Warning: 1

14.9K 266 13
                                    

WARNING: TYPOGRAPHICAL, GRAMMATICAL ERRORS AHEAD!


CHAPTER 1

Third Person's POV

Makalipas ang dalawang araw.

Kasalukuyang naglalakad si Lucien, isang binata na naninirahan sa bundok; malayo sa lungsod kung nasaan ang mga tao; hindi dahil gusto niya kung hindi dahil kailangan niyang umiwas.

Matikas, maganda ang pangangatawan, kayumanggi ang balat, matangkad, at para siyang modelo sa mukha niya. Hindi gaanong mahaba ang kaniyang itim na buhok, tama lang na natatakpan ang  kilay niya na hindi kakapalan at maganda ang pares ng pilikmata. Ang ilong niya ay katamtaman lang ang tangos; makinis ang pisngi niya na tila alaga sa sabon, kung hindi man ay maganda ang mga klase ng pagkain na kaniyang kinakain, at ang labi niyang mapula, na kung mahahawakan ay masisigurado na malambot iyon at mararamdaman ang init kapag dumampi ito sa iyong balat.


Sa huli, ang mga mata niya na nangungusap kapag nasisinagan ng araw ay nagiging kulay almonds. Hindi mo gugustuhing maialis ang pagtitig dito na tila unti-unti nitong inaakit at dalhin ka sa isang patibong.


Natigil siya sa paglalakad nang sa hindi kalayuan ay may narinig siyang paghikbi; may kakaunting kaluskos din siyang naririnig. Dahil sa kuryosidad ay kaagad siyang lumapit sa kinaroroonan ng kung ano ang nasa likuran ng mga talahib; mga talahib na nagtataasan. Katabi nito ang taniman ng mga tubo; maitim at maabo.


Tatlong araw na rin ang nakalipas nang sunugin ang mga ito, marahil ay gawa ito ng ilang  magsasaka na kailangang maglinis ng daan para sa pagtatanim ng mga bagong pananim na tubo.

Isang sugatang babae na balot ng uling; may mga galos din ito at mahahalata ang natuyong pulang dugo ng kumapit sa buong katawan niya. Para itong lantang gulay na puwede nang itapon sa may basurahan. Hindi niya mawari ang nangyari rito dahil sa hitsura nito; magulo ang buhok, halatang pagod. Base sa suot nito na uniform na punit-punit na ay hindi ito isang mamamayan sa Sitio.

Nilapitan niya pa ito upang makita nang maayos; sa sobrang pagod, marahil ay nakatulog na. Hindi pa ito patay, pero malapit na. Base sa paghinga nito ay katapusan na ng babae.


Akmang aalis na siya nang naramdaman niyang may humawak sa paa niya, dahil sa gulat ay muntik niya nang sipain ito, pero nakapagpigil siya. Mabuti na lang.

Napansin niya ang mukha nang bahagyang kumilos ang ulo ng babae; basa ang mukha nito ng luha, pero ang labi nito ay sobrang tuyo na.


Ilang araw na ba ito rito? At bakit  nandito ito?

Tanong nito sa sarili.


Kalahating oras na rin ang nakalipas nang narating ni Lucien ang ilog para kumuha ng isda; ito ang uulamin niya sa ngayon. Hindi niya gusto na isipin ang nakita niya kanina, pero pilit pa rin itong sumisiksik sa kukote niya.


"She's just a crap," sabi ng konsensya niya.


Pagkatapos mapuno ang lalagyan na bitbit ni Lucien na may laman ng mga isda ay umahon na siya sa ilog at umalis na. May kukuhanin pa siyang mga panggatong sa bukid malapit sa kaniyang tinutuluyan. Dapit hapon na at baka gabihin siya sa panghuhuli ng isda.


Sa hindi kalayuan ay may naramdaman siyang paparating. Pumikit siya at inalam kung nasaan banda nanggagaling ang mabilis na pagkilos. Dalawa sila at tila sabik na sabik sa naaamoy na putahe na matatagpuan. Isang kilometro na lang ang layo ng mga ito sa biktima. Nagdilat na ng mata si Lucien at nag-ayos ng sarili. Basa ang buong katawan niya at hindi iniisip ang lamig ng hangin na naghahari sa loob ng kagubatan.


Nagiging malinaw naman ang pagdating ng dalawa sa kinaroroonan ng amoy. Amoy ng laman...

ng isang tao.




Makalipas ang ilang minuto ay nasa bahay kubo na siya. Kaagad siyang naghanda ng pagkain para sa hapunan. Kahit gusto niyang magpahinga na ay may kailangan pa siyang gawin. Napaisip siya kung bakit niya iyon ginawa.


Bakit niya pinasok ang isang sitwasyong maglalagay sa kaniya sa alanganin?



"Oh, Lucien. Ikaw lang pala 'yan!" sabi ni Ruce na hindi naman hiningal sa pagtalon-talon sa bawat puno para makarating sa kinaroroonan ni Lucien.


Kasama nito si Niall na seryoso ang tingin kay Lucien. Ito ang mga dalawang paparating kanina na binasag ang katahimikan ng kagubatan.


"May mga bangkay ng tao roon sa ilalim ng bangin, kaya ang ilan sa atin ay nandoon para makiusisa," paliwanag ni Ruce, ang isa naman ay inilibot ang paningin na parang naghahanap.



Katulad nito, matikas at maganda ang pangangatawan; hindi nalalayo ang pagkamatangkad nilang tatlo. Si Ruce ay palangiti, habang si Niall ay seryoso at hindi gaanong palasalita.


"Gano'n ba? Bakit pala kayo nagmamadaling makapunta rito?'' wala sa sarili niyang tanong sa dalawa, kahit na alam niya na may ideya na siya sa kaniyang isip.


"Mayroon kaming naramdaman malapit dito. Matagal-tagal na rin na walang naliligaw rito. Sakto naman na may aksidente roon sa bangin, baka—" Natigil si Ruce sa pagpapaliwanag nang ipakita niya ang piraso ng damit ng isang babae; kulay pula ito dahil sa dugo na dumikit dito.



"Ito ba?" tanong ni Lucien na halata ang pagkawala ng emosyon sa pagsasalita.


"Bakit mo..." nakakunot ang noong sabi ni Niall. Ang alam nila, kahit na magkatulad na nilalang sila, si Lucien ay may salungat na pananaw sa pagkatao nito.



"Balik-loob na ba, Lucien?" seryosong tanong ni Ruce.



Maging ito ay nagtataka sa inaasta ni Lucien. Ang akala ng mga ito ay panghahawakan niya ang pangako na sinabi niya sa dalawa.



Nagpalitan ng seryosong tingin ang tatlo, tingin na may malalim na pagkakaguluhan; tila nag-uusap ang tatlo sa kanilang mga isipan. Umihip ang malamig na hangin na nanuot sa mga balat ng mga ito, senyales na seryoso ang nais iparating ni Lucien.



"I'm warning you, she's mine."




*1*



@SiriusLeeOrdinary

Warning: She is Mine. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon