Chapter 31
Zanchi’s POV
Hindi na bago sa akin ang mag-isa. Sanay na ako na sarili ko lang ang kasa-kasama ko sa buong araw. Nasanay na akong nakakulong sa apat na sulok lamang ng aking kuwarto. My parents practiced me with this kind of living.
Hindi ako puwedeng pumunta sa kung saan, at kung aalis man ay may bantay akong mga bodyguards. Ano’ng silbi ng salitang malaya kung pakiramdam ko ay nakagapos ako sa isang kadena na nakapalibot sa aking katawan?
Alam kong matagal na ang pangyayaring iyon sa buhay ko, pero hindi ko maiwasang isipin sa loob lamang ng tatlong buwan ay naranasan ko na magkaroon ng kaibigan at maging malaya.
Matapos akong makuha nina Siwon ay kaagad nila akong dinala sa malapit na hospital. Nalaman ko na that time ay unconscious ako, isang linggo. My parents can not accept na kaya dinala nila ako rito sa Canada upang ipagamot. Hanggang sa magkaroon na ako ng malay.
I kept on asking them kung ano ng balita sa kaibigan kong si Aliyah at sa mga kasama ko sa gubat, referring to Lucien, Niall and Ruce.
Guess what answers they’ve told me? Of course, nothing. I received none. Sa dami ng ibinato kong tanong ay wala akong natanggap kahit isang tuldok sa kanila.
Babalik na ba ako sa dati kong buhay? I am breathing but dying inside.
Hinihiling ko na lang sana na panaginip ang lahat at magising na kasama ang taong mahal ko at mga kaibigan ko. Gustong-gusto ko na silang makita.
Limang taon akong nanatili sa Canada. Kung minsan ay isinasama ako ni tita Lhen—kapatid ni mama, sa mga kalapit na bansa para makapasyal ako. Bilin naman ni mama na huwag akong umalis, pero naaawa si tita Lhen sa akin kaya kapag may libreng oras ay umaalis kami. Sa kung anu-ano’ng bansa ako nakapunta ngunit isa pa rin ang nasa isip ko.
Kumusta na kaya siya?
Kumusta na ang taong mahal ko na itinulak ako palayo sa kaniya para sa kaligtasan ko?
Kumusta ka na, Lucien?
Nasaan ka na mahal ko?
Itinuloy ko ang pag-aaral ko rito sa ibang bansa. Hanggang sa maka-graduate ako sa kurso na gusto ng mga magulang ko. They wanted me to get in-charge with the company. Great right?
“Just pretend na nakalimot ka na talaga sa nangyari. Nandito ako para suportahan ka, Zanchi,” sabi sa akin ni tita Lhen at niyakap ako nang mahigpit.
Siya ang naging sandalan ko sa mga bagay na hirap akong makita sa mga magulang ko. She always cheering me up. Ang mga bagay na pilit na yumayakap sa akin dahilan para umiyak ako kapag gabi ay sa kaniya ko sinabi lahat. And when my mom asked her about my condition here, sinasabi niya na maayos na ako, brainwashing ba; isa sa paraan para ma-convince niya si mama na pauwiin na ako sa Pilipinas.
“Salamat po nang marami, Tita!” Niyakap ko siya nang mahigpit.
“Walang anuman! Basta bumalik ka rito at nang makilala ko naman 'yang si Lucien,” nakangiti niyang sabi sa akin at pinisil-pisil pa ang aking pisngi.
Madalas niya itong gawin at pinuporma na parang nakangiti ako, ang lungkot ko raw tingnan e.
--
Nakaayos na ang mga gamit ko. Ilan lang ang dinala kong gamit at nagkasya na ito sa isang hindi gaanong kalaking maleta. Nakaupo ako sa gitna ng kama ko rito sa kuwarto, nakaharap sa manipis kong laptop at ilang sandali pa ay nag-flash na sa screen ang mukha niya.
“I’ll be there to fetch you! God, bes! This is it! Makikita na kitang loka ka!” sabi niya na parang kinikilig na ewan.
Kunwari ay akmang aalisin ko ang earphones ko dahil sa pagtili niya. Ang sakit sa tainga ng boses niya pero biro lang. Sobrang miss ko siya kahit na nag-usap naman na kami kahapon.
“Ikaw nga 'tong mukhang excited kaysa sa akin e! Nasa Pilipinas ka na kaagad? Akala ko dalawang buwan ka sa Korea? Ikaw Aliyah ah! Naku! Sinasabi ko sa 'yo!” Hindi ko akalain na maraming magbabago sa buhay naming dalawang magkaibigan.
“Ito naman! Siyempre miss na kita! Ayaw ko naman na kung sino pang sumundo sa inyo rito sa airport ano!” Nag-pout pa siya ng labi, parang bibi tuloy siya.
“Baka gusto mo lang kagatin itong leeg ko para sa sariwang dugo?” tanong ko na medyo may pagkaseryoso pero inirapan niya lang ako. Aba. Attitude!
“Excuse me! Never akong sumipsip ng dugo ng tao! And for your information hindi ko kailangan na uminom n’yon. Hindi naman talaga namin kailangan uminom ng dugo, hindi ko kailangan ng lakas ng katawan. Hindi naman ako sasabak sa giyera ano!” explain pa niya.
“I’m just kidding, my vampire best friend.”
That night, tila isang bangungot para sa aming dalawa ni Aliyah. Ang gabi na akala ko ay katapusan na naming magkaibigan. Habang hawak-hawak ako ni Siwon, ay siya namang pagdating ni Frank para tulungan sila. Dinala sa kung saan at ginamot ang sugatang katawan. Ilang buwan din itong walang malay, at sa paggising niya, hindi siya makapaniwala sa nangyari. Inakala niya na siya’y nananaginip.
Kakaiba rin ang pakiramdam niya sa katawan, hanggang sa ilahad lahat ni Frank ang mga ginawa nito para mabuhay siya.
Tinanggap niya ito kahit hirap siyang paniwalaan. Wala siyang bukang bibig kung hindi ang makita at mapuntahan ako, pero wala na ako sa bansa noong mga panahon na iyon. Hindi na normal na tao si Aliyah, katulad na siya ng mga kaibigan ko, mga aswang at bampira.
Last year lang nang nagkaroon kami ng communication sa isa’t isa. Ang dahilan kung bakit nagmamadali akong umalis ng Canada ay dahil sa kaniya. Gustong-gusto ko siyang yakapin at itali sa katawan ko para hindi na kami magkahiwalay. Sinabi niya na may tamang panahon para sa lahat.
Hanggang sa magkuwento siya sa akin ng kung ano’ng nangyari at nangyayari sa kaniya, maliban sa tanong na hindi maalis-alis sa isip ko. Hindi siya nagsasalita tungkol doon. Nangingiti lang siya na parang ewan at naglalahad ng ibang topic na mapag-uusapan.
I actually respect that. Si Aliyah na best friend ko ang kausap ko, pagkatapos maghahanap ako ng iba? Attitude lang?
May moment din tayo Lucien! Okay? Stay put ka lang.
At sinabi naman niya na huwag akong mag-alala. Hays, ano ba 'yan! Pa-suspense pa!
Inilapit niya ang kamay niya sa screen, tila hinahawakan ako kung kayat inilapit ko rin ang aking palad.
“Tomorrow will be my best day!” narinig kong sabi niya.
How about me? I’ll be so grateful for what tomorrow could bring! I’m going to see someone. I’ll pray that this is going to make me happier.*31*
any reaction nor violent comment?
Let's be friends on Fb guysieeuu!
Fb: @Speaksirius Lee 💙
BINABASA MO ANG
Warning: She is Mine. [COMPLETED]
VampireHe's covering up something, he is hiding things, but you don't know what it is and you have got no thought what it could. A knife? A bomb? A sword? A gun? Anything that will end your life. "No one else will know if I end up killing you." R18 | Nov...