Warning: 32

1.4K 50 8
                                    

Chapter 32


Zanchi’s POV


Na-inform ko na sila mama at papa na uuwi na ako, for good; hindi dahil sa kaarawan na rin ni papa kinabukasan. After five long years, hindi pa ba sila kombinsido na maayos na ako? Kahit hindi naman talaga?


Alam kong may galit sila sa akin, at bakit hindi?


Tinanggihan ko talaga ang  alok na kasal ni Siwon. Alam ko na malaki ang utang na loob ko sa kaniya, sa pagligtas niya sa akin, but it does not mean na papayag na akong matali sa kaniya.


E di sana nagpakain na lang ako sa mga aswang doon sa gubat. Mabuti na lang at dahil sa naging kondisyon ko ay ipinadala ako sa Canada. By that hindi ko masyadong naiisip si Siwon dahil malayo siya sa akin, at kahit na bumalik na ako sa Pilipinas—never mind.


I have my decision already. Ayaw kong maging kami ni Siwon, ayaw kong maikasal sa kaniya.


Anyway, hindi na maalis ang ngiti sa mukha ko. Nagmumukha na akong timang sa hitsura ko sa sobrang excited.


“Naku! Kung wala lang talagang bantay rito, tatakbo na ako riyan sa may hagdan malapit sa eroplano at ikukulong kita sa yakap ko!” kinikilig na sabi ni Aliyah sa kabilang linya nang tumawag ito sa akin.


“Kalma lang, Aliyah! Ito naman masyadong excited! Alam kong miss mo na ako,” sagot ko sa cellphone na hawak ko.


“Talaga!” Kaunti na lang ay lumabas siya sa screen ng cellphone ko.



--

Yumakap kaagad ang malamig na hangin sa aking katawan. Inilibot ko ang paningin ko at pinakiramdaman ang paligid.


Nandito na talaga ako. Nakauwi na ako. Makikita ko na ang mga taong naging parte ng buhay ko; ang mga taong mahal ko.


Ang ngiti na nakapinta sa aking labi ay unti-unting nabubura. Nahagip ng lente ng mata ko ang isang babae na nakatayo hindi kalayuan sa akin; sapat na para mamukhaan ko siya.


Nakatitig din ito sa akin nang seryoso kung kaya’t hindi ko mapigilan na mapakapit sa aking maleta upang kumuha ng lakas. Nagbalik na naman ang takot na naramdaman ko noong mga gabing halos patayin niya ako.


Nakasuot ito ng itim na damit. Mula sa panloob nitong t-shirt at leather jacket ay itim din; ang pantalon nitong hapit sa kaniyang binti, nakaitim din na sapatos ito. Nakalugay ang mahaba nitong buhok at may suot na itim na shades.


“Welcome back, Zanchi! Nice to see you alive and kicking, eh?” sabi niya.


Hindi ko man makita ang pagbuka ng kaniyang bibig upang magsalita, ngunit malinaw sa akin na naririnig ko ang binibitawan niyang salita.


“Naaalala mo pa ba ako? The last time we’ve met, halos tuluyan na kita”.


“So what now? Kayang-kaya ko nang gawin ang dati ko pa sanang ginawa sa inyong dalawa, ang mabura sa dilim. Don’t let that day come. Dahil alam kong hindi mo kakayanin na tuluyan siyang mawala sa 'yo. If you want Lucien live, then let go of him. Lalo mo lang siyang inilalapit sa kamatayan niya. So choose now, Zanchi. May second chance ka pero hindi mo deserve 'yon. Madali lang ang gagawin mo, let go of Lucien, tapos ang usapan. Dahil sa una pa lang ako ang una, at pangalawa ka lang. At kapag ipinilit mo 'yang kagustuhan mo na mahalin pa rin siya, hindi ako magdadalawang isip na ilibing ka sa kadiliman kasama si kamatayan.”


Napaka-imposible pero narinig ko lamang iyon sa aking isipan. Nag-wave pa ito ng kamay sa akin na parang sinasabi niya na nandito siya at kinukuha ang atensyon ko upang tumingin sa kinaroroonan niya.


“The game is not over, Zanchi,” rinig ko muling sabi nito. Nakita ko na nakangisi siya na nakatingin sa akin, ang dahilan upang matuyo ang lalamunan ko at siya namang panginginig ng magkabilang palad ko.


Akmang tatawagan ko sa aking cellphone si Aliyah nang biglang may yumakap sa akin.


“Best friend ko!” Sa sobrang pagkakayakap niya sa akin ay hindi ko namalayan na napasandal ako sa kaniya.


“Aray! Ang bigat mo! Zanchi!” reklamo niya at humiwalay sa yakap.


“P-Pasensya na,” nauutal kong sabi.


“Alam kong miss mo na ako! Huwag ka ngang umiyak d’yan!” nakangiti niyang sabi at pinunasan niya ang mainit kong luha gamit ang malambot niyang palad.


Ayaw ko man na lingunin ang direksyon kung saan ko nakita si Raelle, ay tiningnan ko pa rin itong muli, ngunit nakita ko na nakatalikod na ito at naglalakad palayo.


Totoo ngang nandito siya.


“Gusto mo bang umuwi na tayo sa bahay mo?” tanong ni Aliyah.

Nasa driver’s seat siya, habang ako naman ay nasa passenger’s seat.


“Parang gusto ko na munang pumunta sa mall. What do you think?” pag-iiba ko sa usapan.


“I think you need to rest muna hmm?” suhestiyon niya.


“Grabe ka naman! Limang taon na akong nakapahinga sa Canada,” explain ko.

“E di sorry! Hindi mo na ba ako mapapatawad n’yan?” tanong niya at nag-pout muli ng labi, parang bibi, aha.


Last year, sinabihan ko si Aliyah na bilhan niya ako ng bahay. Ang mga naipon kong allowance na ibinigay nina mama para sa studies ko ay inipon ko dahil tinutulungan naman na ako ni tita Lhen sa pag- aaral ko. Ngayon ay may sarili na akong bahay, hindi dahil ayaw ko ng makasama ang magulang ko—ang bahay na ito ang siyang magiging bahay namin ni…secret!


Pinipilit kong magmukhang maayos sa harapan ni Aliyah para hindi na siya mag-aalala. Tama lang na ako na lang itong masaktan sa naging encounter namin kanina ni Raelle sa may airport. Ayaw kong balewalain ang sinabi nitong pagbabanta dahil alam kong seryoso ito. May kapangyarihan ito, hindi katulad ko na ordinaryong tao lamang. Nasaksihan ko na kung gaano ito kalakas gamit ang kakayahan nito; kakayahan nitong manakit at makapatay.


Hindi ko alam ang gagawin. Gusto ko pang makasama si Lucien, ngunit ayaw ko siyang dalhin sa apoy na kung saan maaring maging dahilan para tuluyan siyang mawala sa akin.


--


Dala ko ang regalo na nabili ko para kay papa para sa kaarawan niya. Napahinto ako nang may dalawang lalaki ang nasa tapat ng bahay ko, tila may ginugulpi sila. Ang huli naman ay nakaluhod sa lupa.


What’s wrong with them?

At sa tapat ng bahay ko pa ah!?


Inihatid naman na ako ni Aliyah matapos naming mag-shopping for my papa’s birthday, pero hanggang sa gate na lang ako nitong subdivision at bumaba na. May emergency din kasi bigla. Ang sabi ko maayos lang naman, matagal na akong hindi nakapaglalakad nang malayo.


Small things e? Ilang kilometro nga ang nilakad ko noon sa may bukid?


Nilapitan ko iyong tatlo, kaagad naman napalingon ang dalawang nakatayo na tila naghahamon ng away.


“Excuse me?” tanong ko.


“Ay! Magandang hapon, ma’am!” bati ng isa, nginitian naman ako ng katabi niya.


“Ano’ng ginagawa niyo?”


“Naku, ma’am! Pasensya na po pero kasi ang kulit ng isang 'to!”  sabi ng unang bumati sa akin.


“Ano ba! Hindi ka na nahiya! Baliw ka!” singhal ng kasama nito sa lalaking nakaluhod.


Bigla na lamang akong nakaramdam ng pagkislot sa aking dibdib. Wala naman akong ginagawa pero pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko, naging mabilis ang pagtibok ng puso ko na hindi ko maintindihan. Imposibleng mangyari, pero  ang alam ko ay siya lamang ang naghahatid ng kaba sa puso ko.


“Ayaw po magtanda nito e! Napakakulit! Ilang beses na siyang nakatambay rito e wala namang tao sa bagong bahay na ito,” paliwanag ng lalaki.


Hinawakan ng dalawa ang magkabilang balikat ng nakaluhod na lalaki.


Mahaba ang buhok nito, halos takpan  na ang mata at mukha nito.


Hindi ba uso ang suklay? Kung Korean siya sana ay iisipin kong Oppa ang isang ‘to.


“Nakakainis ka ng baliw ka!” singhal muli ng kasama ng lalaki.



Pinipilit nilang patayuin iyong lalaki, pero hindi ito kumikilos.


Hanggang sa titigan ko siya, kahit nakayuko ito ay naramdaman kong pamilyar siya sa akin. Lumuhod ako at hinawakan ang baba nito at hinarap sa akin. Akmang ilalayo ako ng dalawa sa baliw na tinatawag nila pero napako ako sa aking puwesto. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng napakaraming yelo at malamig na tubig sa katawan.

This cannot be happened!

“Back off,” mariin at seryoso kong sabi sa dalawa.

“Pero, ma’am! Baliw 'yan! Huwag kayong lumapit sa kaniya!”

“If you try to lay your fingers on this man, you will regret it for a lifetime. I’m warning you …he is mine.”


*32*

I'm very sorry for the typos, grammatical errors! sorry ho talaga.

Follow for updates @SiriusLeeOrdinary

Let's be friends on Facebook guysieuu.

Fb: @Speaksirius Lee 💙

Warning: She is Mine. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon