Rainy
Third person P.O.V
"Ano?" Sabay'ng tanong nila na sila rin ang nakakarinig.
"Sabi niya kung bakit subrang pogi natin lalong-lalo na si Chia na parang dyosa" Bigla nalang napatingin sa kanila si Chia na malaki ang ngiti.
'Pinapalaki ba nila ang ulo ko?' Sa isip niya.
"Bobo alam naming dyosa natin siya at higit sa lahat dyosang kaibigan" Nakangiting sabi naman ni Alex.
"Wag niyo nang palakihin ulo ko" Nakasimangot nitong sabi sa tatlo "Alam ko namang maganda at cute ako simula fetus palang" Mayabang nitong sabi.
"Ulol may mukha bayang fetus?" Natatawang tanong ni Byran.
"Basta! Wag ka nalang pumalag"
"Ang ganda mo nga...." Sa sinabi ni Lyle lalong lumawak ang ngiti niya pero bigla nalang itong napalitan ng simangot dahil sa sinabi ni Lyle.
"Lalong lumaki ang ulo mo at sa subrang proud sa sarili mo biglang nadagdagan ng yabang at kahanginan"
"Chia alam mo bang pangarap naming makapasok sa academy na kagaya nito?" Pag-iiba sa usapan ni Lyle habang manghang nilibot ang kaniyang paningin sa madadaanan nilang building at ang malawak na hallway.
"Minsan ba hindi niyo naisipan na pumunta sa bahay ampunan?" Takang tanong ni Chia sa mga kasama niya.
"Hindi, gusto rin kasi naming matutunan kung paano mabuhay na mag-isa pero hindi namin alam na napakahirap pala" Biglang napahinto si Chia sa paglalakad dahil sa narinig. Parang may tumusok sa puso niya ng milyon-milyong karayom.
"Ok ka lang?" Nag-alalang tanong ng tatlo agad naman siyang ngumiti ng matamis at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Alam mo Chia napakaswirte mo dahil may nagmamahal sayo, gusto rin naming maranasan ang pagmamahal ng isang magulang pero tinatakwil lang kami" Mababakas talaga ang lungkot sa boses ni Lyle. Habang ang dalawa ay nagpipigil sa pagtulo ng kanilang luha. Kahit si Samantha(vice-president) ay biglang bumagal ang paglalakad dahil sa kaniyang narinig.
"Bakit kasi kayo tinakwil ng mga magulang niyo?" Tanong ni Chia. Naghihintay sa sagot si Chia sa tatlo pero walang sumagot sa kanila. Napabuntong hininga nalang siya.
"Sorry Chia kung hindi namin masasabi ang dahilan" Nakayukong sabi ni Lyle.
"Ako rin Chia, pasensiya na kung hindi namin masasabi sayo ang dahilan" Pilit ngiting sabi naman ni Alex.
"It's ok. I understand. Alam ko namang may rason kayo kaya it's up to both of you kung i'share niyo ba sakin o hindi. Tandaan niyo wag niyong kamumuhian ang mga magulang niyo kahit may malaking kasalanan silang nagawa sa inyo. Like may father he didn't told me about my mom's death" Pilit ngiting sabi ni Chia at tumingin sa kalangitan na kahit anong oras ay babagsak ang ulan.
"Anong ibig mong sabihin?" Bryan.
Biglang bumagsak ang malakas na ulan para mapatakbo si Samantha sa di kalayuan hallway habang si Chia nakatingala parin sa madilim na kalangitan habang nakapikit at dinasama ang malakas na ulan. Hinyaan narin niya bumagsak ang masagang luha sa pisngi niya.
Nakangangang pinagmasdan ni Samantha ang apat na nasa gitna ng malakas na ulan. Si Chia na nakapikit ang mga mata at nakatingala sa kalangitan habang ang tatlong kasama niya ay nakatingin rin kay Chia na may haluhalung emosiyon.
BINABASA MO ANG
She's A Temporary Teacher In Her Fathers School
AcakNapag-isipan ng kaniyang ama na ipasok ang kaniyang nag-iisang anak na babae sa academy'ng pagmamay-ari niya. Hindi bilang estudyante kundi bilang isang guro sa isang napakakulit na section. Marami nang naghahandle sa sectio'ng iyon pero hindi nila...