Trashtalk
Third person's P.O.V
"Anong kagulohan nanaman ito section candy?!" Nanggagalaiting sigaw ng matandang dean. Ang lahat naman ng guro ay nagsibigay daan sa matanda.
"Kailan pa kayo magtitino huh?!" Sermon nito sa kanila na ngayon ay nagsisiyukoan. Ang iba naman ay walang pakialam sa paligid.
"Ikaw panot kailan kapa mamamatay?" Walang galang tanong sa isa sa mga section candy. Lalo namang nagalit ang kanilang dean sa sinabi nito.
"All.of.you go to, to my office now!!" Makapangyarihang sigaw nito at galit ng umalis. Nagsisunuran naman ang lahat ng section sa tinahak na daan ng kanilang dean.
Halos lahat naman ng guro na nakasaksi kanina ay hindi parin nakapaniwala. Nagsisialisan narin ang iba para pakapaglunch na. Aayain na sana nina Khaleed at Kathleen ang batang babae nang nawala na ito sa paningin nila. Wala narin sa sariling table nito kaya naisipan nilang baka lumabas na ito na di lang nila napansin.
Chia's P.O.V
Nandito ako ngayon sa loob cafeteria dahil kanina pa ako nagugutom. Hindi ko na kinaya ang sakit ng tiyan ko dahil sa gutom kaya lumabas na ako sa faculty teacher na hindi nila napapansin.
Kaharap ko ngayon kumain ang cute cute na pusa na nakita ko kanina. Lumabas muna kasi ako ng campos kanina para bumili lang ng cat food. Nagpapasalamat rin ako dahil may malapit lang din dito na 7/11. Doon na sana ako kakain kaso naalala ko ang sinabi ni lolo na bawal akong lalabas kapag walang kasama. Natatakot rin kasi ako baka may kikidnap sakin mahirap na gumuho ang mundo dahil lang sa nakidnap ako.
"Baby Chia kanina kapa namin hinanap nandito ka lang pala" Napaangat ako ng tingin dahil sa pamilray na boses at binalik agad ang tingin ko sa pagkain ko na ngayon malapit ng maubos. Ngayon ko lang din napansin na naparami na pala ang nakain ko.
"Ang takaw mo pala baby Chia" Uminom muna ako ng tubig bago hinarap ang nagsalita.
"Kuya Mark, Chia nalang po wag na yung baby dahil ang panget-panget po" Tatawagin kaba namang baby baka lalo lang lumaki ang ulo ko niyan.
Umupo naman sa tabi niya si kuya Khaleed at umupo rin sa tabi ko si ate Kath. Hindi parin nawawala ang usap-usapan dito sa loob ng cafeteria tungkol sa pagiging guro ko. Kesyo daw ang bata-bata ko pa para maging teacher at ang nakakainis dahil sinali pa nila ang mga magulang ko kung bakit daw ako nagiging guro. Waaaa ang hirap talaga maging maganda.
"Hindi ka naman nakikinig Chia eh!!" Nabalik ako sa wesyo dahil sa sinabi ni kuya Mark. Tiningnan ko siya na nagtatanong.
"Aware kaba sa kwento ko?" Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya. Malay ko bang nagke'kwento pala to.
"Wag mo yan pansinin Chia wala yan sa katinuan" Sabi ni kuya Khaleed. Sinamaan naman siya ng tingin sa katabi niya.
"Ikaw na ang mag 'o-order Mark" Pag-iiba ni ate Kath. Nakasimangot namang tumayo si kuya Mark para mag-order ng pagkain nilang tatlo.
"Nga pala Chia, kaya mo bang i'handle ang section na yun?" Seryusong tanong ni kuya Khaleed na sinang-ayunan naman ni ate Kath. Ngumiti ako sakanila at tumango.
"Sure kaba? Hindi lang kasi ako makapaniwala na ikaw ang magiging permanent teacher nila" Kinuha ko muna si kitty at nilagay sa lap ko bago tumingin kay kuya Khaleed.
"Paano na ang pag-aaral mo Chia kung magiging permanent teacher ka nila?" Nag-alalang tanong naman ni ate Kath. Mukhang sila pa yata ang nahihirapan sa sitwasyon ko. Will nahihirapan naman ako dahil mukhang kailangan ko pang mag-adjust sa kanila.
BINABASA MO ANG
She's A Temporary Teacher In Her Fathers School
RandomNapag-isipan ng kaniyang ama na ipasok ang kaniyang nag-iisang anak na babae sa academy'ng pagmamay-ari niya. Hindi bilang estudyante kundi bilang isang guro sa isang napakakulit na section. Marami nang naghahandle sa sectio'ng iyon pero hindi nila...