Warning: 26

1.4K 43 1
                                    

Chapter 26

Zanchi’s POV

Palubog na ang araw. Mabilis na kumakalat ang kadiliman sa buong kapaligiran. Ang mga ibon ay nagmamadaling lumipad upang may masilungan. Ang mga insekto at kuliglig ay nagsisimula nang kumanta upang salubungin ang mahabang gabi.

“Ang sabi ko gusto ko nang magpahinga. Bakit nagpaiwan pa tayo rito?” naiinis na tanong ko, tamang simangot na rin para effective na naiinis ako sa kaniya. Para akong bata na pinagsisipa ang lupa dahil sa inis, pero deep inside, napansin ko na panay ang tingin niya sa akin.

May dumi ba ako sa mukha o napagtanto niya na maganda ako?

“There’s a meteor shower tonight.” Napakunot ako sa sinabi niya.

Nilingon ko pa ang buong palayan para makita na kung may kasabay kami sa paglalakad ngayong gabi pauwi.

“Ikaw ba 'yong nagsalita? Ano’ng nakain mo at may pa-English speaking ka pa?” sabi ko, bago tumingin sa harapan namin at nagpatuloy sa paglalakad.

Bakit ba ako kinakabahan? Lalo na at magkasama na naman kami. Hindi ko maipaliwanag, pero pakiramdam ko ligtas ako sa tabi niya at kalahating parte ng isip ko ay ang pagkabahala.

Tama na nga na sobrang biased na ako sa iyo, Lucien! Kung wala lang akong utang na loob sa iyo e. Hays.

“Gusto ko lang na makasama ka ngayong gabi.”

Hindi ko alam pero nagsimula nang mamuo ang takot sa loob ko. Pakiramdam ko nilalamig ako na hindi ko maipaliwanag. Napahinto ako sa paglalakad at napayuko; nagdadasal na sana magising na ako sa panaginip ko na ito. Pakiramdam ko may ibang kahulugan ang sinasabi  niya!

“Alam mong delikado para sa akin na manatili sa labas ngayong gabi. Isa akong tao, Lucien! At nasa lugar ako ng mga katulad ninyo.”

“Hindi. Bakit mo naisip iyan? Hangga’t nasa tabi mo ako walang mangyayari sa 'yo. Akin ka, tandaan mo 'yan. Gagawin ko ang makakaya ko para manatili ka sa tabi ko. Magkamatayan man.”

Ramdam ko ang pagbaon ng mga kuko ko sa aking palad sa matinding pagkakuyom, ang paraan para itago ang takot na naghahari sa katawan ko. Sobrang tamis ng mga salitang binigkas niya kung saan ang hirap ng paniwalaan. Makailang beses ko na iyong naririnig ngunit pakiramdam ko parang mas nagiging delikado lang ang sitwasyong kinalalagyan ko. Alam ko na ginagamit niya lang ako, pinoprotektahan para may pakinabangan sa mga plano na mayroon ito na hindi ko alam kung para saan. Ito ang nararamdaman ko sa kanya, ang pagkawala ko ng tiwala sa tulad niya. Napaka-misteryoso nito na halos hindi ko na talaga siya maintindihan.

“At saka saglit lang naman daw 'yong meteor shower. Uuwi rin tayo pagkatapos, hindi mo ba gusto ang mga bituin?” pag-iiba niya sa usapan. Marahil napansin niya na hindi ako komportable sa naririnig ko mula sa bibig niya.

“Umuwi na tayo,” ang tanging nasabi ko bago nagpunas ng maiinit kong mga luha na patuloy pa ring binabasa ang tuyo kong pisngi.

Ayaw ko talaga sa dilim, bumabalik iyong pangyayari na halos maging huling buhay ko na. Malaki ang pasasalamat ko na rin na nasa tabi ko kaagad si Lucien noon para iligtas ako.

Paano kung mangyari iyon muli ngayon?

Mabuti pang itulog ko na lang ito sa bahay. Ayaw ko ang pakiramdam na naghahari ngayon sa sistema ko.

“Pasensya na. Akala ko isa ka sa mga tao na gustong makita ang mga bituin sa gabi.” Putangna talaga! Nakainom ba siya ng alak at nawawala na siya sa sarili niya? Naririnig ba niya kung anong pinagsasabi niya? Kinikilabutan ako sa mga salitang binibitawan niya.

Warning: She is Mine. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon