Chapter 29
Zanchi's POV
Nalasahan ko ang malakalawang na likido sa aking bibig. Ang pagpilipit niya sa aking leeg hanggang sa naramdaman ko rin ang pagbaon ng matatalim niyang kuko sa aking balat.
"Ano bang nakita sa 'yo ni Lucien para mabaliw siya nang sobra sa 'yo!? Nagawa niya akong kalimutan at ipagpalit sa katulad mong lampa at walang k'wenta!" sigaw niya at walang pag-aalinlangan na hinampas ako sa maalikabok na sahig.
"Kapag...kapag namatay ako, mumultuhin talaga kitang peste ka! Tang-ina mo!" Napapikit na lamang ako dahil sa tugon niya sa sinabi ko.
Sinabunutan niya ako, dahilan para makatayo ako. Nakangisi siya na tila isang baliw at sayang-saya sa ginagawang pampababoy sa akin.
"Papatayin talaga kitang babae ka! Wala kang karapatang mang-agaw ng iba! Wala ka nang karapatan na mabuhay! Akin si Lucien! Tandaan mo 'yan hanggang sa kamatayan mo!" Dinakma nito ang leeg ko at walang pagdadalawang isip na binalak baliin niya ito, ngunit may dumagdag sa ingay na ginagawa ng babaeng tatapos sa buhay ko. Ilang putok ng baril ang bumasag sa pagitan namin dahilan upang mapahiwalay ako sa kaniya. "Walang hiya ka, Niall! Ano 'tong ginagawa mo sa akin!?"
Halos mabingi ako sa pagsigaw ng babae sa sakit dahil sa natamong tama ng baril sa kaniyang kanang dibdib. Nakahiga ako ngayon sa sahig at hindi ko na maramdaman ang sarili kong katawan.
"Bakit kailangan mo pang saktan ang inosenteng katulad niya, Raelle!? Huwag mong hayaan na sakupin ng galit 'yang puso mo dahil masama 'yan!"
Raelle? Hindi ko matandaan, pero ang alam kong narinig ko na ito kung saan. Marahil siya na nga ang babaeng nabanggit ni Lucien noon sa may bukid.
Ilang putok pa ng bala ang umalingawngaw sa loob ng kuwarto. Pinipilit kong makatayo hanggang sa nakita ko ang nasa harapan ko na nag-aaway ang dalawa. Si Niall na may hawak-hawak na mahabang baril, at si Raelle na sobrang itim ng aura. Literal na may itim na usok ang nakapalibot sa kaniya.
"Umalis ka na, Zanchi," dinig ko sa isipan ko ang boses ni Niall.
Naguguluhan man ay sinubukan kong ihakbang ang aking mga paa at sinundan ang sinasabi niya. Lumapit ako sa isang bintan; sira na ito, at nakakabahala man na hawakan ang basag na salamin nito ay wala ako ibang pagpipilian na lagusan para tumakas.
Napapikit ako nang biglang nabasag lahat ng salamin sa bintana; tila may malakas na enerhiya ang humampas doon kung kaya't naging pira-piraso ang mga matatalim na salamin na siyang naging dahilan upang magkaroon ako ng pagdurugo sa aking mukha.
Maliliit na daplis ng salamin ang tumama rin sa aking braso. Gumuhit ang hapdi maging sa aking mukha. Kumalat ang nakapapasong luha at dugo sa aking mukha at katawan.
"Zanchi! Tumakas ka na!" sigaw sa akin ni Niall na nasa tapat ko na; hawak-hawak ang braso niya na tila napilayan. Ramdam na ramdam ko ang pagkahapo niya sa pagod. Nilingon ko ang babaeng si Raelle na nakahiga sa sahig.
"Tayong dalawa ang aalis dito! Halika na, Niall!" naluluha kong sabi at hinawakan ang palad niya.
"Z-Zanchi, makinig ka. Nasa labas si Aliyah, tutulungan ka niya na makapunta sa gubat kasama ang mga sundalo na isinama nito sa paghahanap sa 'yo. Umalis ka na. Pakiusap, umalis ka na!" mariin niyang sabi, ngunit bakas na bakas pa rin ang sakit sa mga mata niya.
Madungis na rin ang kaniyang mukha na pawisan, at dumikit na sa kaniya ang alikabok. Humalo na rin sa mukha niya ang pawis at luha.
"Hindi ako aalis kung wala ka! Hindi kita iiwan dito, Niall!" malakas kong sabi sa kaniya dahil pinipilit niyang kumawala sa palad ko.
"N-Naghihintay si Lucien sa gubat. Kasama niya si Ruce. Hindi puwedeng mapuruhan pa ang kaniyang katawan dahil may tama ito ng bala. Puntahan mo na siya roon. Sige na, Zanchi. Sundin mo na lang ang sinasabi ko."
"Mangako ka na susunod ka sa amin! Mangako ka, Niall!" Niyakap ko siya nang mahigpit; mahigpit na parang ayaw ko na siyang pakawalan pa, pero siya na mismo ang humiwalay sa aking mainit na yakap.
"Sige na...Zanchi. Ipangako mong mabubuhay kayong dalawa ni Lucien. Susunod ako sa inyo sa pupuntahan ninyo."
"Niall, salamat! Magkikita pa tayo sa-" Natigil ako sa pagsasalita nang nakita ko ang mapula at malapot na dugo na iniluwa ni Niall sa kaniyang bibig at umagos sa kaniyang leeg. "Niall...Niall," nanghihina kong sabi. Lalapitan ko sana siya ngunit itinulak niya ako.
"Alis na! Zanchi, please!"
"Niall, hindi maaari-"
"Umalis ka na!" galit niyang sabi. Tumalsik pa ang dugo na nasa bibig niya sa aking mukha.
Napansin ko ang manipis na salamin na sinaksak sa kaniya ni Raelle na nasa likuran na nito, nakatayo at nakangisi sa akin. Bumaon ito sa tiyan ni Niall at kaagad na kumalat ang dugo sa kaniyang katawan.
Nag-iba ang kulay ng mga mata ni Niall, naging matingkad na kulay pula ang mga ito. Ang mga ugat nito sa braso at leeg ay unting-unting bumabakat sa kaniyang manipis na balat. Nakikita ko siyang pagod na pagod ngunit iba ang ipinakita ng kaniyang katawan, taliwas sa panlabas nitong anyo; tila may kung ano'ng nangyayari sa loob nito.
"Mahal kita, Zanchi. Pakiusap, iligtas mo ang sarili mo," rinig kong sabi sa aking isipan ni Niall.
Mabigat man sa loob ko ay kumilos na ako at pumunta sa harapan ng sirang bintana at doon tumalon. Paglapag ko sa damuhan, hirap mang bumangon ay pinilit ko ang aking sarili na makatayo at tumakbo.
Hindi pa ako nakalalayo ay may bumalot sa aking katawan. Isang mainit na yakap mula sa isang kaibigan.
"Aliyah."
*29*
Follow for updates @SiriusLeeOrdinary
Sorry ho talaga sa matagal na updates hehe.
I have Fb account :)
@ Speaksirius Lee
Let's be friends there guysiiuee. Lapag kayo para makapag thank you ako sa inyo! Salamat sa suporta!
143💙

*Supporting character*
Aliyah
*29*
BINABASA MO ANG
Warning: She is Mine. [COMPLETED]
VampireHe's covering up something, he is hiding things, but you don't know what it is and you have got no thought what it could. A knife? A bomb? A sword? A gun? Anything that will end your life. "No one else will know if I end up killing you." R18 | Nov...