Special Excerpt

857 31 10
                                    

*Special excerpt*

° Third Person Pov °

Abala ang bawat estudyante sa bawat classroom na madaraanan ni Liane. Napangiti nalang ito dahil mabilis siyang makakapunta sa destinasyon nito ngunit nagkakamali siya. Tumunog ang bell na nagsasabing break time na. Halos magdikit sa railings ang dalaga nang sabay-sabay na lumabas ang mga estudyante sa bawat kwarto.

Unti-unti na niyang nararamdaman ang malamig na butil ng pawis nito sa kanyang noo, pababa na ang ilan sa kanyang pisngi at dumaloy na sa kanyang leeg. Huminga ito ng malalim at pinigilan ang paghinga.

"Isa... dalawa...tat...takbo!!!" Halos liparin nito ang hallway para lang makaalis sa dagat ng estudyante na kung makaharang sa daan ay tila ba pag-aari nila ang buong lugar. Napakabagal din  nilang maglakad na tila may prosisyong nagaganap.

Nang makarating ito sa lugar kung saan magaganap ang personal nitong misyon, hindi ito makapaniwala na puno na ito ngayon ng mga tao. Napapadyak na lamang ito sa inis, kung hindi lang siya naabutan ng break time.

"Hindi pwede makita ng iba, pero saan ako pupunta nito?" Inilibot niya ang paningin at nakita niya ang isang pintuan. Walang isang segundo ay kumaripas na ang dalaga sa pagtakbo.

Nakahinga ito ng maluwag nang makita na walang tao sa loob ng restroom. Mabilis itong pumasok sa isang cubicle sa dulo. Naupo na ito sa trono matapos niyang linisin ang bowl gamit ang tissue. Nang nakaupo na ito ay inilabas niya ang alcohol para sa kamay.

"Kaasar! Bakit pa kasi ngayon pa nasira ang tyan ko! Ang sakit! Yawa!" Asik nito sa kanyang isipan.

Wala rin naman kasi siyang pagpipilian na kainin pa. Hirap din siya sa buhay at kailangan pa niyang makaipon para sa mga gamot na kailangan niyang bilhin para sa kanyang lolo ngayong buwan. Basta iniisip na lamang niya na may maipanlalaman siya sa kanyang tyan, hindi na bale kung panis na ito.

Ang problema, heto siya ngayon sa banyo, nag-aalburoto sa sakit ng tyan. Hindi nito mawari kung mawawalan ba siya ng ulirat sa pagkirot ng tyan nito.

Ilang minuto na ang lumipas ay nanatiling nakayuko si Liane at tahimik na nagdarasal na sana ay tumigil na ang pagsakit ng tyan nito. Muntik na itong mapatayo sa pagkakaupo dahil sa mga boses na narinig niya. Lalo siyang nakaramdam ng pandidilim ng paningin matapos niyang mapagtanto na sa mens cr siya pumasok!

"Huwag kang maingay! Baka nasa paligid lang yung bampira na 'yon! Balita pa na nasa school mismo natin nag-aaral. Nakakatakot na ngang lumabas tuwing gabi! Hindi makatao ang nangyari insidente sa kabilang barangay!"

"Hindi ba may mga dayo dito sa bayan natin? Usap-usapan rin na sinasakop nila tayo ng palihim." Dagdag pa ng lalaki.

Nakaramdam ng pangangatog ng binti ang dalaga sa narinig. Napahawak ito sa kanyang ulo nang may mga malalabong alaala ang pumasok sa kanyang isipan. Mapupulang mata, malalapot na dugo, matatalim na pangil, duguang mga palad ang mga imahe na pilit sumisiksik sa isip  ito.

Mabilis siyang kumilos at inayos ang sarili. Nahihirapan na rin siyang huminga sa loob ng  cubicle dahil may kasikipan rin ang loob ng banyo. Hindi nito sinasadyang mahulog ang lalagyan ng kanyang alcohol.

Kaagad itong lumuhod at kukunin sa sahig ang bote ng alcohol ngunit naunahan na ito ng isang lalaki.

"Teka nga muna. Bakit nasa mens cr ang isang babae!" Napasiksik sa gilid si Liane dahil sa malakas na paghampas sa pinto ng cubicle.

Kumukuha na lamang ng suporta ang dalaga sa pader dahil sa patuloy na paghilab ng kanyang tyan.

"Aba! Hindi ka sasagot!" Singhal ng lalaki na nasa labas. Isang malakas na pagsipa ang narinig ng dalaga. Hindi nito alam ang gagawin dahil sa oras na malaman nila na may babae sa loob ng men's cr ay mapaparusahan ito.

Warning: She is Mine. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon