Warning: 7

3.4K 88 20
                                    

CHAPTER 7

Zanchi's POV

Gabi na at ang tanging liwanag ay mula sa lumang lampara. Nakatulala naman ako ngayon na any moment ay tatakasan na ng bait sa mga gumugulo sa isipan ko.

Nakatali na naman ako ngayon. Hindi pa masyadong magaling ang balikat ko na nabaril, may benda pa ito. Wala man akong busal sa bibig ay hindi ko naman magawang magsalita. Hindi ko kayang magsalita dahil sa mga nalaman ko.

Kung nasawi ang mga armadong lalaki na kumuha sa akin...bakit hindi ako? Hindi ako kinuha ng mga aswang?

Did they know how to read minds? Nabasa ba nila ang nasa isip ko na ayaw ko pang mamatay?

Isa pang dahilan ng pagkatahimik ko ay nasa lugar ako na may mga aswang; ibigsabihin nasa paligid lang sila. Gusto ko man na makunteto dahil hindi nila winakwakan ang katawan ko, pero paano kung balikan nila ako? Balikan dito sa bahay kubo. Nangilabot ako sa iniisip ko dahil gumagabi na at wala pa 'yong kumag.

Itali ba naman ako para hindi tumakas? Ako tatakas? Matapos niya akong takutin na may mga aswang sa lugar nila rito? Kung plano niyang takutin ako, well congrats! Dahil pagbalik mo, malamig na bangkay na ako rito sa papag dahil sa nerbyos at takot! Diyos ko po!

Gusto ko mang sumigaw para humingi ng tulong, ngunit baka marinig ako ng mga aswang. Ayaw kong maniwala sa totoo lang, pero may nga mga anik-anik siya sa kaniyang bahay; ang ilan pa ay nakasabit sa bawat sulok ng bahay; ang ilan ay nasa dingding, hindi ko mawari kung ano'ng ugat iyon ng mga puno. May mga bote ng langis sa isang kabinet sa may bandang pintuan. Hindi ko gaanong napansin iyon noong una dahil sa pesteng piring sa mata ko, at ang dilim dito sa loob noon.

"Kung tatakas ka man, isarado mo na lang 'yang pinto nang mabuti ha? Baka may magnakaw riyan sa mga gamit ko sa loob. Aalis na ako," bilin niya. Talagang nagbilin pa!

Tinalikuran niya ako kaagad, at narinig ko na lang ang pagsara ng pinto sa may harapan. Mababaliw ako sa kaiisip kung totoo ba lahat ng 'to.

I mean, katapusan ko na ba talaga?

Ano namang takas ko rito?

Kapag lumabas ako ng bahay siguradong may dadakma sa leeg ko at dudukutin ang mga lamang loob ko nang walang permiso! Mahal ko ang buhay ko. Hindi puwedeng maging pulutan ako ng mga aswang. I never dreamed about that!

Naisip ko sina mama at papa, seriously?

Ilang araw na ako rito?

Hindi ba talaga nila ako hahanapin?

Gano'n ba ako kawalang halaga sa kanila?

Naiinis ako sa sarili ko. Kung sinunod ko kaya sila?

Kung kay Siwon na lang ako sumama?

Paano kung hindi ko na lang sila sinuway?

Gusto ko na lang matulog buong magdamag para lang hindi ko na maisip ang kung ano'ng umiikot sa utak ko. Mga desisyon na hindi ko pinag-iisipan nang mabuti at binibigyan ng halaga; mga desisyon na naaayon lang sa gusto ko at hindi sa kapakanan ko.

Kailan ba dapat maging tama ang desisyon na gagawin ko?

Kailan ang oras na dapat sila ang sundin kaysa sa sarili kong desisyon?

Natigil ako sa pag-e-emote nang naramdaman ko na naiihi na ako. Kinalagan ko ang sarili ko sa pagkakatali, dahil hindi na gaanong masakit ang katawan ko ay nakakakilos na ako.

Bahagyang niluwagan ni...sino kasi 'yon? Nahawakan niya na ako't lahat ni hindi ko man lang alam ang pangalan ng yawa.

Naalis ko na rin sa wakas ang tali, medyo maluwag na nga. Expect na niya talaga na tatakas ako ngayon. As if naman na makatatakas ako. Sa pagkakaalam ko mabilis kumilos ang mga aswang dahil kaya nilang mag-iba ng anyo, maging aso, pusa o hayop na nakalilipad. Baka isang hakbang ko pa lang, nadukutan na ako ng puso nang wala sa oras.

Muntik na akong maihi sa salawal! Wala pala akong salawal. Suot ko pa rin itong damit ng kalaki na mukhang loose shirt na nga dahil ang liit ko lang, hindi katulad niya na matangkad.

Nagulat ako nang may kumatok sa may pinto sa may harapan. Hindi na sana ako lalapit doon dahil baka isang aswang iyon. Naku po! Wala pa man din akong kasama.

Teka, baka siya lang naman iyon; baka nagbalik na siya! Mabuti naman! Baka biglang may sumalakay na mga aswang dito e.

Lumabas na ako ng kuwarto. For the first time ay nakalabas ako ng kuwarto. As usual, halos lahat ng gamit mula sa upuan, mesa, kabinet, haligi, dingding, bintana at sahig ay gawa sa kawayan.

Natutula ako sa sobrang pagka-amaze, nakalimutan ko nang pagbuksan ang kumakatok. Kumilos na ako at binuksan ang pintuan.

"Mabuti nakabalik ka na! Alam mo bang dis oras na ng gabi at—" Naka pamaywang pa ako na para bang isang nanay na sesermunan ang anak na ginabi na, dahil nag-party party sa may kanto habang napupuyat na ang kaniyang nanay sa kahihintay sa pag-uwi nila, pero nag-umpisang mamuo ang pawis ko sa noo. Malalamig ang mga butil niya na siyang nagdadagdag sa pangangatog ng kalamnan at tuhod ko. Gusto ko man isarado ang pinto pero nawalan na ako ng lakas.

Ibang lalaki ngayon ang nasa harapan ko. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng palad ko na nakahawak sa kahoy na pinto. Para akong tuod ngayon sa mga oras na ito. Inilibot ng lalaki ang paningin sa loob at ibinaling muli sa akin ang mata niya.

"Si Lucien? Nandito ba siya?" Mahina lang ang boses niya, pero sapat na iyon para ihatid ang lamig nito na bumabalot sa buong sistema ko. Kagaya ng lalaking tumulong kuno sa akin, matangkad din ang isang ito; maganda ang pangangatawan, matikas, hindi mataba, at hindi gaanong payat, sakto lang. Sexy?

Para rin siyang model ng bagong product na damit; para naman siyang Korean actor sa style ng buhok niya.

Mga kpop idol ba kayo katulad ni...never mind.

Seryoso masyado ang hitsura niya.  Makinis ang mukha; bahagyang matangos ang ilong nito; hindi gaanong mahaba ang pares ng pilikmata niya katulad ng kilay niya na hindi masyadong makapal. Hindi naman magpapahuli ang pares ng mata niya, kulay itim. Salamat sa liwanag na dala ng ilang lampara na nasa bawat sulok ng bahay.

Para akong pinapapasok sa loob at hinahalungkat ang kung ano'ng nasa isip ko kaya umiwas ako. Nahagip ng lente ng mata ko ang labi niya.

Hindi naman malabo ang mga mata ko, kahit manipis iyon ay bakas ang pagkamapula nito.

Bakit po kayo naka-lipstick, kuya?

Aww!

Sayang!

Barbie!

*7*

Follow for Updates

@SiriusLeeOrdinary

VOTE and Comment for reactions :>

Warning: She is Mine. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon