman ang tatanggi sa katulad ni Lucien ? Ika nga nila "boyfriend material" ang binata na si Lucien.
Maingat si Lucien sa pagkatao niya. Hindi niya gusto na may makaalam ng sikreto niya na siyang ikinakatakot niya, na kapag nalaman ng kasintahan ay hiwalayan siya nito.
May isang araw na hindi nakapagpigil si Lucien para ipakita ang hindi ordinaryong kakayahan niya. Na-hostage si Raelle habang nasa mall sila para samahan niyang mag-shopping. Nagpunta sandali si Lucien sa may restroom, pagkalipas nang ilang minuto ay may narinig siyang mga nagsisigawan at nakikitang nagkakagulo.
Sa bugso ng damdamin ay kaagad siyang kumilos, pagkilos na hindi kayang gawin ng isang normal na tao; ang kilos niyang hindi mahuhuli, mabilis pa sa kisapmata ang pag-atake niya sa mga armadong lalaki. Hindi na niya inisip na nasa harapan niya ang kasintahan, huli na para bawiin ang mga ginawa niya.
Ang pagpatak ng dugo mula sa mga palad niya ay hindi alintana. Ang mga lalaki na nanakit kay Raelle ay nakabulagta na sa sahig at walang buhay. Gumawa siya ng paraan para burahin ang mga alaala ng nangyari sa mga isip ng mga nakasaksi.
Sa mga oras na iyon ay tinanggap na ni Lucien ang kahihinatnan ng nangyari, ang pakikipaghiwalay ng dalaga sa kaniya, ngunit nagulat ito nang yumakap sa kaniya si Raelle at nagpasalamat. Sa kabila ng nakita sa nobyo na hindi siya ordinaryong tao, nagawa pa rin nito siyang yakapin ito nang mahigpit sa gitna ng maraming tao.
Dumating ang ika-dalawampu't isang kaarawan ni Lucien, masaya niyang ianunsyo sa buong kaharian na may kasintahan na siya.
Ito ang naging mitsa ng away ng buong pamilya at angkan nina Lucien. Isang paglabag sa kautusan nila ang ginawa ni Lucien na makipagrelasyon sa mababang uri: ang mga normal na tao.
Dahil sa galit ay naglayas si Lucien sa kaharian at nagpakalayo-layo kasama si Raelle, ang nag-iisang nakakaintindi sa kaniya at minamahal nang lubos.
Isang buwan ang lumipas na hindi inaasahan ni Lucien ang darating. Sa pag-aakala niya na magiging tahimik na ang buhay niya kasama ang kasintahan, ngunit nagkamali siya.
Hindi niya inisip na ang amang hari ang makakaharap niya at nawala sa dapat niyang paghandaan ang gagawing pagkilos ng kaniyang ama.
Pagkagising niya pagdating ng umaga ay halos nag-iba na ang bahay na tinitirahan nila ni Raelle, at sa pagkagulat ay wala sa tabi niya ang kasintahan. Mag-isa na lang siya sa kama. Hindi na nagsayang ng segundo si Lucien at lumabas na sa bahay na tila dinaanan ng matinding bagyo. Naiinis siya sa sarili dahil sa kapabayaan.
"Bitawan mo siya." Walang ibang emosyon ang naghahari ngayon sa kaniyang loob kung hindi ang galit.
Bakas na bakas ang pag-iiba ng kulay ng mata niya na nagiging dugo na; ang mga ugat niya sa kamay, leeg, at noo ay hindi na mapigilang bumakas sa manipis niyang balat.
"Patawad, kamahalan," sagot ng isang kawal. May malaking ibon itong katabi na kung saan nakatali ang kaniyang minamahal na kasintahan sa itaas na parte ng katawan nito.
"Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa 'yo kapag hindi mo ako sinunod!" sigaw niya, sumabay ang malakas ng hangin sa kaniyang pagsinghal, nangangahulugan na seryoso siya at handang pumatay ng kahit sino.
Unti-unting bumabalot ang dilim sa buong paligid. May pagkulog na naririnig sa hindi kalayuan at pagkidlat na siya na lamang nagbibigay ng liwanag sa kinaroroonan ni Lucien.
Hindi natinag si Lucien nang biglang yumanig ang lupang kinakatayuan nila, siya namang pagdating ng kaniyang ama sa harapan niya.
"Masyado kang nabulag ng tao na 'yan. Pati ang sarili mong pamilya ay tatalikuran mo!" sigaw sa kaniya ng amang hari.
Ang sigaw nito ay bumasag sa katahimikan ng lugar, paraan rin ito nito upang magising ang anak sa kahibangan na nakikipagrelasyon siya sa isang tao.
"Hayaan mo na lang ako aking ama, ibalik mo na siya sa 'kin," buong pagmamakaawa na sabi ni Lucien.
"Madali naman akong kausap aking anak, pero may kailangan kang gawin," seryosong sabi nito kay Lucien.
Ang paraan ng pagsasalita nito ay naghahatid ng kakaibang pakiramdam sa buong sistema niya, na kung saan ay tila lumulutang siya sa ere at hindi makakilos nang maayos.
"Kahit ano, basta makasama ko lang siya, ama. Mahal ko po si Raelle!" galit na tugon niya sa hari. Hindi na rin niya mapigilang umiyak sa sakit.
"Kahit ano? Gagawin mo kahit ano para sa tao na 'to?" Itinuro nito ang babaeng walang malay. Nakalutang na ito ngayon sa ere gamit ang itim na usok na bumabalot dito.
"Aking ama...pakawalan mo na siya!" Pumiyok pa siya sa pagsinghal sa ama, at halos lumuhod na si Lucien sa sobrang sakit na nararamdaman. Hindi niya kayang makita sa ganoong kalagayan ang kasintahan.
"Bumalik ka na sa kaharian natin, Lucien. Tanggapin mo ang itim na perlas, kailangan ko nang ipasa ang kapangyarihan ko sa 'yo. Ikaw na ang magiging bagong hari ng angkan nating mga aswang."
Isang taon na ang nakalilipas ay hindi pa rin maalis sa isip niya ang kasintahan. Masakit man na tanggapin ay pinili niyang tanggihan ang alok ng kaniyang ama.
Hindi niya gusto na maging aswang, ikinahihiya niya ito sa buong buhay niya mula pagkabata. Lahat ng nakakikita sa kaniya ay iniiwasan siya. Gusto man niyang mabuhay nang normal, ngunit nag-iinit ang katawan niya sa hindi malamang dahilan. Natatakot siya sa mga nakikitang ginagawa ng kaniyang mga magulang, ang pagpatay ng mga tao, at kahit na mga hayop para lang mapunan ang pagkauhaw sa dugo.
Pinilit niyang mabuhay nang normal, at nang dumating si Raelle sa kaniyang buhay ay tuluyan na niyang tinalikuran ang pagiging aswang niya. Gusto na lamang niyang maging normal na tao, ngunit hindi niya inaasahan ang desisyon ng kaniyang ama sa kaniya. Pinipilit niyang tanggapin ang itim na kapangyarihan nito at maging pinuno ng angkan nila.
Hanggang kailan niya matitiis ang kasintahan niyang nakakulong sa kamay ng kaniyang amang hari?
May iba pa bang paraan para mabawi ito? Ibang paraan na hindi niya kailangang tanggapin ang perlas at kapangyarihan?
Mayroon pa bang ibang dapat gawin?
O isasakripisyo na lang niya ang kaniyang buhay para sa kaniyang minamahal na tao?
*8*
Follow @SiriusLeeOrdinary
for Updates :>
Vote for this story :>
Comments nor Violent reaction :>
BINABASA MO ANG
Warning: She is Mine. [COMPLETED]
VampirosHe's covering up something, he is hiding things, but you don't know what it is and you have got no thought what it could. A knife? A bomb? A sword? A gun? Anything that will end your life. "No one else will know if I end up killing you." R18 | Nov...