Chapter 40
This love is difficult, but it's real.
Zanchi's POV
Wala na sa tamang pag-iisip ang aking sarili. Dahan-dahan kong pinagmamasdan ang tanawin na nasa harapan ko. Mga nilalang na hindi katulad ko, at hawak-hawak ang mahalagang tao sa buhay ko. Marahan kong iniangat sa ere ang malamig na baril na nasa aking kanang kamay. Sa tingin ko ay sapat na ang dalawang balang papakawalan ko para matapos na ang laban na ito. Mawawala na rin naman ang aking mga mahal sa buhay, at ang mga kaibigan ko na nananahimik lamang ay nadamay. Mabuti na kung tapusin ko na rin ang lahat ng ito.
Kung sa mga oras na ito ay hindi kita makasasama, at kung ipipilit ko ang kung ano'ng gusto ko, marahil gano'n din ang magiging resulta. Mawawala ako at matutupad ang hiling niya na mapasakamay ka niya, muli. Kayong muli simula noong una.
Paalam, Lucien. Mahal kita.
Itinutok ko sa aking sintido ang baril na hawak ko. Pumikit at inisip muli ang mukha ng aking mga mahal sa buhay bago ako mawala. Pigil hininga kong kinalabit ang baril, ngunit may humigit sa aking kanang kamay, dahilan upang pumutok sa kung saan ang bala at mabitawan ang baril ko pagkatapos.
Isang napakahigpit na pagyakap ang bumalot sa aking nanghihinang katawan. Hindi ko mapigilang hindi umiyak sa napakawalang kuwentang ikinilos ko. Ang tanging gusto ko lamang ay matapos na ang lahat ng gulong ito. Hindi ko inisip na may masasaktan ako pagkatapos kong gawin ang pagkitil sa sariling kong buhay.
"Siwon," nasabi ko sa gitna ng pag-iyak ko. Wala na akong lakas para ibalik ang yakap katulad ng pagbalot nito sa akin, katulad ng mga luha ko na hindi maawat sa pag-agos upang basain ang buong pisngi ko.
"We're here. Don't be scared."Naramdaman ko ang paghaplos niya nang marahan sa aking ulo upang pakalmahin ako. Nagpapasalamat ako na nasa tabi ko siya, pero hindi ko magawang masabi iyon dahil may isang imahe ang nabubuo sa aking isipan.
"Nasaan si L-Lucien?" Napalunok pa ako ng laway. Si Siwon ang nasa harap ko, pero si Lucien pa rin ang hinahanap ko. Humiwalay ako sa pagkakayakap niya at siya'y hinarap.
"Dealing with Raelle," Siwon said.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Hindi ko napansin ang malaking helicopter na naka-landing ilang metro malayo sa kinakatayuan namin ni Siwon. Napansin ko rin ang ilang dosenang mga sundalo na armado ng mga mahahabang baril at armas. Doon ko napansin na nakauniporme rin si Siwon na pang sundalo.
"Kailangan na nating umalis, Zanchi. Bilin sa akin nina Aliyah na ilayo ka rito upang-" Napatigil si Siwon sa pagsasalita.
May nakabibinging sigaw ang kumalat sa buong paligid dahilan upang mapalingon kaming dalawa sa kinaroroonan ni Raelle. Nakita ko kaagad si Lucien na nakayakap dito kahit na nababalutan ng itim na usok si Raelle. Kaagad na kumilos si Aliyah at Niall upang kuhanin sila mama at papa sa kamay ng mga aswang, habang abala naman sa pag-atake si Frank upang depensahan ang magkaibigan.
"Kailangan kong puntahan sina-"
"Dito ka lang, Zanchi." Mahigpit na hawak ni Siwon ang aking kamay.
Naiintindihan ko na dapat akong manatili sa kinatatayuan ko. Laban ng mga hindi ordinaryong nilalang iyon. Mas mapapahamak ako kung makikisali ako, pero hindi ko maiwasan isipin na dahil sa akin kung bakit sila nagkakasakitan.
Malakas na pagkulog, at gumuhit ang maliwanag na kidlat sa madilim na kalawakan. Naramdaman ko sa aking paanan ang pagbalot ng makapal at maitim na usok. Napatras kaming dalawa ni Siwon; napahawak ako sa kaniyang kamay, ngunit bigla na lamang siyang nawala sa paningin ko. Nakapagtataka kung bakit tila wala ako sa lugar kung saan napalilibutan ng mga gusali, kabahayan, at ng mga tao. Ang tanging nakikita ko ay makapal na ulap na kulay itim.
"Halika na, Zanchi. Ikaw na rin ang nagdesisyon na kitilin ang buhay mo at hayaan mong dinggin ko iyon."
"Baliw ka na, Raelle!"
"You made me to do this!" sigaw niya.
Sinusubukan ko na umatras, ngunit hindi ko man lang mapakiramdaman na kumikilos ako, tila walang hanggan ang inaapakan ko.
May makapal na usok na nakaporma sa malaking mga kamay at mabilis na lumapit sa akin. Walang sabing pumulupot ito sa aking leeg na tila gustong ihiwalay ito sa aking katawan. Tanging pagkidlat lamang ang nagsisilbing liwanag ngayon sa kinaroroonan naming dalawa. Unti-unting na akong kinakapos sa hangin na lalanghapin. Kahit ano'ng pagpupumiglas ko ay hindi ako makawala.
Napaupo ako sa dilim. Nagtataka akong napatingin kay Raelle na natigil sa pagsigaw kung gaano niya ako kinamumuhian. Napayuko siya at napahawak sa kaniyang dibdib, sa kaniyang puso. Tila may isang maliit na hiwa ang namuo roon, kulay pula ito; mahahalintulad sa apoy na may baga at unti-unting kumakalat at tinutunaw ang kaniyang dibdib. Naagaw rin ng aking paningin ang magkabilang kamay niya na tinununaw katulad ng nasa kaniyang dibdib, hanggang sa dahan-dahang nawawala ang mga itim na ulap na nakapalibot sa paligid ko. Nagbalik na sa normal ang lahat. Ang tanging nagpatigil sa aking paghinga ay ang dalawang nilalang na nasa aking harapan.
Lucien and Raelle.
May hawak na tila mahaba ngunit manipis na bagay na tila espada ang hawak-hawak ni Lucien; nakasaksak sa bandang dibdib ni Raelle kung nasaan ang puso nito. Magkaharapan silang dalawa. Bakas na bakas ang pagod at panghihina ni Lucien. Base sa kaniyang paghinga ay pilit niyang hinahabol ang hangin na lalanghapin, hanggang sa walang sabing hinugot iyon ni Lucien at siyang pagkaluhod ni Raelle sa kalsada habang pilit hinahawakan ang dibdib nito kung saan may malaking sugat na at tinutunaw ng mainit na baga.
Umihip ang malamig na hangin, tila isang natupok na papel na naging abo si Raelle at isinama ng hangin na dinala sa kadiliman.
Nangangatog ang aking magkabilang tuhod. Nahihirapan mang kumilos, ngunit pinilit ko pa rin na punasan ang magkabilang pisngi ko na binabasa pa rin ng mga mainit kong mga luha. Alam kong mahirap sa parte ni Lucien na ang babaeng ipinaglaban niya noon, ang sariling kamay niya rin pala ang maghahatid, tatapos, mawawala, at matutuluyang ikulong sa kadiliman kasama ang kamatayan.
"Zanchi," narinig kong sabi niya.
Bago pa ako mawalan ng balanse sa sobrang pagod na nararamdaman, ay mabilis siyang kumilos upang ako'y kaniyang mabalot sa kaniyang mainit na yakap. Naramdaman kong bahagya pa akong umaangat dahil sa higpit ng pagyakap niya sa aking katawan. Hindi ko na iniisip ang mga dugo, pawis, at alikabok na dumikit sa aming mga mukha at katawan.
"Stop crying. We reached the end, finally."
*40*
cttpicture.
Thank you for reading po!
Follow me @SiriusLeeOrdinary
BINABASA MO ANG
Warning: She is Mine. [COMPLETED]
VampireHe's covering up something, he is hiding things, but you don't know what it is and you have got no thought what it could. A knife? A bomb? A sword? A gun? Anything that will end your life. "No one else will know if I end up killing you." R18 | Nov...