Warning: Special Update

214 0 0
                                    

Warning She Is Mine

Special 3rd Anniversary Update

Someone's Pov

Kailangan niyang gumawa ng paraan para madali nitong mahanap ang kanyang kapatid. Naisipan nitong humingi ng tulong sa mga namamahala lalo na sa bise gobernador o gobernador ng kanilang lalawigan. Hindi lingid sa kanyang kaalaman ang mga hindi maipaliwanag na nilalang ang palihim na nakamasid sa kanilang paligid. Nadagdagan pa ang takot nito nang malaman na hawak nga ng mga hindi ordinaryong mga tao ang kanyang kapatid na si Raelle. May relasyon ang kanyang kapatid sa isang aswang. Ito ang bagay na hindi kayang tanggapin ng binata.

"Ipinapangako ko na maibabalik kita. Hindi ako papayag na magkaroon ka ng koneksyon sa mga nilalang na pumaslang sa ating pamilya, Raelle."

***

Halos malaglag sa lupa ang panga ng kaibigan ng binata sa narinig nito.

"Hostage!? Nawawalan ka na talaga sa katinuan! Alam mo kung gaano kadelikado ang kalabanin ang pamahalaan. Saan mo ba napulot ang ideya na gagawin mong hostage ang nag-iisang anak ng bise gobernador!?"

Napayuko nalang ang binata at pilit ipinikit ang mga mata upang kahit papaano ay alisin nito sa isipan niya ang pagtutol ng kaibigan.

"Sinabi ko lang ito sayo...para may ideya ka sa kung sakaling hindi maging madali ang gagawin ko." Tanggap ng binata na delikado ang kanyang gagawin pagdakip sa anak ng bise gobernador. Ngunit hindi na ito makapaghintay pa na mabawi ang kanyang kapatid na si Raelle.

"Anong sabi mo? Bakit pakiramdam ko huling habilin mo na sa akin 'yan!?"

"Sasama ka ba? Kung hindi naman ay mauuna na ako para makapaghanda na rin ng gamit." Tumayo na ang binata at akmang lilisanin na ang lugar.

"Saan ba? At anong plano?" Natatakot man na isama niya ang kanyang kaibigan ay napagdesisyunan ng binata na bigyan ito ng ideya sa kanyang gagawin.

"Bukas na ang field trip nila. May tatlo pa tayong makakasama para naman sila ang humarang sa mga security na susunod sa dalaga. At tayo naman ang sasakay sa bus...si Zanchi lang ang kukunin natin, walang iba pa."

Buo na ang loob ng binata na ituloy ang nais nito. Nag-alinlangan man ay wala na ito panahon pa para matakot. Kailangan niyang makuha si Zanchi kapalit ang pagtulong sa kanya ng bise gobernador, na mabawi sa mga hindi ordinaryong nilalang ang kanyang nag-iisang kapatid na si Raelle.

***

Pagdating ng umaga. Halos hindi na makilala ng bawat isa ang kanilang mga sarili dahil sa kanilang mga suot. Itim ang sumbrero, facemask, makapal na jacket, itim din ang pantalon at ang black rubber shoes ng mga ito. Hindi rin nila pinalampas pa ang kanilang mga gamit na mga baril. May kulay na itim din ang gagamitin nilang kotse sa pagsunod sa bus.

"Ikaw na ang kumontrol sa driver ng bus, tayong naman ay ang pagpasok sa bus para mapabilis na kunin ang target natin. Maliwanag ba?" Inabot ng binata ang mga sobre na may lamang mga cheque. Gaya ng napagkasunduan ay maghahati sa isang milyong piso ang ibinigay nito sa mga kasamahan para maging maayos ang gagawin nilang pagkidnap kay Zanchi.

Nauna na silang bumyahe at kailangan na lamang nilang abangan ang bus sa isang liblib na lugar. Hindi inaasahan ng binata na magiging mabilis ang pangyayari. Dahil narin sa kondisyon ng panahon kung saan makakapal ang hamog sa daan na kanilang dinaraanan ay nagawa nilang iligaw ang mga kotseng nakasunod sa bus. Pinaulanan muna nila ito ng mga putok ng baril upang masiguradong hindi makakasunod ang mga security na iyon kay Zanchi. Hindi sila tumigil sa pagpapaulan ng bala sa kotse hanggang sa bumangga na ito sa matandang ouno at umusok hanggang sa masunog na sumiklab doon.

Gaya ng nasa plano ay hinarangan nila ang bus dahilan upang tumigil ito. Kabilaan ang pagsigaw ng mga estudyante at naalarma ang mga guro na kasama sa field trip. Umandar muli ang bus para makalayo kaagad sila sa lugar. Mahirap na at may makakita sa kanilang mga awtoridad.

"May yakap siyang teddy bear."

Hinahanap kaagad ng binata ang tinukoy ng kanyang kaibigan sa kanya. Hindi nga ito nagkamali at nakita niya si Zanchi. Nagtagpo ang kanilang paningin at bakas na bakas sa mata ng dalaga ang pagtataka. Akmang kikilos ito ngunit hindi maawat nmang mga estudyante sa pasigaw. Sa pagkainis ay nagpaputok ng baril ang binata upang tumahimik ang lahat ngunit nagkamali ito dahil lalong nagkagulo ang mga ito.

"Paandarin mo ng mabilis ang bus. Baka may makaabot sa atin dito." Utos ng binata sa isa nilang kasamahan na abala sa pananakot sa driver ng bus.

Hindi parin maawat ang mga estudyante sa pag-iyak kahit na tutukan na sila ng mga baril at patalim ng kanyang kasama. Naagaw ang kanyang atensyon sa pagsigaw ng kanyang kaibigan.

"Tumayo ka!" Natagpuan nito na nasa tapat niya ang dalaga. Halata sa buong mukha nito ang takot na halos mawalan na ng dugo ang kanyang mukha. Napansin ng binata ang cellphone na hawak nito, sigurado itong humihingi na siya ng tulong sa mga guards niya na nakasunod dito. Ngunit imposible iyon dahil patay na ang mga iyon hindi na siya masusundan pa, wala na ang mga taong tutulong pa sa kanya ngayon.

"Boss! Nawalan ng kontrol ang bus! Umalis na tayo!"

Hindi ito pinansin ng binata dahil natuon ang atensyon nito kay Zanchi na tumatakbo palapit sa kanya.


"At saan pupunta ang isang 'to? Ang lakas ng loob niyang lumabas ng bus!"

Natatawang sabi ng binata sa kanyang loob ngunit natigilan ito nang marinig niya ang pagkawala ng ilang putok ng baril.

Pigil ang kanyang hininga nang makita niya na nawalan ng balanse si Zanchi. Laking gulat pa nito nang makita niya ang pagkawala ng dugo sa balikat nito.


"Hindi! Hindi ka pupwede mamamatay!"


Nagkakagulo na ang lahat dahil sa pagkawala ng kontrol ng bus. Mabilis itong kumilos upang mahawakan niya si Zanchi at buong lakas itong tumalon palabas ng bus.






*To be continued*

Warning: She is Mine. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon