Warning:39

1.5K 43 0
                                    

Chapter 39

Zanchi’s POV



Mabilis akong kumilos upang buksan ang pinto sa aking likuran. Nakapagtataka na hindi ko maramdaman ang presensya nila. Madilim man ang buong paligid, naaaninag ko naman ang pagkilos ng maraming anino sa dilim.


“Nasaan na kayo?” nagtataka kong tanong sa aking isipan. Hindi maaari na ako’y maiwan.


Napalingon ako dahil sa marahas na paghila sa akin ni Raelle. Nagtitigan kami nang diretso at seryoso sa mga mata. Hindi ako p’wedeng matalo.



“Hindi ako tanga para hindi malaman 'yang gagawin niyo. For your information, I’m watching you behind the shadows. Setting up a trap to catch me? Nagkakamali kayo.”


Napaupo ako sa sahig dahil sa malakas na pagsabog ng kung ano sa loob na aking k’warto; tila isang maliit na bola na sumabog at nagpakawala ng makapal na usok.



“Leave the house!” Narinig ko ang boses ni Niall sa aking isipan.

Kaagad na akong tumayo at daraan na sana sa may pinto, ngunit palapit na sa akin ang dosenang tao na may mapupulang mata at matatalas na pangil.



Paano napunta ang mga katulad nila rito sa bayan?


Habang patuloy sa pagbuga ng usok ang maliit na bola na hinagis ng kung sino, ay lumapit ko sa may bintana at doon tumalon.



Paglagapak ko sa may damuhan ay kinalimutan ko ang pananakit ng p’wetan ko na unang tumama pagbaba ko. Nahihilo man ay ginawa ko ang lahat para makalayo at makapagtago.



Kumalat na ang kadiliman sa buong kapaligiran. Walang mga tao na nagkalat sa paligid, at nakapatay ang mga ilaw sa bawat kabahayan. Naguguluhan man sa nangyayari ay nagpatuloy ako sa pagtakbo. Paminsan-minsan ay nadarapa dahil sa pagkirot ng aking katawan.



Gusto ko man na tawagan sila, ngunit nakalimutan kong kuhanin ang cellphone ko sa drawer. Ngayon napatunayan kong buhay si Raelle. Nagtataka ako kung bakit wala sila sa aking tabi. Naging usapan namin na mag-abang sila sa tapat ng aking kuwarto, at si Aliyah naman ay nagtatago sa loob ng cabinet ko. Marahil gumawa rin ng plano si Raelle para hindi namin siya mahuli.



Dahil sa kagustuhan ko na mawala siya ay hindi ko inisip na may kapangyarihan siya na kaya niyang gamitin upang burahin ako sa kaniyang landas.


Sa sobrang abala ko sa pagtakbo ay hindi ko kaagad napansin ang isang lalaki na humablot sa kanang kamay ko. Hinila niya ko at isinama sa likod ng isang pader; parehong hinihingal at nanginginig ang palad.



“Zanchi, hindi na ako m-magtatagal. Gamitin m-mo ito,” nauutal na sabi ni Ruce. Duguan ang mukha niya at may tama ng bala sa bandang tiyan. Hindi ko pinansin ang baril na inaabot niya sa akin hanggang sa mabitawan niya ito, at humalik sa malamig na lupa. Natulala ako sa dugong bumabalot sa katawan niya.

Bakit nangyari ito?

“Pumunta ka sa police...station. Gusto man kitang…samahan pero n-nanghihina na ako,” nauutal niyang paliwanag. Hindi ko maiwasan na maiyak ngayon sa sitwasyong nakikita ko. Ang isa sa mga naging kaibigan ko na masiyahin noon ay niyayakap na ng sakit at kamatayan ngayon.


“Ruce! Huwag! Halika ka, dadalhin kita sa hospital!”



“Hayaan mo na ako, Zanchi! Iligtas mo ang s-sarili mo.” Tuluyan siyang napaluhod sa lupa; at nagsusuka na siya ng malapot na dugo. Akmang yayakapin ko na siya nang bigla niya akong itulak palayo.



Humarap siya sa akin na nag-iiba ang anyo ng mukha. Nagsisilabasan ang ugat niya sa leeg, noo, at sa kaniyang magkabilang kamay.


“Umalis ka na, Zanchi!" ang huling narinig ko sa kaniya bago ko siya tinalikuran.



Naghalo na ang dugo at pawis sa aking mukha. Kumapit na ang iba sa aking damit mula sa pagkakayakap ko kay Ruce. Pinaapalakas ko ang loob ko para hindi ako lamunin ng kaba at takot. Kailangan kong makahingi ng tulong.



Tatlong sunod-sunod na pagputok ng baril ang narinig ko sa hindi kalayuan, at ng akin itong tingnan may isang kotse na papalapit sa akin. Naramdaman ko ang mainit na bagay na nakabaon sa kanang binti ko, hanggang sa kumawala na ang mapulang dugo rito.


Napakapit ako sa baril na hawak ko. Kaya ko bang gamitin ito para pumatay upang ako naman ay mabuhay?

Ilang metro na lang at malapit na ito sa kinakatayuan ko, hanggang sa itinaapat ko sa kanila ang baril na hawak ko. Kinalabit ko ito at pinakawalan ang bala. Tumama ang bala sa gulong sa harapan, dahil doon ay nawalan ng kontrol ang kotse at tuluyang bumangga sa malaking puno hanggang sa umusok ito at sumabog.



Walang segundo ang lumipas, bawal magsayang ng oras. Kailangan ko pang makahingi ng tulong. At kung minamalas ka nga naman talaga, may mga nakaabang na grupo ng aswang sa isang kanto na daraanan ko papuntang bayan. Handa na akong mag-iba ng direksyon, pero hindi ko kayang kumilos dahil sa aking nakikita.



“Papa, Mama…” nanghihina kong sambit sa sarili ko. Napaluhod ako sa malamig na kalsada at hindi mapigilan ang pagkawala ng aking mga luha.



Mag-isa lang ako, nakita naman na wala akong kasama. Masyado na siyang natatabunan ng kadiliman, at hindi na niya makita na ang ginagawa niya ay hindi na tama at nakasasakit na; na ang ilan ay napupunta na sa pagpatay.



Naalala ko noong bata ako. My parents never let me to got along with other people. Literal na prinsesa ang turing nila sa akin, ngunit hindi ako katulad ng iba na malaya. Bantay sarado ako 24/7, saan man ako magpunta; kahit sa tapat ng kuwarto ko at kumain sa hapag kainan ay may bantay ako. Galit ako sa kanila noon dahil pakiramdam ko wala akong kalayaan sa buhay, kung ano’ng sasabihin nila ay 'yon lang ang gagawin ko.


And when I entered high school, nagawa kong magrebelde, not totally a rebel, but I’m going out with my classmates at mag-party party sa iba’t ibang bar. Ginawa ko iyon dahil alam ko sa huli ay mapapagalitan ako at hindi na ako papayagan kapag nahuli nila ako, kaya sinulit ko na noon. I never thought na ang paghihigpit nila sa akin ay nangangahulugan na pagprotekta nila sa nag-iisang anak nila laban sa mga hindi ordinaryong nilalang. Ngayon ko lang na-realize kung kailan huli na. Nagawa nilang protektahan ako noon, pero hindi ko sila magawang ipaglaban ngayon.



Walang malay si mama; tila lantang gulay siya na bitbit ng dalawang lalaki na may mapupulang mata, at bakas na bakas ang mga ugat sa magkabilang kamay at braso, pati na rin ang leeg at noo nila ay kapansin-pansin dahil pumipintig pa ang mga ito. Hinihingal naman si papa na nakapikit na; maya’t maya ay nagpupumiglas siya sa mga taong nakahawak nang mahigpit sa kaniya. Duguan sila pareho; bakas na bakas ang pagod at ang malalapot na dugo sa kanilang katawan.

Now, I am torn between saving my own family or saving Lucien that I love the most.

Pero siya ang rason kung bakit mawawala ang pamilya ko.

Nasaan ka na ba, Lucien!?”

*39*

Follow me SiriusLeeOrdinary
Comment nor violent reaction?

Salamat sa pagbasa!

Let's be friends on Fb guysieuu!
Fb acc: Speaksirius Lee < 3

Warning: She is Mine. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon