Chapter 18

54 4 0
                                    

We meet again

Chia's P.O.V

"Hey wake up little Zayn"

"Maya na po kuya" Inis kung hinablot ang unan ginawang pantakip ng mata ko.

"Gosh little brat. Alam mo bang subrang late kana sa school?"

"Hindi ako papas---"

"Shut up!"

Napahiyaw ako ng biglang hilain ang mga paa ko pababa sa kama. Nawala ang antok ko ng buhatin ako ni ate Pinky at walang pag-alinlangang binagsak ako sa bathtub na puno ng bula.

"Baka gusto mong ako pa ang maghubad sa damit mo?"

"Kuya Pinky!" Inis kung sigaw sa baklang pinsan ko. Wala naman talaga akong balak pumasok eh, kakausapin ko si dada na hindi na itigil na ang kahibangan niya.

"Zayn! Tulala ka nanaman!" Nabalik lang ako sa sarili ng biglang sumigaw si shokla.

"Labas kana nga!"

"Bilisan mo lang Chia baka ikukulong kita dito sa mansion niyo"

"Bakit ang kulit mo kuya? Hindi nga ako papasok sa walang kwentang academy na 'yon!" Ayaw ko lang maulit ang nangyari sakin don. Panigurado papasok ngayon ang anim na yon.

"Zayn, trust your self. Nandito rin naman kami ng ate Perry mo, kaya nga sasama kami ngayon sayo" Nakakunot ang noo kung napatingin sa kaniya.

"Ano namang gagawin niyong dalawa sa academy?" Muli siyang sumeryuso at tiningnan ako sa mga mata.

"Ako muna ang mag-mamanage sa academy ni tito. Dapat nga ikaw ang gagawa non dahil anak ka niya pero hindi siya papayag na masangkot ka sa gulo lalong-lalo na may gustong kumuha sa academy na pinagmamay-ari niyo" Bumalik nanaman ang kaba'ng nararamdaman ko nong dinukot ako sa anim.

"Mamaya na natin pag-usapan ang bagay na ito. Maligo ka muna dahil super late kana" Napairap nalang ako dahil sa kabaklaan niya.

**

"Tara na" Nauna na akong pumunta sa labas ng gate nakasunod naman sakin ang dalawa na may ngiti sa labi.

"Good morning Zayn"

"Good morning din kuya John" Masayang bati ko sa kaniya at agad ng pumasok sa front seat habang ang dalawa ay nandon sa backseat busy sa iPod.

"Okay kana ba?" Tanong sakin ni kuya John na may pag-alala na tumingin sakin. Binigyan ko lang siya ng matamis na ngiti at tumango bilang sagot. Ginulo muna niya ang buhok ko bago pinaandar ang sasakyan namin.

Tahimik lang ako'ng nakatanaw sa nagtataasang building habang ang dalawa ay seryusong nakatuon sa ginagawa nila sa iPod. Kalaunan ay narating narin namin ang academy. Hindi kuna hinintay si kuya John na pagbuksan pa ako sumunod narin ang dalawa na ngayon ay malaki ang ngiti na nakatitig sa nakabukas na gate.

Back to shokla attitude nanaman ang dalawa. Kapag seryuso kasi ang dalawa hindi sila pagkakamalhang shokla.

"Ang panget naman nitong academy ni Tito dad" Bahagya akong natawa sa sinabi ni kuya Perry na sinang-ayunan naman ni kuya Pinky.

"Akala ko talaga maganda" Hindi kuna sila pinansin at nauna ng naglakad, rinig ko pa ang matinis nilang pagsigaw na dahilan para makahakot sila ng attention. Hindi na sakin bago ang bulong-bulongan thingy nila. Like I care? Masasayang lang oras ko sa mga bubuyog hihihihi.

"Hi miss Albiars!" Nakangiting bati ng ibang estudyante at syimpre bumati rin ako sa kanila pabalik. Tinuruan kaya ako ng mga magulang ko ng magandang asal.

She's A Temporary Teacher In Her Fathers SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon