Warning: Special Chapter

201 6 0
                                    

Warning She Is Mine

Another Special chapters for our celebration of having
1k Followers!

🖤Enjoy reading!🖤


WARNING:

Read at your own risk!


Zanchi Pov


Masyadong inagawa ng atensyon ko ang kabuuan ng bahay na pinuntahan namin ng lalaking tumulong sa akin sa may kalsada. Papasok palang kami sa gate ay nanlaki na ang mga mata ko sa sobrang pagkamangha. Madalas ko makita ang mga ganitong klase ng bahay sa mga napapanuod kong mga palabas na may mga hari at reyna ang namumuo sa malawak na kapatagan.

"Ginoo! Magandang gabi po." Magalang na pagbati na ginawa ng matandang babae na nagbukas ng pinto. Napakalaking pinto na mayroon sila at mahahalata na gawa sa mamahalin na gamit na kahoy, isama pa ang mga bawat detalye na nakapalibot sa buong pinto, kumikinang ito na parang gawa ito sa ginto.

"Manang, kailangan ko po ng mga gamot para sa sugat niya." Maingat akong inalalayan ng lalaki na may pag-aalinlangan.

Nang makapasok na kami sa loob ay namilog muli ang mata ko sa tumambad sa akin. Napakaluwag ng sala nila, kapansin-pansin ang kulay gatas nilang tiles. Kulay krema naman ang mga pader nila at may mataas na kisame kung saan mayroong nakasabit na malaking chandelier na puno ng ginto at diamante. Mayroong silang mahabang hagdan sa gitnang bahagi kung saan gawa muli sa ginto ang mga railings nito.

"Si manang na muna ang bahala sa paggamot sa sugat mo. Ikukuha muna kita ng damit na maisusuot." Inayos pa niya ang unan na nasa sofa kung saan niya ako pinaupo.

"Salamat nga pala. Anong pangalan mo." Napahinto siya sa pag-alis at nilingon niya ako.

"Asuncion Villareal. Pasensiya ka na kung hindi ako nakapagpakilala sa iyo at dinala kita rito sa bahay ko."

"Wala iyon. Thank you sa tulong mo. Zanchi Excelson nga pala." Inilahad ko ang palad ko sa tapat ko. Tiningnan niya ang palad ko at tumingin sa mga mata ko.

Inabot niya ang kamay ko at mabilis ding siyang bumitaw.

"Manang, maghanda po pala kayo ng hapunan. Salamat po." Muling tumingin sa akin si Asuncion at tinalikuran na niya kami.

"Salamat po, nanay." Ngumiti pa ako ng kaunti kahit na gusto kong sumigaw sa sobrang hapdi nang magsimula na siyang maglinis ng sugat ko.


Pesteng aswang kasi napakaepal! Paano ko naman ipapaliwanag ito sa mga nasa bahay?

Warning: She is Mine. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon