Chapter 24
Third Person’s POV
Nakatingin lamang sa iniihaw na usa si Frank sa sobrang lalim ng iniisip. Sa kabilang banda naman ay hindi makapaniwala si Ruce sa inilahad na mga impormasyon ni Niall sa kaniya.
Hindi niya mawari kung kikiligin pa ba siya sa mga ipinakitang kilos ni Lucien para sa isang babae na si Zanchi. Naaalala niya kung paano ipakita ni Lucien ang totoong ito para maprotektahan ang isang tao sa grupo ng mga aswang sa kagubatan noong nakaraan, at ang ilang pangyayari sa loob ng bahay kubo nito.
Nababahala rin siya dahil kung ang mga kilos ng binata para sa babae ay mahigpit, hindi basta-basta na maisasakatuparan ang kanilang misyon, na hindi nila malaman kung itutuloy pa ba nila matapos ang nangyari sa kanila, sa kabila ng mga nangyari.
“Magkaroon lamang kayo ng tiwala sa sarili ninyo,” sabat ni Frank. Napalingon naman ang dalawa sa binata na nagluluto ng usa.
“Hindi lang basta alipin ni Lucien si Zanchi. Napatunayan ko na iyon, ngunit nagdadalawang-isip pa rin ako sa ikinilos niya. Kung kaya ko lang basahin ang isip ni Lucien,” ani ng binata.
“Marahil para sa kaniyang kasintahan,” sabad naman ni Niall, ito ang naisip niyang dahilan upang ilihis ang ideya ng mga kaibigan.
“Kasintahan? Buhay pa ba ang dating—tama ka!” Hindi makapaniwala si Ruce sa tinuran ng kaibigan na si Niall.
“Buhay pa si Raelle? Akala ko patay na iyon? Nakita ko noon si Lucien na umiiyak sa may bangin at sinasambit ang pangalan na Raelle,” nagtatakang sabi ni Frank.
"Ibig bang sabihin ay ginagamit niya lang si Zanchi? Para ano? Ipagpapalit niya ito para mabawi si Raelle sa amang hari?" tanong ni Ruce.
--
Tahimik na nakikinig si Aliyah sa usapan ng magkaibigan. Marahan niyang inilalapat ang maliit na ice cube sa leeg dahil sa natamo niya matapos makipagbuno sa isa sa mga lalaki na kaniyang nakaharap. Akala niya ay kaya niyang dipensahan ang sarili ngunit nagkamali siya, sadyang malakas talaga silang nilalang.
Hindi man siya isinama sa kung saan si Zanchi, may idinikit naman na maliit na tracking device si Aliyah sa damit ni Ruce, at bukas na bukas ay mag- isa siyang aalis upang iligtas ang kaibigan na si Zanchi sa kamay ng mga aswang at hindi ordinaryong nilalang.
--
May iniabot na babasaging baso ang amang hari kay Raelle. Nasa dining area sila ng palasyo at tatlo lamang silang nakaupo sa tapat ng napakahabang lamesa ngayon kasama ang ina ni Lucien na tahimik lamang. Wala ibang tauhan na umaaligid sa kanila maging ang mga tagapagsilbi.
“Kakailanganin mong uminom niyan upang magkaroon ka ng lakas. Ang sabi mo noong nakaraan ay pupuntahan mo si Lucien, hindi ba?” tanong ng amang hari sa dalaga.
Hindi pa rin siya makapaniwala na malaya na siyang nakapaglilibot sa buong palasyo, at may kapangyarihan na rin siya gaya ng kamahalan.
“Dugo? Pero kailangan ko pa bang inumin ito? Napakalakas ko na,” bida ng dalaga at iniangat sa ere ang magkabilang kamay na tila pinagmamasdan ang pagpintig ng mga maninipis na ugat niya.
“Kailangan upang maging mas doble ang lakas mo; upang sa unang sabak mo para makuha si Lucien pabalik dito sa kaharian ay magiging madali,” walang pagdadalawang-isip na tugon ng hari na siyang ikinatuwa ng dalaga.
Malapit na mangyari ang matagal na hinihintay ng kamahalan. Kung sino pa ang naging dahilan ng pagkawala ng anak sa kaniyang piling, ay magiging rason upang siya ay patahimikin at handang durugin sa dilim.
--
Kinabukasan.
Pagsikat ng araw ay inaya na ni Lucien ang dalaga na bumangon. Mula kahapon ay nagpumilit si Zanchi na makapunta ng bayan kasama sina Niall at Ruce. Ayaw man na pumayag dahil kamakailan lang ay nagkasakit ito, pero hindi niya mapigilan ang dalaga sa nais nito.
“Ano’ng klaseng pamilihan ang mayroon kayo rito? Modern na rin ba?” tanong ng dalaga sa kasama habang hinahaplus-haplos ang katawan ng kabayo. Nakasakay ang dalaga rito upang hindi na siya maglakad at aabutin sila ng siyam-siyam kung lalakarin lamang nila ang daan patungo sa bayan. Hindi naman mahirap sa tatlong binata ang paglalakad dahil sanay na sila rito. Kung wala lang ang dalaga sa tabi nila ay kumaripas na sila ng takbo.
Kaagad kasing tinutulan ni Lucien ang pagtulong ni Niall sa dalaga: kung paano sumakay sa kabayo, at paano magpatakbo nito para mabilis silang makarating sa pupuntahan.
“Ako na, baka saan mo pa dalhin si Zanchi,” walang emosyong sabi ng binata sa kaibigan, at kaagad na sumampa sa kabayo at tumabi kay Zanchi.
Nakahinto ang kabayo sa mga sandaling iyon. Gulat naman ang dalaga sa narinig mula sa binata. Kung puwede niya lang itong tadyakan sa noo dahil sa inasta nito, ay baka nakahalik na sa lupa ang lalaki na si Lucien.
“Hala! Ano ka ba, Lucien! Baka mahirapan lang 'yong kabayo sa bigat nating dalawa!” reklamo ni Zanchi at inilalayo ang binata sa sarili na tila mayroong nakahahawang sakit ito na ayaw dumikit kahit ilang hibla ng buhok niya.
Natutop siya nang yakapin siya ni Lucien mula likuran. May manipis na boltahe ang kaagad na dumaloy sa buong sistema niya ang kaniyang naramdaman na naghatid ng kaba dahilan upang siya ay pagpawisan nang malamig.
“Isang oras na tayong naglalakad. Sapat na siguro na mauna na kami. Alam niyo na ang gagawin niyo,” bilin nito sa dalawa na bahagyang nakatingala sa kanila.
“No problem! Magkita na lang tayo sa bayan.” Nag unat-unat pa si Ruce na tila sasabak sa isang marathon.
Tanging tango lamang ang tugon ni Niall na nakatingin sa dalaga. Hinihiling na sana ito ang katabi ng dalaga at nakayakap dito.
Isang minuto lamang ang lumipas ay wala na sa paningin nila ang dalawa kasama ang kabayo. Hindi gaanong mabilis ang takbo nito, hindi kagaya ng pagtibok ng puso ng binata na si Niall; tila may karera na nagaganap sa loob ng kaniyang dibdib sa sobrang kaba.
“Ehem! Medyo malinaw na sa akin ngayon, pero ayos lang ba kay Zanchi kapag nalaman niya ang totoo? Na ginagamit lang siya ni Lucien?, “ sabi ni Ruce at napahawak pa sa baba nito na tila nag-iisip nang malalim, kahit hindi naman.
“I told you, he acted differently,” mahinang tugon ng binata at nagsimula nang maglakad.
Todo ang iwas niya sa kaibigan, baka kung ano pang mapansin nito sa hitsura niya at paulanin siya nito ng kung anu-ano’ng tanong.
If Lucien is really acting weird towards Zanchi, paano naman siya na may misyon na dapat tuparin? Para makapiling ang ama nito.
Dahil kapag hindi niya natupad ay ang kamahalan ang magiging kalaban niya at sariling kaibigan.
Kaya niya bang talikuran ito at sundin na lang ang isinisigaw ng puso at nararamdaman?
*24*
Follow me po for updates SiriusLeeOrdinary
Vote and comment po for reactions nor feedback, thank you!
BINABASA MO ANG
Warning: She is Mine. [COMPLETED]
VampireHe's covering up something, he is hiding things, but you don't know what it is and you have got no thought what it could. A knife? A bomb? A sword? A gun? Anything that will end your life. "No one else will know if I end up killing you." R18 | Nov...