Chapter 01

233 5 0
                                    

Section candy

Sunod-sunod ang malakas na katok galing sa labas ng kwarto ni Chia pero hindi parin ito nagising. Madaling araw na kasi itong nakatulog dahil naglalaro pa ito nang online games.

Patuloy parin sa pagkatok ang taong nasalabas dahil kanina pa ito katok ng katok hindi naman nagigising. Wala naman silang extra key sa kwarto ni Chia dahil kinuha ito sa babae dahil ayaw niyang may makapasok sa loob.

"Yaya hindi paba nagising?" Tanong ng ama ni Chia na nakabihis na ito at ready nang pumasok sa companya.

"Patawad po sir mukhang nagpupuyat nanaman ang anak niyo" Nakayukong sabi nang kasambahay nila.

"Ako na ang gigising sa kaniya yaya" Nagpaalam muna ito bago umalis. Kakatokin na sana niya ang pinto nang kaniyang anak nang naisip niyang tulog mantilika pala ito, kaya kumuha nalang siya nang hairpin sa gilid ng vace at ginawang susi sa pinto. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at nilibot ang kaniyang tingin sa buong silid. Nadapo ang tingin niya sa kaniyang anak na mahimbing ang tulog. Umupo siya sa gilid at pinagmasdan ang munting anghel niya.

Hindi niya mapigilang mapatitig sa maamong mukha nang munting anghel niya dahil kuhang-kuha niya talaga nito ang hetsura ng kaniyang yumaong asawa. Kung hindi sana nagtaksil sa kaniya ang asawa niya buo pa sana sila. Masaya sana sila ngayon at may nag-aalaga sa kaniyang anghel.

"Dada? Kanina kapa ba diyan?" Antok niyang tanong sa kaniyang ama na nakatulala na pala sa kaniya at may butil na luhang tumutulo sa pisnge ng kaniyang ama. Dahan-dahan siya'ng bumangon at pinunasan ang tumutulong luha sa pisnge ng kaniyang ama.

"Ah---ha.ha.ha. maligo kana anak dahil late kana sa school mo" Kahit gusto pa niyang matulog ay pinilit niyang pumasok sa banyo para maligo.

"Bilisan mo dahil late kana hintayin nalang kita sa baba dahil sasabay ka sakin papuntang academy" Tumango siya bilang sagot at tuluyan nang pumasok sa cr.

Pagkatapos nang morning routine niya ay nagbihis lang siya nang simpling damit. Dahil ayaw niyang magsuot ng uniporme dahil hindi niya gusto ang damit ng mga guro, nagsuot nalang siya nang white t-shirt na may nakasulat sa harap na 'gamer' at pinarisan nang fitted jeans na highways at tinak-in sa white t-shirt tapos white shoes. Nilugay niya lang ang mahabang itim niyang buhok na hanggang kili-kili at sa dulo nito ay pedyo kulot. Bumagay naman ito sa miliit niyang mukha.

Humarap siya sa human size merror at pinagmasdan ang suot niyang damit kung bagay ba sa kaniya. Pinagmasdan niya ang kaniyang mukha sa salamin mula sa magaganda niyang kilay at sa mga mata niyang kulay chocolate at mahahabang pilik mata. Ang matatangos niyang ilong hanggang sa mapupula niyang labi. Ngumiti siya ng subrang tamis dahil sa hetsura niya pero nawala lang ito bigla at napalitan nang lungkot dahil naalala niya ang kaniyang ina.

Kinuha niya ang pulbo at nilagyan ng kunti ang kaniyang mukha. Kinuha niya ang kaniyang loptop at nilagay sa lalagyan dahil ito ang dadalhin niya sa academy. Hindi na niya kailangang magdala ng lesson book dahil alam niyang hindi naman siya papakinggan sa magiging estudyante niya kapag magtuturo siya. Nagsasayang lang sila ng oras niya.

Pagkababa niya agad niyang hinanap ang kaniyang ama. Nakatingin ito sa kaniya ng subrang sama. Kaharap nito ang kaniyang lolo na nakatalikod sa kaniya.

"Bakit ang tagal mo? Alam mo bang limang oras kana sa loob ng kwarto mo?" Galit nitong sabi pero tinawanan niya lang dahil sa cute niyong hetsura kapag nagagalit.

"Good morning apo" Bati sa kaniya ng matanda. Lumapit siya nito para batiin rin at hinalikan sa magkabilang pisnge. Nagseselos naman ang kaniyang ama dahil siya ang unang nakita ng anghel niya pero iyong lolo niya ang unang binati at hinalikan sa kaniyang anak. Umasim naman lalo ang mukha ng kaniyang ama nang makita itong naglalambing sa lolo niya.

She's A Temporary Teacher In Her Fathers SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon