Warning: Special Chapter

307 5 0
                                    

Warning She Is Mine

Another Special chapters for our celebration of having
1k Followers!

🖤Enjoy reading!🖤

WARNING:
Read at your own risk!


Zanchi Point of View

Five Years Later

    Mula nang maging kami ni Lucien, wala na akong hinangad kundi ang makasama siya, magkaroon ng masayang pamilya. Pinangarap ko na ibigay ang pagmamahal na siyang nagbigay daan para magsama kami. Gusto kong maging isang magulang sa mga magiging anak namin sa hinaharap, ang ibigay ang mga pangangailangan ng mga ito at manatiling buo hanggang dulo. Hindi kasali sa pangarap ko ang magkakaroon ng lamat ang relasyon naming dalawa ni Lucien.

   

    Pakiramdam ko nagkulang ako sa kanya. Ang dahilan na kailanman ay hindi ko inaasahan na marinig at maramdaman. Kahit kailan ay hindi ko naisip na gagawin iyon sa akin ni Lucien. Malinaw sa mga taong nakasaksi, hindi lang din sa papel nakasulat na nagpapatunay na kasal kami. Mahal ko si Lucien, walang magbabago roon pero nagkamali ako na mahal niya rin ako.

   

   

   

    Dahil ba hindi ko siya gaanong nakilala?

Bumitaw na ba talaga siya dahil iniisip parin niya ang lihim na pagkatao nito?

Hindi pa ba sapat na tinanggap ko siya at ng buong pamilya ko?

Kung kailan pinakasalan at nagkaanak kami, ngayon sasabihin niyang iiwan niya ako?

   

   

    "Ayokong saktan ka, Zanchi. Kung pwede lang ay isampal ko sa'yo ang katotohanan ay ginawa ko na pero gusto kong si Lucien ang magsabi ng totoo sa iyo."

   

    Ilang gabi ko naring napapansin, hanggang sa umabot rin ng ilang buwan. Ayokong pansinin ang sinabi sa akin ni Aliyah sa akin noon, na may nakita siya, may ibang kinakasama si Lucien.

   

   

    "Kasal kami, Aliyah. Ano pang rason niya para makipaghiwalay sa akin? Hindi pa ba sapat si Rheinlander?" Niyakap na lang niya ako no'n dahil walang awat na pumatak ang mga luha sa mata ko. Hindi ko matanggap, sa kabila ng napagdaanan namin bakit naisip niyang iwan kami ng anak niya.

   

   

    Mula nang sabihin iyon ni Aliyah ay doon napansin ko na tama nga sila, na may kakaibang kinikilos ni Lucien. Ang akala ko noon dahil sa trabaho na mayroon ito kung kaya't hinahayaan ko siya. Sa tuwing magtatanong naman ako sa mga kaibigan nito, ang tanging paliwanag nila ay tungkol sa trabaho ng asawa ko. Nasabi sa akin noon ni Lucien, na bilang ama ng anak ko na limag taong gulang na,  magtatrabaho ito upang masuportahan niya si Rheinlander dahil ayaw niya iasa lahat sa akin kahit alam niyang may kakayahan naman ang pamilya ko at ako na ibigay ang kung anong kailangan ng anak namin.

Warning: She is Mine. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon