Warning: 5.1

4.7K 112 5
                                    

CHAPTER 5

Zanchi's POV

Pagod na pagod akong bumangon. Kaagad akong naramdaman ang pagkakatali ng kaliwang kamay ko. Hangang ngayon ay nakapiring ako. Salamat sa mga tilaok ng manok, siguro umaga na kaya sila kumakanta ngayon. Ngayon ko lang na-appreciate ang natural alarm ng mga tao; rich kid kasi ako, kaya ni isang hayop ay wala kami sa bahay. Wala kaming alaga dahil sa mga magulang ko na hindi ko mawari.

Nang minsan na magdala ako ng aso, pinagalitan ako. The other time isang pusa naman, sinermunan muli ako.

Balak ko sanang magdala ng Leon panama sa kanila, baka itakwil nila ako bilang anak nila kaya hindi bale na lang.  Joke 'yon. Lol.

Gumuhit kaagad ang hapdi at kirot sa buong katawan ko. Medyo nabawasan ang pagkaparalisa ng kanang balikat ko, pero ramdam pa rin hanggang laman ang sakit nito; tagos hanggang likod. Naupo na ako nang dahan-dahan. Ilang araw na ba akong nakakulong dito at nakahilata?

Nakakangawit din pala ang walang ginagawa at puro higa. Kung nasa bahay ako nito...never mind dahil halos tulog din pala ang ginagawa ko sa bahay.

Kinapa ko nang marahan ang sarili ko. May benda ang kanang balikat ko, as usual ay nakapiring ako. Wala na akong busal ng tela sa bibig, pero nang subukan kong ngumawa ay tuyo ang lalamunan ko. Pagkatapos ang pang-itaas na parte ng katawan ko, ang bandang dibdib ko...mayroon naman akong damit ah?

Loko-loko 'yong konsensya ko na 'yon, ang sabi niya hubo't hubad daw ako. Kaagad kong kinapa ang pang-ibaba ko.

My ghad! Bakit...bakit nakakumot lang ako!? Wala akong underwear! I want to die!

"Mama!" sigaw ko na namamaos pa.

Binalot ko ang buong katawan ko ng kumot. Nag-uumpisa nang manubig ang mga mata ko sa nangyayari.

Nasaan na 'yong panty ko!? Letseng yawa ka! Kapag nakawala ako rito, itutupi kita!

Kaya pala medyo malamig somewhere down the road!

Inhale! Exhale! Kalma self! Hindi makabubuti 'yan sa kalagayan mo. Kailangang maka-recover ka para magulpi mo ang pesteng lalaki na iyon!

Nagpalipas ako nang ilang oras. Pilit kong pinakikiramdaman ang nasa paligid ko, tahimik lang at mas nakakatakot iyon dahil wala akong nakikita. Paano kung nasa gitna na pala ako ng kuwartong ito, pagkatapos may malaking kawa sa gitna at any moment ay isasalang na ako roon para gawing...adobo?

Nabura ang nasa imahinasyon ko nang may maamoy akong ulam. Ilang araw na ba akong walang lamon? Gutom na gutom na ako sabi ng isip ko, pero hindi ako nagugutom. Ano raw?

Pasimple akong suminghot ng amoy ng adobo na kumalat sa hangin. Ang bango, lasang-lasa ko 'yong toyo at suka; naamoy ko rin 'yong paminta at—narinig ko ang pagbukas ng pinto; mahinang langitngit ng kung ano'ng kahoy na tumatama sa sahig. Ilang yapak at ang tunog ng paglapag ng ilang kubyertos sa papag na inuupuan ko.

"Gising ka na pala." Para akong nabingi sa narinig ko.

Bakit...bakit napaka-manly ng boses ng isang 'to? What I mean, bakit ako nakaramdam ng kilabot sa buong sistema ko nang marinig ko ang boses niya?

Alam kong malamig somewhere down the...never mind, pero lalo akong nangatog sa lamig dahil sa boses niya, tagos hanggang spinal cord ko, lalo pa nang maramdaman ko na hinaplos niya ang pisngi ko. Naiyak lalo ako dahil sa naalala ko! Ayan na naman ang paghaplu-haplos mong yawa ka!

Tang-ina, umayos ka baka masipa ko ang panga mo!

"L-lumayo ka!" nangangatal kong sabi at napapiyok pa, feeling strong? Ni hindi ka nga makawala sa tali mo e.

Warning: She is Mine. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon