Chapter 34
Zanchi’s POV
Maraming beses na may sumampal sa akin dahil sa mga ikinikilos ko. Hindi pisikal na pananakit, pero base sa kanilang mga matang mapanghusga ay tila nararamdaman ko kung gaano kasakit ang ibinabato nilang tingin sa buong pagkatao ko.
Habang nag-aaral ako sa isang university sa Canada, hindi ko naiwasan na kumilos na hindi ayon sa dapat na gawin ko. Minsan ay nasa tapat ako ng matandang puno sa likod ng isang building. Kinakausap ko iyon, itinatanong kung nakita niya ba ang mga kaibigan ko. I was referring to Lucien, Niall, Ruce, at Aliyah.
There was a time na nasa madilim akong pasilyo, tumatakbo na parang may hinahabol akong anino, ngunit wala naman.
Minsan ay nasa rooftop ako, gusto kong tumalon hanggang sa maabot ko ang mga ulap. Nagbabakasakali na maabot ko iyon, at dalhin ako sa lugar kung saan ako nakulong noon kasama ang mga hindi ordinaryong nilalang.
Nabahala si tita Lhen sa mga ginagawa ko kung kaya't minabuti niyang ipakunsulta niya ako sa ilang doktor dito tungkol sa behavior ko.
Ilang taon din ang lumipas, hanggang sa nakausap kong muli si Aliyah dahilan upang magbalik ako sa dating ako, ngunit hindi ko inaasahan na tuluyang maglalaho ang madilim kong karanasan nang dumating si Raelle, bumabalik ito at hindi ko kayang tanggapin muli.
Akala ko maayos lang, hindi pala. Ang akala ko kaya ko, pero nagkamali ako.
Ngayong gagawin ko ang isang bagay na alam kong tama para sa kanila, pero mali para sa akin.
Iniwan ko na kay Aliyah ang mga dapat gawin para kay Lucien tungkol sa operasyon nito sa mata.
Ang sabi nga ni Raelle, kung gusto ko pang mabuhay si Lucien bibitawan ko na siya. Ayaw kong mahirapan ang taong mahal ko dahil sa pagsunod ko lamang sa kung ano’ng isinisigaw ng puso ko at emosyon na mayroon ako sa kaniya.
Inabala ko ang sarili ko sa kaarawan ng aking papa. Ginawa kong normal ang lahat. Ang maging masaya sa harap ng maraming tao kahit na durog na durog na ako sa loob ko.
Binalita ni Aliyah na sumang-ayon si Lucien sa operasyon kahit na alam kong may kapalit iyon na kondisyon ay tinanggap pa rin niya.
Dumito muna ako sa dating bahay. Gabi na rin kung bibiyahe pa ako para sa sarili kong bahay pa magpahinga.
"Sige, aalis na ako. Tawagan mo ako sa cellphone kapag may kailangan ka," paalam ni Aliyah at lumabas na.
Naupo na ako sa may gilid ng aking kama; ang kuwarto ko noon kung saan ako nakakulong. Katulad ng dati, walang pinagbago; walang buhay at madilim.
Lumingon ako sa may bintana; may mahaba pa rin itong kurtina, ngunit hindi ko mawari ang kulay nito dahil sa dilim na bumabalot sa aking kuwarto. Ayaw ko sa dilim, ngunit sa tuwing nakikita ko ito bumabalik ang alaala ko. Tila nasa isang maliit ako na kuwarto na gawa sa mga kawayan at tanging sinag lamang ng buwan ang liwanag ko sa buong gabi.
“Hindi ka ba makatulog?”
Nagtataka kong inilibot ang aking paningin.
Sa dilim ng aking kuwarto ay nangingibabaw pa rin ang isang itim na pigura na nasa aking tapat.
“Tama na, Raelle!” Napatakip ako ng tainga at pumikit nang mariin.
“Kung nahihirapan kang matulog, narito ako upang tulungan kang makatulog nang mahimbing buong buhay mo,” nakangisi nitong sambit.
Naramdaman ko na itinulak niya ako. Nagmadali akong bumangon upang makalabas ng kuwarto, ngunit ipinangko niya kaagad ako sa kama.
Pumatong siya sa ibabaw ng tiyan ko at marahang hinahaplos ang balikat ko hanggang sa tumapat ito sa aking leeg.
Nagpumiglas ako hangga’t sa kaya ko dahil alam kong dudurugin niya nang tuluyan ang aking leeg hanggang sa humiwalay ang aking sariling ulo sa aking katawan.
“Nakatatawa kang paglaruan. Alam mo bang kating-kati na akong patayin ka! Ang gusto ko lang na gawin mo bago ko tuluyan ang katawan lupa mo ay magmakaawa ka at nakaluhod mong ibigay sa akin si Lucien!” Hindi man ako makapagsalita, ngunit makailang beses ko na siyang sinigawan sa aking isipan. “Nalaman kong kusa kang lumalayo sa kaniya. At sa oras na malaman kong bumalik ka at sabihing pag-aari mo siya, tandaan mo, Zanchi! Lahat ng mahal mo sa buhay ay makasasama mo hanggang sa kadiliman kasama ang kamatayan!”
“Puro ka lang salita!” matapang kong sabi at pilit na inaalis ang kamay nito sa leeg ko.
Hinahabol ko na ang aking paghinga, mahigpit na mahigpit ang pagkakasakal niya sa akin. Naramdaman ko ang pag-agos ng luha ko sa aking pisngi na dumaloy hanggang sa aking leeg.
May iba’t ibang tunog akong naririnig. May maninipis ang boses na tila may sinasabi na hindi ko naman naiintindihan, may malalim ang boses, tumatawa, at ang ilan ay tila sinisigawan ako.
Mas gugustuhin ko na mabingi ngayon. May kung ano’ng humahaplos sa aking katawan, mahihigpit na paghawak na tila hinihila ako sa kung saan, at hindi ako makakilos upang sila’y pigilan.
Ang pagdagan sa aking katawan ni Raelle ay lalong dumoble. Nagawa niyang ilubog ako sa aking malambot na kama. Hindi ko na maramdaman ang sarili kong katawan; malamig ang paligid ko, ngunit pinagpapawisan ako nang mainit.
“Just tell me the words, Zanchi. Giving up is the best answer you will give to me.”
Nawalan na ako ng hangin na lalanghapin, at ang tanging alam ko ay tumatawa si Raelle na tila nawawala na siya sa katinuan. Hanggang sa kainin ako ng kadiliman.
Hinihingal akong bumangon. Napahawak ako sa dibdib ko. Nagtataka akong napalingon sa paligid ko, nasa may maliit akong balkonahe sa gilid ng aking kuwarto; nakahiga sa malamig na sahig, at hinahayaan na guluhin ng malamig na ihip ng hangin ang aking buhok.
Hindi ko pa rin maalis ang kaba sa aking dibdib; tila nahulog ako sa napakalalim na dagat at ngayon lamang nakaahon sa pagkalunod.
Huminga ako nang malalim at pinakalma ang aking sarili. Pinilit kong tumayo, ngunit muntikan na akong matumba dahil sa panghihina. Napahawak ako sa aking magkabilang tuhod at kinakalimutan ko ang takot na bumabalot sa aking sistema. Hindi ako puwedeng magpatalo dahil hindi pa nag-uumpisa ang laban. Nangangatog man ang buong kalamnan at kinakabahan, ay nagpatuloy ako sa pagtayo at paglakad.
Mahigpit akong napakapit sa railings ng malaking bintana na tila pinto papunta sa balkonahe. Wala akong ideya kung bakit ako nanghihina at nahihirapan sa paghinga. Isang pagtapak pang muli ng aking mga paa sa malamig na sahig ay tuluyan na akong natumbang muli, ngunit may sumalo sa aking katawan.
Marahan niya akong niyakap at ibinalot sa mainit niyang bisig. Hindi ko siya mamukhaan, pero ang kaba sa aking puso ang nagsasabi na kilala ko ang lalaking nasa aking tabi.
Nasisilaw ako sa mainit na sinag ng araw. Pikit mata kong sinisilip ang kaniyang mukha, ngunit napakaliwanag ng araw sa labas. Napapapikit ako sa tuwing titingnan ko ito, natatalo ng sinag ng araw ang aking paningin na sumisilip sa malaking bintana rito sa aking kuwarto.
Hanggang sa hawakan ng lalaki ang aking pisngi. Ang mainit na palad niya na siyang nagbigay ng kapayapaan sa aking buong katawan na kanina pa binabalot ng kakaibang takot at kaba.
“Don’t be afraid, Zanchi. I’m here.”*34*
Guess who? Tsarot ahah.
Let's be friends! Reach me at Fb!
> speaksirius leeSorry for the typos and grammatical errors. I'll edit this story, ang daming typos eh, type and published kaagad that's why. Pag may time aayusin ko para sa ekonomiya and everything nice, tsar.
Thank you for reading!
BINABASA MO ANG
Warning: She is Mine. [COMPLETED]
VampireHe's covering up something, he is hiding things, but you don't know what it is and you have got no thought what it could. A knife? A bomb? A sword? A gun? Anything that will end your life. "No one else will know if I end up killing you." R18 | Nov...